Ikalabingtatlong Baitang 1.4

356 7 0
                                    

Nagkatawanan kaming lahat. Pero pag atras ko ng bahagya .....

May nakapa ako, pamilyar, at nang lingunin ko, tatlong baitang! May tatlong baitang pa na nag-aantay!

Allan : Rica anu! Di ka pa bababa?!

Pero parang wala akong naririnig at muli, kumilos ang aking mga paa. Sa di ko malamang dahilan paran may kamay na naghahakbang sa aking mga paa upang muli pang umakyat. Naririnig ko sila na tinatawag ako para bumaba, pero di ko alam kung bakit di ko magawang lumingon..

Labing isa, labing dalawa, nang iaapak ko na ang aking mga paa sa labintatl0ng baitang, nagulat ako sa isang malaking daga na bumungad sa ken, dahilan para mapasigaw ako at malaglag sa hagdan.

Malakas na kalabog ang nagbigay ingay sa tahimik na bahay .......

Sa aking pagmulat parang pamilyar sa ken ang lugar na kinalalagyan ko, (ang aking kwarto). Naisip ko na baka panaginip lang ang nangyari pero masakit ang katawan ko, ramdam ko nga na may pilay ako. Dahil dito napatunayan ko na hindi panaginip ang nangyari kagabi.

Mama : oh anu ! Ok ka na? Bitbit ka nila Allan kagabi dahil nalaglag ka daw! Bakit ka lumabas ng bahay ng walang paalam ah! Gabing gabi na ah, nasa labas ka pa. Aba Eurica ! Hindi ugali ng isang babae ung gnagwa mo!

Sa pagbubunganga ni mama, masasabi ko na safe na nga ako at nakauwi ng walang masamang nangyare maging sa mga kaibigan ko.

Kinahapunan nagdesisy0n akong pumasok para kamustahin ung tatlo. Tulad ng dati ala pa rin sila pinagbago, parang walang nangyari, di ku na din sinabi yung naranasan ku sa pag akyat sa hagdan para na din di sila mag alala. Natapos ang labindalawang araw namin na walang masamang nangyayari .. Pero di ko inasahan ang mga sumunod pang araw ......

*SABAD0 4:00 p.M (Magkatext sina Rica at Arlene)

Rica : oy lene ! wer na u ?

Arlene : teka papnta na .. san k b mgpapasma ha !?

Rica : dun sa bhay, naiwan ku kc eum gm8 ku ee ..

Arlene : ah cgi !! w8 mu na lng aku lp8 na dn aq ..

Nagdesisy0n kme magkita ni Arlene sa tapat ng eskuwelahan, dahil maliwanag pa di kami natakot na puntahan ang bahay kahit pa pareho kaming babae.

Arlene : rica ayun yung bag mo oh ! (sabay turo sa itaas ng hagdan)

Labis akong nagtaka kung bakit sa pinakataas na palapag pa nakalagay yung bag ko, kahit na huling pagkakatanda ko ay nakasukbit pa ito sa likod. Kung kaya't sa lapag lang namin ito dapat matagpuan.

Nang aakyat na ako ay syang harang ng kamay ni Arlene...

Arlene : ako na lang aakyat. Baka malaglag ka pa! Di kita kaya buhatin noh ! (pabiro pa niya na labis kong ikinatuwa, nag-aalala pa din siya sa akin)

Kumilos na si Arlene para kunin ang bag na nasa itaas, pero laking pagtataka ko nang huminto siya sa pinakataas ng hagdan, hindi na sya kumilos parang napako ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya. Dito na ko nagdesisy0n na puntahan sya, nang malapit na ko sa kanya ay napa urong ako sa kanyang paglingon.

Arlene : ha..hayup ka u..Umalis ka ! Dem0nyo ka ! Wa...Wagg kang lalapit !! Magpapakamatay akooo !! Wa..Wag ka lalapettt !!

Nagulat ako sa mga sinabi niya, hindi ko alam kung bakit nagkaganun siya. Binato niya ang bag sa akin at tumakbo papunta sa itaas ng bahay.

Hinabol ko siya, sa sobrang dilim ng paligid hindi ko alam kung saang silid siya nagtago.

Hanggang sa isang kalabog ang narinig ko sa dulo ng silid. Dito ako kinilabutan, kinabahan, at nanginginig ang tuhod na binabagtas ang madilim na daan papunta sa silid... Pag dating ko sa tapat ng pinto, nakita ko si Arlene, nakatayo sa tapat ng bintana. Dali-dali ko syang nilapitan dahil sa tingin ko ay tatalon sya sa bintana. Hindi nga ako nagkamali, tatalon si Arlene, niyakap ko sya at hinahatak para di mapalapit sa bintana, pero dahil sa katabaan, mas malakas pa din sya. Habang yakap ko sya may naaninag ako na dumaan sa gilid ng mga mata ko. At naramdaman ko ang presensya nya, nasa likod ko lang sya. Hindi ko naiwasan ang sarili ko, niling0n ko ang nilalang na nasa likuran ko at laking gulat ko sa nakita ko! Babae, nakalutang ang mga paa sa hangin, tuyot ang balat, namumutla. Parang yung mga napanuod ko sa horror movies pero hindi mas malala pa kay sadako at sa nanay ni toshio !! Dito ko na nabitawan si Arlene at dali-daling napaupo at sumigaw.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon