Pinoy Horror Stories
Madaling araw na ng magising ako na hinahabol ang sarili kong paghinga, hingal na hingal ako sa hindi mawari na dahilan, Oo nanaginip nga ako, pero hindi ko na ito maalala. hindi ako kailanman natatakot sa dilim, pero kakaiba nung mga sandaling iyon. Nangangamba ako sa nararamdaman ko na may nakatingin at nag mamatyag sa akin sa hindi kalayuan kung saan ako naroroon.
Nakatira ako sa dalawang palapag na bahay at sa loob ay pinalilibutan ng maraming salamin. Ginawa iyon ng aking ama para kung may ibang tao sa aming bahay ay madali namin itong malalaman. kahit nakatayo ka sa isang sulok ay matatanaw mo ang kabuuan ng silid,
Mayroon akong matalas na pandama, halimbawa, tumalon ang alaga kong pusa sa aming sala, maririnig ko ang kalabog nito kahit ako ay nasa aking kwarto sa taas ng bahay,
May kakaiba na ako ngayong nararamdaman, hindi ko din alam pero malakas ang bawat pintig ng aking puso, hanggang sa binasag ng ring sa telepono ang nakabibinging katahimikan ng paligid. mabilis akong bumangon para sagutin ang tawag. pero laking pag tataka nang Pag sagot ko sa telepono ay wala akong ibang naririnig kundi pag hinga, paghinga na katulad ng akin sa mga oras na iyon.
Iniwan ko na naka HANG UP ang telepono. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa buong bahay, at ninais ko na buksan ang ilaw sa sala, kaya naman bumaba ako para buksan ito.
habang nag lalakad sa hagdan ay may narinig akong kaluskos na sinundan ng pagkahulog nang pingan, ang ingay ay nagmula sa kusina, bandang kaliwa pagbaba mo ng hagdanan. tumuloy na ako sa kusina at binaybay ko ang patungo roon, at dahil madilim, kinakapa ko ang pader upang gabay sa aking paglalakad, nag duda na ako na pinag looban na kami ng masasamang loob kaya naman una akong dumaretsyo sa lababo para kumuha ng kutsilyo nang makita ko ang alaga kong pusa na duguan at wala ng buhay, may laslas sa leeg at nasa lababo, napansin ko din na may dugo ang aking kamay at ang hawak kong kutsilyo. ang gulo, Naguguluhan na talaga ako,,,
bukod sa patay na pusa at basag na plato wala na akong napansing kakaiba sa kusina, pero patuloy padin ang masamang kutob ko kaya habang hawak ko ang kutsilyo dahan dahan akong nagpatuloy papuntang sala para buksan ang ilaw.
Ika limang hakbang ko mula sa lababo ay may narinig akong ingay, “ANO NANAMAN ANG GINAGAWA MO.?! WAG.! PATI BA NAMAN AKO NA AMA MO.?! WAG.! WAG MONG GAWIN YAN.!!!” At sinundan ng isapang pagkabasag, hindi ko alam kung ano ang nabasag pero pamilyar ako sa boses na narinig ko.
Habang dahan daha akong lumalapit, dama ko na lumalakas lalo ang pag pintig ng aking puso. At Pagdating ng sala ay dumaresyo ako sa tabi ng pintuan kung saan naroroon ang switch ng ilaw.
Nanglaki ang aking mga mata at halos sumabog ang puso sa nakita ko. Ang aking ama na may nakapulupot na telephone wire sa leeg habang nakabigti sa hagdanan, hindi na ako makapag salita at namamanhid ang aking katawan sa sobrang panginginig.
nagawa kong makatakbo palayo ng aming bahay, tumakbo ako ng tumakbo. Walang dereksyo at hindi alam kung saan pupunta, habang tumatakbo ay may naaninagan akong nakakasilaw, sobrang liwanag nito at nasaharapan kuna. huli na ng aking mapansin ang isa itong track.
At nabangga ako. wala akong ibang matanaw sa paligid kundi ang pag harurot ng track na naka bangga sa akin. habang ako ay nag aagaw buhay sa tabi ng kalsada ay bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari at ang mga napanaginipan ko nung gabing iyon.
Bago ako matulog ay nagkaroon kami ng pag tatalo ng aking ama,
HERNAN.!? HERNAN.?! SAN KANABANG BALIW NA BATA KA.?!!! HERNAAAAAN.!!!
BA BAKIT PO AMA,?? Sabay labas sa ilalim ng lababo.
HINDI BA TINALI NA KITA AT MAHIGPIT KONG BILIN SA IYO NA WAG NA WAG KANG TATAKAS O LALABAS SA KWARTO MO.?!
O OPO AMA,,
O BAKIT KA LUMABAS.?! IKAW TALGA HINDI KANA NADALA SA MGA PAMBUBUGBOG KO SAYO,.!!! Sabay hawak sa aking tainga at hila pataas,
A A ARAY KO PO AMA, TAMA NA PO DI NA PO AKO UULIT, ang napapaluha kong sambit,
Sabay bitaw at sabing “BAKIT PA KASI NABUNTIS ANG BALIW MONG INA !, AT DAPAT SABAY NALANG KAYUNG NAMATAY NOONG IPINANGANAK KA NYA.!! BILISAN MO, SUMUNOD KA SAKIN SA TAAS.! BUMILI NA AKO NG POSAS PARA SIGURADONG HINDI KANA MAKAKATAKAS PA!, BILISAN MO !!!.
O OPO NANDYAN NA AMA,
Ayoko na talagang kinukulong at itinatali ako sa sarili kong kama, pero takot talaga ako sa aking ama kaya ko ito sinusunod,
DYAN KALANG.! DYAN KA NARIN MA MAMATAY !,
AMA, AYOKO NA PO TALAGANG ITALI DITO, AMA.? WAG NYO PO AKONG IWAN, PAKAWALAN NYO PO AKO.?! Sabay sara at kandado ng pinto. Hindi ko alam kung bakit sya galit sakin. Oo aaminin ko minsa may pag ka baliw nga ako pero minsan lang,!
Natulog nalang ako habang umiiyak at namumuo ang sama ng loob sa aking ama,
Hernan,,,hernan,? Gising na anak. May dapat kapang gawin anak ko, hahahahaha!
Inay.? Ikaw po ba yan aking inay.?
Ou anak ako ang nanay mo.? Hahahaha,!!! Gumising kana, pinakawalan na kita, gawin mo na ang nais at dapat mong gawin, wahahahaha!!!
Sinasaktan nya po ako ina.? Hindi po ako mahal ni ama,!
Oo anak hindi ka mahal ng ama mo sinasak tan kanya tulad ng pananakit nya sakin nung ipinag bubuntis palang kita, kaya gumising kana at patayin mo na sya at mag sama na tayo dito, sa impyerno !! Wahahaha.!!!
Gumising ako at napansing wala na nga ang posas na kinabit sa akin ng aking ama. Namuo ang galit sa aking damdamin at agad tumayo at lumakad palabas ng kwarto. Pumunta akong kusina para kumuha ng kutsilyo, nakita ko ang alaga kong pusa na tila nag iingay. TUMAHIMIK KA,! Sabay hawak sa ulo at hiwa sa leeg nito, hindi ko na napigilan ang pag pagsak ng pinggan sa sahig at patuloy na akong naglakad papunta kay ama,
ANONG INGAY YON.? ANAK NG P**A HERNAN, BAKIT KA NAKA LABAS NG KWARTO MO.?! Napansin nya na may hawak akong kutsilyo, “ANO NANAMAN BA ANG GINAWA MO.?! Sabay ako umakmang sasaksakin sya, pero nanlaban ito at nabitawan ko ang dalang kutsilyo, kaya ipinalo ko sa muka nya ang pinaka malapit na bagay, at yun ay ang telepono.
WAG.! PATI BA NAMAN AKO NA AMA MO.?! WAG.! WAG MONG GAWIN YAN.!!!” Iniwan ko syang nakabitin sa hagdanan,
HAHAHAHA,!!! HIHIHIHI,!!! WAHAHAHA,!!!! Nag pa ikot ikot ako sa paligid ng bahay at tuwang tuwa habang pinag mamasdan ang aking sarili sa salamin na malaya na. bumalik ako sa aking kama na parang walang nangyari at nakatulog ng ilang minuto, hanggang sa magising ako na hinahabol ang sarili kong paghinga…
Namatay ako na masaya at nakangiti,. pero hindi parin ako matatahimik sa nangyari sa akin nung nabubuhay pa ako, kaya napag pasyahan namin ng aking ina na pumasok sa panaginip ng ibang tao at utusan itong patayin ang mga mahal nila sa buhay….
![](https://img.wattpad.com/cover/25151046-288-k743015.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwento
Horrorpangatlo na po to.... basa basa