Ng nagkaroon na nga ng kuryente ang buong building... kinuwento ni Alessa ang nangyare hinde naniwala si Coleen..
“naku baka inaatake ka nanaman ng insomia siguro kailangan mo na mag day off...” ani ni Coleen.
“kase imposible talaga nan...”
“siya , siya siguro kailangan mo na magpahinga, naghahalucinate ka na kung anu anu na nakikita mo,...”
“uhhh, (sabay hawak sa ulo) sige kailangan ko na nga siguro magpahinga...”
“sige sasamahan kita sa labas mag taxi ka na dahil hinde ka puwdeng magmaneho sa ganyang kalagayan mo.”
“sige salamat...” at umalis na.
Hinde pa ganun nakakalayo sa building saglit tumingin si Alessa sa taas –na bukas ang ilaw sa bintana kung saan ang kuawrto ng matanda. Nakita nya ito na nakatingin din ito sakanya at nakahawak ang kamay sa salamin ng bintana. Maya maya lang... ay umalis na ang matanda sa bintana dahandahan at sabay pinatay ang ilaw.
Napansin ni Alessa ang mukha ng matanda na tila malungkot... at ng umalis si Alessa ng may taka sa isip nya. Kase ng iniwan nya siya ay masaya namn ang matanda.
*** 5 hrs before the Creepy incident
Matapos ng ikuwento ng matanda kay Alessa ang talambuhay nito,
Sinabi nya na hinde na rin siya magtatagal...
Malungkot namn nalamn iyun ni Alessa...
Kaya nag bilin ang matanda,
“IHA KUNG SAKALING MAKITA MO ANG AMA MO... HUWAG MO NA SIYANG PAKAKAWALAN, KAHIT ANU MAN ANG NAGING KASALANAN NYA NA IKINASAKIT MO NOON,MABIGAT MAN O HINDE, SANA’Y MAPATAWAD MO SIYA, KASE ALAM
MO KNG ANU MAS MASAKIT YUNG UMAASA KA NA MAGKIKITA O MAKAKASAMA KAYU, PERO WALA NA TALAGA...”
Mga salitang iyun ang naalala ni Alessa sa matanda.
Ng nasa waiting shed ...nagaantay si Alessa, masyado na kaseng gabi at bihira lang ang may dumaan n sasakyan sa ganung oras, matapos ang 30 mins na paghihintay. Isang taxi na headlights na naaninagan nya sa hinde kalayuan. Kumaway siya at huminto ito sakanya.
Ng sinabi nga sa driver kung saan siya nakatira, natulala lang ito tumingin sakanya ang lalaki na 50 na ang edad.
“may problema po ba?”
“ahh w-wala,sige pasok na po..”
Naweirdohan ang dalaga at kinabahan sa driver pero saglit lang iyun nawala, mtapos nyang napansin na may kasama siyang isang batang babae na nasa backseat , isang napakagandang bata na parang manika at nakasuot ng lolita dress na kulay pink ... naisip lang ni Alessa na baka anak ng taxi driver iyun na nakasuot na cute na costume.tumabi siya sakanya.
At saglit nun ay nawala ang kanyang antok... matapos nya tanungin ang bata,
“anung pangalan mo?, ilan taon kana?,ang cute mo namn!!!”
Pero hinde nagsalita ang bata sa isang direction lang siya nakatingin sa harap tahimik at ni walang kibo. Nagtaka si Alessa... *bakit hinde siya nagsasalita?* sa isip nya.
Matapos nun ay nanahimik nalang si Alessa dahil suko na siya dahil kahit anu itanong nya ay hinde parin nakibo ang bata, napadaan na ang taxi sa tahimik na hi-way at mga orange na street light ang umiilaw sakanila. Habang pailaw ilaw ang street light sa bawat madaanan nla. Tumingin saglit muli si Alessa sa bata napansin nya na maputla ito ... at nakikita nya na pumapayat... ng pumapayat...at ng hinawakan pa nya ay napakalamig ang kanyang kamay .. samatalang wala pa rin kibo ang bata.
BINABASA MO ANG
Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwento
Horrorpangatlo na po to.... basa basa