Lihim 1.3

425 9 0
                                    

Nagising si Andrei sa pagyugyog ng kapatid, bahagya siyang nagulat subalit nang Makita niya kung sino ang nasa harap niya, ay kumalma siya. Pawisang pawisan at tila namumutla si Andrei, “Anong ginagawa mo dito?” Ang naibungad niya sa kapatid habang palinga linga siya sa paligid. “Wala na siya. Umalis na.” ang sabi ni Isshie. “Huh? Sinong wala na?” takang tanong ni Andrei sa kapatid. “Yung babae! Akala ko ba bawal ka magdala ng kaibigan dito? Naku kapag nalaman ito ni daddy….” “Sinong babae?” pagputol ni Andrei sa sermon ng kapatid. “Yung babae, pinagbuksan niya ako ng pinto kaya ako nakapasok sa kwarto mo. Nawala na siya, nahiya ata sakin.” “Wala akong kasamang babae dito.” Di pa rin mapigilan ni Andrei ang magtaka at tila binalot na siya ng takot. “Hay naku kuya! Luma na ang ganyang palusot. Kahit napaka convincing mo tignan at pakinggan, nakita ko ang babae. Tara na at kumaen na tayo dali! May dala akong masarap na pagkain.” Bumaba na ang magkapatid upang mag-agahan. Bakas pa din ang pagtataka ni Andrei tungkol sa sinabi ng kapatid. “Di kaya siya yung babaeng nakita kong nakakadena?” nasabi niya sa sarili.

Mula ng dumating si Isshie sa bahay ay natigil na ang pagpaparamdam kay Andrei. Nakakatulog na siya ng maayos at di narin nangangamba tungkol sa mga maaaring mangyari o magpakita. Ngunit ang katahimikang iyon pala ay pansamantala lamang, dahil makalipas ang dalawang linggo….

*BLAG!* isang malakas na kalabog ang gumising sa magkapatid. Kinabahan man si Andrei ngunit pinilit niyang hindi pansinin ang narinig dahil sa pag-aakalang mawawala din yun. “Kuya ano yun? May nakapasok ata.” Paggising ni Isshie sa kapatid. “Wala yun, matulog ka na.”ang tanging naisagot niya sa kapatid kahit ramdam niya ang takot na namumuo sa katawan niya. Babalik na sana sila sa pagtulog nang biglang, “AAAHHHHH!!” isang malakas na sigaw ng babae ang narinig nila na sinundan ng maraming iyak!

“KUYA! Ano yun?” this time takot na talaga si Isshie at si Andrei naman, pinipilit na pakalmahin ang sarili at ang kapatid, “Humawak ka lang sakin, wag mong pansinin. Takpan mo ang tenga mo."

Patuloy ang pagpalahaw ng iyak sa loob ng bahay, binasag nito ang katahimikan. Iyak ng babae, lalaki at mga bata. Iyak na tila nahihirapan. May tumitili, may nagmamakaawa at may mga tipong nababaliw na. Di na malaman ng magkapatid ang gagawin. May naririnig silang mga bulong sa paligid.

“Tulungan niyo kami! Ayoko na dito”

“Umalis na kayo dito!”

“Mamamatay kayo dito! HAHAHA sama-sama tayo dito!”

Umiiyak na ngayon si Isshie at di na malaman ang gagawin. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang kapatid. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at samu’t saring nilalang ang nakita nila. May bata, matanda, dalaga at binata. Lahat umiiyak. Lahat nagmamakaawa. Sa gilid ng kama nila ay may isang babaeng nakatayo at bumubulong, “umalis na kayo dito! Umalis na kayo!” Napasigaw na ng malakas si Isshie sa sobrang takot na nararamdaman niya at nanginginig na ito. Samantalang si Andrei ay mahigpit ang pagkakayakap sa kanyang kapatid. At napatingin siya babae, “Bakit? Bakit kami aalis? Ano bang meron sa bahay na to?” ngunit patuloy lang ang pagsasabi ng babae na umalis na sila. Nanganganib sila. At biglang nawala ang mga multo sa paligid. Muling binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong bahay. Si Isshie ay patuloy sa pag-iyak. “Kuya, anong nangyari? Ano yun?” Patuloy siya sa pag-iyak. “Hindi ko alam. Tawagan mo si daddy, pasundo na tayo.” Agad namang kinuha ni Isshie ang kanyang phone at tinawagan ang ama ng may maalala siya, “kuya, yung babae, siya yung babaeng nagbukas ng pinto nung dumating ako dito.” At lalong binalot ng takot si Andrei.

“Hello? Isshie? O bakit ka napatawag? Madaling araw na ahh” ang ama ni Isshie.

“Daddy! Sunduin mo na kami ni kuya ngayon please dad.” Muling umiyak si Isshie

“Bakit? Anong problema? Anong nangyari” ngayon ay gising na gising na ang ama at alalang-alala sa kanyang mga anak.

“Dad, may nagmumulto sa bahay na ito. Ayoko na dito.”

“Ano? Naku naman, binabangungot ka lang! Tinatakot ka lang ata ng magaling mong kapatid eh.” Tila nabawasan ang pangamba ng ama sa kalagayan ng anak.

“Totoo daddy, hindi po ako nagbibiro. Pinapaalis na kami dito. Mamamatay daw kami. Daddy, please sunduin mo na kami.” Patuloy sa pag-iyak si Isshie na ikinabahala ng ama.

“O sige, pagkagaling ko sa meeting, dederetso ako diyan. Wag kayong maghihiwalay ng kuya mo. Maliwanag?”

“Opo.” At saka pinutol ang usapan. “Susunduin na tayo ni daddy after niya manggaling sa meeting.” Ang sabi ni Isshie sa kapatid. “O sige, matulog na muna tayo at pagkagising ay mag-ayos na tayo ng gamit.” Pinatulog na ni Andrei ang kapatid ngunit siya ay hirap makatulog. Pinilit na lamang niya ang sarili na makatulog.

10am na nang magising ang magkapatid. Agad naman silang nag-ayos ng gamit upang pagdating ng ama ay agad silang makakaalis. Pagbukas nila ng pinto ay nagulat sila dahil nasa labas lang si Mang Ward at tumingin sa mga nakaayos na gamit nila.

“Saan kayo pupunta?” kaswal na tanong ni Mang Ward sa dalawa, “Aalis na ba kayo agad?”

“Ah, hindi. Nag-ayos lang kami ng gamit. Ang kalat kasi ng kapatid ko.” Ang sagot ni Andrei na tila kinabahan sa pagbungad ng matanda.

“O sige, kumain na kayo, naghanda ako ng pagkain niyo.” At saka umalis ang matanda.

Sa pagbaba nila, hindi nila kinain ang pagkaing inihanda ng matanda bagkus ay isinupot nila ito at itinapon. “Kuya, may mga biskwit pako sa bag ko. Yung dala ko nung dumating ako. Yun na lang muna ang kainin natin. Natatakot sa maaaring mangyari.” Ang sabi ni Isshie at ramdam ang gutom. “Oo nga, tama ka. Kumain muna tayo sa taas ng konti. Pagdating ni daddy magiging maayos na din tayo.”

Binuksan ni Isshie ang dala niyang laptop at saka nagbukas ng internet. Pilit nilang hinanap ang kwento tungkol sa bahay na iyon ngunit nabigo sila dahil kahit isa ay wala silang nahanap. “Ano ba to kuya. Ano ba ang lihim ng bahay na to?” tila naiinip na si Isshie dahil walang nangyayari sa paghahanap nila. “Sa taas.” Ang sabi ni Andrei. “Ano?” takang tanong ni Isshie . “Sa taas. Baka malaman natin ang kasagutan sa taas. Doon madalas ako makarinig ng kalabog. Tignan natin.” Tumayo na si Andrei at pinilit isama ang takot niyang kapatid.

“Ssshh, wag kang maingay sa paglakad Isshie.” Dahan dahang umakyat ang magkapaitd at bumungad ang isang pintuan na nakakandado. Humanap si Andrei ng pwedeng magamit upang sirain ang lock. Nang mabuksan nila ang pinto, hinanap nila ang switch ng ilaw upang mawala ang kadilimang bumabalot sa silid. Sa pagbukas ng ilaw, agad na nakita ni Andrei ang kadena sa sahig at sa mga lamesa at pader ay mga kutsilyo at mga matatalim na bagay at mga gamit sa pagpapahirap. Masangsang ang amoy ng silid. Amoy dugo at lamang nabubulok. Halos masuka ang dalawa sa umaalingasaw na amoy. Nagulat sila nang may makitang apoy na bola sa pinto. Sinundan nila ang bolang ito pababa ng bahay, palabas ng pinto sa likod at papunta sa kakahuyan. Mga limang kilometro ang layo sa likod bahay nila ay may isang bahay. Parang kulungan ng mga hayop. Pagbukas nila, tumambad ang mga naaagnas na katawan sa loob ng silid. Halos masuka ang dalawa.

Ang mga bangkay sa loob ng bahay na iyon ay bangkay ng mga babae, lalaki bata at matanda. Madami. Siguro ay nasa 30 ang bilang nito o mahigit pa. May narinig silang pagbukas ng pinto. Paglingon nila ay nakita nila si Mang Ward, “bakit di niyo kinain ang luto ko?” hawak ni Mang Ward ang plastic kung saan nilagay nila ang almusal na inihanda ng matanda para sa kanila. Tatakbo sana sila palayo ng hampasin sila sa kanilang ulo at bumagsak. May konti pang malay si Andrei nang madama niyang may humihila sa kanya. Nakita niya ang kapatid na katabi niyang hinihila din. Tinawag niya ang kapatid sa nanghihinang boses hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

........................................................

itutuloy

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon