Ikalabingtatlong baitang 1.5

311 6 0
                                    


Nakarating si Allan sa sinumpang bahay, hindi nya ininda ang takot na nararamdaman dahil sa tawag na galing sa isang kaibigan.

Allan : anung ginagawa mo dito. Halika na umuwi na tayo..

Nakatalikod sa kanya ang kaibigan nya, hindi lumilingon, walang imik, kumilos ito paakyat.

Allan : oi teka !! Wag ka umakyat !! Baka kung ano mangyari sayo ..

Hindi sya pinansin, patuloy pa din it0ng umakyat hanggang sa huminto sa pinakataas ng hagdan...

Allan : bakit ba nandito ka pa, halika na, bumaba ka na, wag mo na sana pahirapan ang sarili mo. Halika na.

Hindi pa din sya pinansin ng kausap nya. At patuloy na tinungo ang kadiliman ng ikalawang palapag ng bahay. Sinundan ito ni Allan, nag-aalala siya sa mga nangyayari. Kaya kahit may takot na nararamdaman, pinili pa din niyang sundan ang matalik na kaibigan.

Sa tulong ng ingay ng mga hakbang ng taong kanyang sinundan, dinala siya nito sa silid kung saan namatay si Arlene. Pero wala d0on ang kaibigan, walang tao, kahit saan. Dala na din ng pagod sa paghahanap at antok, nagdesisy0n na siyang umalis pauwi.

Nang pababa na ay may napansin siyang kakaiba. Ang mga baitang ng hagdan, parang nadagdagan pa. Para makasigurado, binilang nya ang bawat hakbang ng mga baitang.

"isa...Dalawa...Tatlo...Apat...Lima...Anim....Pito...Walo....Siyam....Sa....Sampo...(nanlaki ang mga mata niya, may tatl0ng baitang pa na kasun0d. Di na nya ito hinakbangan, tumal0n sya at dali-daling pumunta direksy0n ng pintuan.

"Allan, wag mo ko iwan dito." lumingon si Allan, napahinto.

Allan : anu ba kasi ginagawa mo dyan !! Halika na !!

Ngumiti ang taong tumawag sa kanya, nakalutang, papalapit, dito na nagmadali si Allan na buksan ang pinto, pero nabigo sya, hinatak ng ta0ng nakalutang ang kanyang mga paa, bumagsak ang ulo ni Allan, dahilan para mahilo ito at mawalan ng malay. At ang huli niyang nakita, ay ang ngiti ng isang babae, ngiti na takot ang dala sa mga nais na makakita.....



*MARTES

krinngg ! krinngg ! Krriingg !

Rica : mmm ?! Hello ?? Sino to .. (dala nang antok, hindi na napansin ni rica kung sinu ang tumawag.)

Nona : teh .. Alam mo na ba balita kay Allan?

Rica : oh bakit ??

Nona : 5o:5o sya, nasa ospital, nakita sya sa bahay kung saan nagpakamatay si Arlene.

Rica : ha ?! panu sya nakapunta sa bahay !? (napabalikwas ako, nagulat ako sa mga narinig ko, dahilan para mawala ang antok ko.)

Nona : daanan kita jan, punta tayo ng ospital.

Rica : sige, sana di ganun kalala kondisy0n nya.

Nona : sana nga ...

Nag-atubili na kong bumangon para maligo, di ko na din nagawang kumain dahil sa sobrang pag-aalala. Wala pang isang oras, dumating na si Nona sa bahay...

Nona : teh, ano, tara na ??

Rica : oo sige tara na, nag-aalala kasi ako talaga. Kakamatay lang ni Arlene tapos naaksidente naman si Allan ngayon.

Nona : think positive, hindi mawawala si Allan, aagapan natin yan.

Rica : sana nga teh, di pa tayo nakakamove on sa pagkawala ni Arlene. Tapos eto, si Allan naman.


Sa Ospital ----

Nona : nurse, san po yung room ni Allan Bracia ??

Nurse 1 : Sa 2nd fl0or po, dul0ng r0om, uhhmm c0mmat0se po sya kaya may pr0per wear sa r0om kung san sya nakac0nfine.

Nakarating na kami sa r0om ni Allan, ang daming aparato, maya't-maya ang pagbisita ng mga nurse sa kanya, iyak ng iyak ang mama nya.

Hanggang sa binasag ni Nona ang katahimikan ko.....

Nona : Sabi ni tita, may tumawag daw kay Allan sa dis oras ng gabi. Nagpaalam daw ito sa kanila na babalik din agad, hinayaan na lang daw nila dahil bakas sa kanya ang pag-aalala, at inisip na baka may emergency. Tapos ayan, may tumawag sa kanila kaninang madaling araw, may nakakita kay Allan sa bahay. Sa sinumpang bahay, kung saan namatay si Arlene.

Rica : teh bakit sa bahay na yun nangyayari yung mga aksidente? Matatanggap ko pa kung sa ibang lugar pero yung dalawang aksidente sa isang lugar na di naman gaanu matao at halos walang dumadaan, dun pa nangyayari yan!?

Nona : totoo kaya yung sumpa nung bahay? Sino susunod sa atin Rica? Ako na ba?

Natigilan ako sa sinabi ni Nona, pati sya naguguluhan na sa mga nangyayari.

Rica : anu ka ba teh, bakit naniniwala ka dun, kung merun dapat na maisumpa, ako yun, dahil ako lang naman umakyat di ba?! Wag ka mag isip ng kung ano-ano. Walang sumpa ok. Hindi totoo yun!

Tanging pagtango lang ang naging tug0n nya. Pero alam ko hindi sya kuntento sa mga sinabi ko na yun.

Napagpasyahan namin na dun muna manatili sa ospital,nagpaalam naman kami sa mga magulang namin at sa awa ng dy0s pumayag naman sila. Pinauwi na din namin ang mama ni Allan at nagboluntaryo na kami ni Nona para bantayan sya, umaasa na baka magising sya at makaligtas sa pagiging c0mmat0se nya.

*MARTES (1O:47 P.M)

Natulog kami ni Nona sa upuan malapit sa silid ni Allan, mahimbing na ang tulog namin dala na din ng pagod, hanggang sa naramdaman ko si Nona na bumang0n at umalis, siguro mamimili lang ng kape, hindi ko na pinansin yun at patuloy na lang ako sa pagtulog.

Lumipas ang ilang minuto, naalimpungatan ako at napansin kong di pa din bumabalik si Nona simula ng lumabas sya, dito na ko nagsimulang mag-isip, at unang pumasok sa aking isip ay ang Sinumpang Bahay....

Nagmadali akong bumang0n at humanap ng nurse na pwdeng tumingin kay Allan kada minuto. Sinilip ko muna sya, at wala pa ding pinagbago, pero umaasa pa din kami.....

Rica : nurse, papasuyo ko lang sana yung kaibigan ko, pakitignan, di pa kasi bumabalik yung isa kong kaibigan yung kasama kong magbantay dito.

Nurse 1 : ah sige po ma'm, ako na po bahala kay Mr. Bracia.

Nurse 2 : ahmm, miss nakita ko po yung kaibigan nyo na lumabas kanina, pinabilin din po niya na pag hinanap nyo sya sumunod daw po kayo sa bahay?? Ahhmm, alam nyo daw po yun eh..

Tulad ng inisip ko, pumunta si Nona sa bahay, sa sinumpang bahay kung saan nagsimula ang lahat. Nag-atubili na ko na umalis at binagtas ang kadiliman ng daan, dito ko naaninag ang isang aninong may dalang lampara, anino ng isang payat at may mahabang buhok na tao ...........

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon