Dad and Me 1.1

421 5 0
                                    

Sa Home for the aged... ang lugar kung saan mga matatanda ang inaalagaan...

May isang nurse ang pangalan ay Alessa 26 halos 5 yrs na rin siya nag tratrabaho. Kahit maliit ang sahod, ay ayos lang sakanya dahil napamahal na siya sa trabaho nya at mga tao doon..

At ang mga mga matatanda ay tuwang tuwa sa tyaga at sipag ni Alessa magserbisyo sa kanila.

Lalung lalo na ang matandang lalaki na tinuring nya na ito na ama si Frederico 70, dahil sa nangungulila sa ama si Alessa ng kabataan nya ay iniwan siya ng ama nito noong sanggol pa siya, hinde na ito nag pakita kailanman at ni litrato wala siya nakita. Kahit ang ina nya galit sa ama nya...

Si Frederico ay isa sa pinakamasungit na matanda sakanila napakahirap alagaan at marami din natatakot sakanya(kung iba ang magaalaga) kaya namn si Alessa lang ang nakakapagpapahinahon sakanya...

“HAYYSS!!!” ani ng isang nurse.

“OHH ! hala anu nang nangyare sayo?!” ani ni Alessa.

“yang alaga mo ang hirap kumbinsihin pakainin!!!... ayan tignan mo tinapunan nya ako ng sopas!!!... ikaw na ang bahala sakanya...owww ang INIT!!!” sabay pagpag sasarili, at iniabot ang bowl ng sopas kay Alessa.

“pasensya na Coleen, alam namn natin na hanggang ngaun inaalala nya ang trahedya na nangyare sakanya...” paliwanang ni Alessa.

*grunts! “sige bahala ka na sa kanya!, nauubos na ang pasensya ko sakanya!” ani nya, matapos umalis ito.

Nilapitan ni Alessa ang sinusumpong na matanda na nakaupo sa rocking chair nya.

“Sir Fred....”

“DADDY nalang ang itawag mo sakin ... anak..” ani ng matanda na biglang ngumiti, na tila walang nangyare.

“bakit nyu namn po , binuhusan ng sopas si Coleen?”

“masama siya at ayaw ko sakanya gustu ko ikaw, bakit ngaun ka lang?”

“sorry po daddy hinde ako pumunta sa oras kase may inasikaso lang akong trabaho.”

“okay lang anak ang mabuti nandito ka na...”sabay hawak sa mukha ni Alessa.

“sige kain na po kayo, ito po sopas... ahhh open your mouth!,(sabay sinubo ng matanda ang kutsara) yaaann, para lumakas kayo..”

Hinde palakaibigan si Frederico sa ibang kasamahan nya na matatanda, kaya inihiwalay siya, at isa pa mas gustu nya na nagiisa siya... ng matapos alagaan ni Alessa ang matanda nakatulog na rin ito ng iniwan nya. At nasalubong nya si Coleen.

GABING IYUN, sa opisina:

“Alessa?, anu OT (overtime) ka nanaman ba?, kape ka muna?” ani nya sabay iniabot ang kape..

“ahh oo hehhe sa ngaun...salamat!”*sighs*

“alam mo sa lahat, katubas ng mga 10 matatanda kung aalagaan mo yang si lolo Frederico... napakaselan! At mahirap... at talagang mapapagod ka, kaya hinde na kita ginambala na tulungan mo ako sa iba kase sakanya pa lang deadbat ka na...”

“ayus lang yun, “ngiti ni Alessa

“’lam mo, sa 5 taon ka na dito hinde mo ba maisipan na magtrabaho sa hospital talaga?, kakaunti lang ang sahod tas kunsimisyun pa dito... at least doon worth it namn ang pagod mo maganda pa ang sahod.”paliwanang ni Coleen.”ako wala pa ko nahahanap ng magandang trabaho, mahirap lang mabakante kaya pinagtyatyagaan ko na to kahit paano.”

“alam mo kase masaya na ako dito... sa trabaho ko kaya salamat Coleen.”

“dahil ba kay lolo Frederico?”

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon