Sa Likod ng Tagumpay 1.2

503 11 0
                                    


Nakalimutan ni Ruth na nakapagpalit na pala siya ng anyo dahil na rin sa tinding nararamdaman na hinagpis. Ang sakit na nadarama ay napalitan ng pagkauhaw ng laman ng hayop. Ngunit parang ang bango-bango ng pang-amoy ng fetus. Na-eexcite at naglalaway siya sa amoy nito. Gutom na nga siya! Sobrang gutom na niya. Unti-unti niyang inilalapit ang fetus sa kanyang bunganga. Peron natigilan siya sa isang realisayon: ang kanyang pinagpantasyahang kainin ay ang sariling dugo’t laman niya! Kaya bigla niyang naitapon ang fetus sa realisasyong iyon at saka linisan ang inuupahang silid. Mag-uumaga na nang makabalik si Ruth, agad niyang nilinis ang nagkalat na dugo sa kanyang silid at saka inilagay ang fetus sa isang maliit na kahon. Ilillibing niya mamayang gabi ang fetus sa likuran ng boarding house na iyon na may maraming puno at talahiban.

Hinding-hindi makalimutan ni Ruth ang bango na hatid ng isang fetus kahit ngayon ay nagbalik na siya sa normal. Parang nanunuot iyon sa kanyang kaibuturan. Umaasam na sana balang araw ay makatikim siya ng fetus. Nagsasawa na rin kasi siya sa pagkain ng mga iba’t-ibang uri ng hayop. Oras na rin para kahit papaano ay makakatikim siya ng lamanloob ng tao. “Ang bango pala ng fetus”, sa isip niya.

Nagdaan ang mga araw ngunit hindi pa rin mapakali si Ruth sa isipin hinggil sa kanyang natuklasan. Parang hayok sa laman na ini-imagine niyang kumakain siya ng fetus habang bumibiktima ng mga hayop. Dahil dito, nabuo niya ang isang ideya. Kamakailan lang ay may kakilalang humihingi ng tulong sa kanya. Gusto nitong ipalaglag ang dinadala at walang ibang malalapitan kundi siya lamang. Ngunit binalewala niya lang iyon dahil nasa code of practice ng mga midwife na bawal iyon. pero ngayon, wala na siyang pakialam dala na rin ng pagkasabik na makatikim man lang ng isang fetus. Kaya agad niyang kinontak ang kakilala niyang iyon. Nasiyahan naman ang babaeng nagngangalang Edna. Isa itong GRO na nagtratrabaho sa isang club sa bayan. Iniskedyul na nila ang gagawing pag-aabort. Napagkasundoan nilang gawin ito sa day-off ni Ruth. Umaga pa lang ay naroon na si Edna sa inuupahan ni Ruth, may kasama itong kaibigan.

“Ilang buwan na iyan?”

“running 4 mos. palang,” tipid na sagot ni Edna.

“tatlong-libo para diyan, hindi pa ako sigurado kung makakaya ko ito ha, alam mo naman ikaw ang first time na costumer ko,” paliwanag ni Ruth.

“Sige, ikaw na ang bahala basta gusto kung malaglag ang bata na to, hindi ko alam kung sinong ama nito.”

Nagtagumpay nga si Ruth, napalaglag niya ang dinadala ni Edna. Laking tuwa naman ng huli at dinagdagan pa ang bayad nito sa kanya.

“A-aalis na kami, ikaw na ang bahala niyan,” sabay turo sa fetus na nasa loob ng plastic.

“Okay!” tipid na sagot ni Ruth habang nagniningning ang mga mata sa kasiyahan.

“Siya nga pala, iri-refer na rin kita sa ibang kasamahan ko ‘pag pumalpak sila,” dugtong pa ni Edna.

“Sige, salamat.”

Nang makaalis na ang dalawa ay agad hinalukay ni Ruth ang fetus na nasa plastic. Inamoy-amoy niya ito. Ah, tunay ngang napaka bango ng fetus. At ang sarap-sarap tingnan! Napagpasyahan niyang mamayang hatinggabi na lamang niya kakainin ang fetus kasabay ng kanyang pagpapalit ng anyo...

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon