Katarungan 1.3 (finale)

378 9 1
                                    

*balik tanaw*

"Marian, aalis lang ako para bumili ng pagkain, medyo malayo ang bilihan dito baka mga hapon pa ako makabalik." Ang bungad ni Devine sa bagong gising na kaibigan. "o sige, kain muna tayo, mamaya na yung iba at wasak pa sila." Ang pagyaya ni Marian sa kaibigan. Matapos nilang kumain ay umalis na ito upang mamili ng pagkain. "Good morning babe, saan pupunta si Devine?" si Ken, ang boyfriend ni Marian. "Mamimili ng makakain, gisingin mo na yung iba para makakain na tayong lahat." niyakap ni Marian ang boyfriend at humalik.

"Get a room guys!" bungad ni Ryan sa dalawa at tumawa. Tumingin lang ang dalawa sa kanya at natawa. "Oh, kumain na kayo, asan na yung iba?" tanong ni Ken sa kaibigan. "Pababa na. Si Devine? may narinig akong umalis eh." tanong niya sa dalawa. "Umalis nga at bibili ng lalamunin mo! Ang lakas mo daw kumain ee." Biro ni Marian kay Ryan at nagsibabaan na ang iba. "GOOD MORNING!" ang bungad nila sa mga kaibigang nasa kusina. "Gutom nako! Ang sakit ng ulo ko!" si Camille.

Isang barkada silang napag-isipang magbakasyon sa bahay nila Devine. Si Marian at Ken, Camille, Ryan, Devine, Angel at boyfriend niyang si Jed, Charmi, at Julius. Gusto nilang malayo muna sa iba at magparty-party sa isang bahay. Ganyang kasi ang libangan nila.

Nang dumating ang hapon ay naisipan nilang ipagpatuloy ang party party. "Marian! Buksan mo na ang radyo!" bumukas ang radyo ang tumugtog ang kanta ni Katy Perry na Last Friday Night. Lahat sila umiinom at nagsasayawan. "Last Friday night. Yeah we danced on tabletops. And we took too many shots. Think we kissed but I forgot." Habang nagsasaya sila pumunta si Julius sa kusina upang kumain. Di niya napansing may lalaki palang nagtatago sa gilid ng ref at saka siya ay sinaksak sa tagiliran. Inayos niya ito sa upuan at pumasok si Marian,

"Ito, kain ng kain!" bungad ni Marian sa kaibigan. Ngunit tumingin lang ito sa kanya at tila nagmamakaawa. Nagulat siya ng makita ang dugo sa sahig. Napasigaw siya at napatakbo sa sala kung saan nagkakasiyahan. "Oh? Bakit?" tanong ni Camille. "Si Julius! May nakapasok. May dugo." Biglang dumating si Devine. Ngunit sa pagpasok ni Devine at may bumaril sa kanyang ulo mula sa kusina. Lahat napasigaw at napatakbo. Naabutan ng killer si Ryan at pinatay. Tumakbo sina Angel at Jed palabas ng pinto ngunit binaril sila at pinagsasaksak ng killer. Yung iba ay umakyat at nagtago sa kwarto. Kinuha ni Marian ang celphone niya at tumawag ng pulis.

"Babe, dito ka lang." niyakap ni Ken ang girlfriend niya na nangangatog sa takot. Gumalaw ang door know. Si Camille ay nagtago na sa loob ng kabinet samantalang sina Marian ay nagtungo sa terrace. Tumigil ang pagpihit sa pinto. Nagulat na lang sila ng mawala ang pagkaka-lock ng pinto. Pag pasok ng killer, hinagis ang susi sa sahig. "Oh shit! susi ni Devine." napabulalas ni Camille ng tahimik. At biglang tumahimik. Dahan dahang binuksan ni Camille ang pinto ng kabinet at nakatayo sa kanyang harapan ang killer, Hinablot nito ang buhok ni Camille at nagpupumiglas siya. Sinaksak siya nito sa dibdib ng paulit ulit. Hinampas ni Ken ang killer ng bakal na panungkit. Natumba ito at nagrambulan ang dalawa. "Babe!!!" napasigaw si Marian. Biglang napatigil ang away. "Babe?" naiiyak na sabi ni Marian. May narinig silang sirena ng mga pulis. Tumayo ang killer at nasaksak si Ken sa dibdib. "wag. maawa ka po please." Mabilis na nakarating ang pulis sa bahay at nakarinig sila ng putok ng baril. Agad silang umakyat. Bumungad lamang sa kanila ang katawan ng mga namatay ngunit wala na ang killer. "Libutin niyo ang buong lugar!"

Nabaril si Marian sa tagiliran at bahagyang nanghina. Dalawang tama ng baril ang kanyang natamo. Unti-unting nawawala ang kanyang malay. Naririnig niya ang mga pulis. "Patay na ang isang to." Bumaling ang pulis sa katawan ni Ken na wala nang buhay. "Patay na rin ang nasa kabinet!" nakita nilang nakabulagta sa kabinet si Camille. Lumapit ang isang pulis kay Marian na humihinga pa. "Sarg! meron pang isa sa terrace! Humihinga pa." "Magpatawag ka ng medic!" nang biglang may sumabog. Malakas na pagsabog. Nag-iwan ng bomba sa loob ang killer at sumabog ang bahay. Tumalsik ang katawan ni Marian sa tabi ng kalsada at putol ang katawan. Lumapit ang killer sa katawan niya at tinitigan. Tinignan niya ang mukha ni Marian at napangiti.

*kasalukuyan*

Nagulat ang binata ng makita ang mukha ng babae. Duguan ito at tila nawala ang kalahating katawan. "Bakit?" tanong ni Marian at biglang ngumiti. Nataranta ang lalaki at nabangga sa isang poste. Namatay ito dahil hindi siya naka seat belt. Lumabas si Marian sa kotse at lumakad patungo sa bahay.

*makalipas ang isang linggo"

May magkaibigang napadaan malapit sa bahay ni Devine. "Pre, dito ako nakakita ng babae nung isang linggo. At nung isang linggo, may natagpuang patay dun banda, nabangga." sabi ng isang lalaki habang napalingon sa sira-sirang bahay. "Balita ko pre, yung mga magbabarkada pinatay diyan sa lugar na yan. Isang barkada. At pinasabog ang bahay na yan kasama ng mga pulis na rumesponde. Yung katawan ng isang babae ay tumalsik sa gilid ng kalsada. At yung namatay nung isang linggo, napag-alamang siya yung pumatay dun sa magbabarkada." kwento niya sa kaibigan. Bahagya silang tumigil sa daan upang lingunin ang bahay at may nakita silang babae malapit sa bahay. "Pre, kita mo yun?" habang nakatingin sa babae, papalapit sa kanila. Sa takot ay pinaandar niya agad ang sasakyan. Di na muli silang bumalik sa daan iyon.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon