Katarungan 1.2

389 7 0
                                    


Pumasok siya sa loob ng kusina at may nakitang lalaking nakaupo sa lamesa. "S-sino ka? P-pano ka nakapasok dito." tinignan lang siya ng lalaki na tila nagmamakaawa. "Sumagot ka! S-sino ka sabi eh!" napansin niya ang dugo sa sahig. Patuloy ito sa pagdaloy ng dugo papunta sa kanya. Napalayo siya at umiwas sa dugo. Pagtingin niya ay nawala ang lalaki sa lamesa. Sa paglingon niya, nakita niya ito sa tabi niya, duguan at umiiyak. Napasigaw siya at napatakbo papunta sa sala. Natigilan siya ng muling bumukas at tumugtog ang radyo.

May mga taong nagsasaya at sumasayaw sa loob ng sala. Tila may kasiyahan dahil sa dami ng pagkain. Napatigil sila sa pagsasaya at napatingin lahat sa kanya. Tatakbo sana siya sa pinto ngunit may isang babaeng pumasok at napatingin din sa kanya. Napatakbo siya sa taas at sinara ang pinto ng kwarto. Nanginginig na siya sa takot. "Ano bang nangyayari sakin?" tanging tanong niya sa sarili. At napahagulgol siya.

Natigilan siya ng gumalaw ang door knob ng pinto. Pinipilit itong buksan. Napalayo siya at napasigaw, "TIGILAN NIYO NA AKO!!" Tumigil ang pagpihit sa door knob at napatahimik siya habang nakatingin sa pinto. Biglang bumukas ang pintuan at may pumasok sa babae. "AAAAHHHHH!" napasigaw silang pareho ni Devine. "Hoy Jenny, ano bang nangyayari sayo?" nilapitan agad ni Devine si Jenny at pinakalma. "May mga tao! Tao sa baba. Duguan!" patuloy na napahagulgol si Jenny. Awang awa naman si Devine na sa kanya.

"O sha! Kalma ka lang. Baka namamalikmata ka lang. Kumain muna tayo at saka magpahinga ka na." Pumayag naman si Jenny at napansing madilim na sa labas, gabi na pala. Matapos nilang kumain ay pinagpahinga na ni Devine si Jenny.

Habang natutulog ay ginambala si Jenny ng isang malakas na sigaw. "Huh? ano yun?" mabilis siyang tumayo upang hanapin si Devine. "Devine? Devine! Nasan ka?" Pagdating niya sa hagdan, nakita niya si Devine sa baba ng hagdan at nakatingin sa sahig. "Ayos ka lang ba Devine? Anong nangyari sayo?" Ngunit wala itong imik. Bagkus ay dahan dahan itong tumingin sa kanya. "Devine?" Nagulat siya nang lumuluha ito ng dugo. Napatakip siya ng bibig. Bababa sana siya upang lumapit, ngunit nakita niyang may lalaki sa likod nito. Napatakbo siya papunta kwarto at ni-lock ang pinto. Paatras siyang lumalakad habang nakatingin sa pintuan.

Patuloy siya sa pagluha. Lumiwanag ang buong paligid at lalo siyang nagimbal. Hindi siya nag-iisa sa kwarto. Madami siyang kasama, DUGUAN! napaupo siya sa tabi ng pinto ng terrace. Pinalibutan siya nito. Lahat lumuluha ng dugo. "ANO BANG KAILANGAN NIYO SAKIN?" napasigaw na siya. Ngunit pag tingin niya muli sa kanila, ang mga luha ay napalitan ng ngiti. Isang nakakatakot na ngiti. Ngiti na alam mong may balak.

Napasigaw siya at gumapang patungo ng terrace, ngunit may nasalubong siya. Babaeng nakatayo. Di na niya malaman ang gagawin. Hinawakan siya nito at lalo siyang nagpumiglas at nagsisisigaw. "Jenny? Jenny!" niyugyog ni Devine si Jenny. "Anong nangyayari sayo? Anong ginagawa mo dito sa terrace?" patuloy ang panginginig ni Jenny. "Devine!" niyakap ni Jenny si Devine at nagsimulang magkuwento tungkol sa nangyari.

Tumigil si Devine at tumingin sa kanya habang ang mukha naman ni Jenny ay nakasubsob sa kanyang kamay. "Di mo ba talaga ako naaalala Marian" nagulat si Jenny sa tanong ngkaibigan at napatingin siya dito. "A-ano? S-sinong Marian?" napatingin siya sa babae. Nakatingin padin sa kanya at ang mga mata'y tila nakiki-usap. "Ikaw!" natakot siya ng bigla itong ngumiti. "Layuan moko!!" Nagpupumiglas si Jenny mula sa pagkakahawak ni Devine. Tumayo siya at napasandal sa terrace. Tumingin siya sa baba at tinantya kung kakayanin niya bang tumalon.

"Wag mo na kaming takasan Marian. Wag mo na kaming takasan! WAG MO NA KAMING TAKASAN!" Sumampa siya sa terrace at tumalon. "Ahh!" napasigaw siya dahil sa maling pagbagsak niya. Napilayan ang kaliwang paa niya. Napatingin siya sa tarrace. Wala siyang nakitang tao. Ngunit paglingon niya ay bumungad sa harap niya si Devine.

"AAAHHHHH! TAMA NA! TAMA NA!" lalo siyang binalot ng takot at pinilit tumayo. Nilampasan niya si Devine. "Hindi ka na makakatakas pa dito Marian." pabulong na sabi ni Devine kay Jenny nang dumaan siya. Pinilit niyang tumbukin ang kalsada. Lahat ng nakita niya sa bahay ay nakatayo sa bawat punong nadadaanan niya. Nakarinig siya ng sirena ng pulis.

"Tulong! Tulong!" May mga pulis na dumaan ngunit nilagpasan lamang siya. "Sir? Tulungan niyo ako!" Napaiyak na siya dahil hindi siya pinapansin nito. Lahat papunta ng bahay. Napalingon siya. "Baliw ka Devine!" nasabi niya sa sarili at dumeretso sa tabi ng kalsada. "Malamang pinatay niya ang mga nagmumulto dun. Baliw siya! BALIW SIYA!" napasigaw siya. May dumaang sasakyan, pinara niya ito ngunit nilampasan lang siya. Ganun din sa ibang nagdaan. Nawawalan na siya ng pag-asa nang may isang sasakyan ang tumigil at inalok siya ng tulong. "Miss? Kailangan mo ba ng tulong?" Isang binata ang bumungad sa kanya at inalalayan siya. Sinakay siya sa sasakyan at umalis sa lugar na iyon.

"Salamat! Ikaw lang tumulong sakin." Tanging ngiti lang ang naisagot ng binata. "Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?" pagbubukas niya ng usapan. Nagising ako sa tabi ng kalsada at tinulungan ako ng isang babae, pero baliw siya! Gusto niya akong patayin!" ang tangi niyang nasabi. "babae?" takang tanong ng lalaki. "Oo, babae, maganda siya, matangkad, itim at deretso ang buhok, maputi at mukhang amerikano." nagtaka ang lalaki "Ngunit wala nang tao dun, patay na lahat." "Huh?" Nabigla siya sa sinabi ng binata. Ngumiti ang lalaki at kita ni Jenny ang reaksyon iyon mula sa repleksyon ng binata sa rear mirror. "Pinatay ko." at sabay ngiti ng lalaki. Nilingon niya ang babae at pareho silang nagimbal sa mukha ng kasama nila, nang biglang bumalik ang ala-ala ni Jenny.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon