Lihim 1.5 (finale)

421 10 0
                                    


“Sinong gustong mauna?” Hawak ni mang Ward ang kutsilyo at nakatingin sa dalawa. Walang sumasagot sa kanila. Parehong takot. “SINO ANG MAUUNA??” sumigaw na si Mang Ward na tila naiinip sa paghintay ng kasagutan. “Ladies first?” at tumingin siya kay Isshie. “WAG! Wag mo siyang sasaktan!” Ayaw ni Andrei na may mangyari sa kapatid niya kaya naman ganun na lamang niya ito ipagtanggol. “Ah, ang barumbadong kuya muna. Magaling” napangiti siya at lupit kay Andrei. Napatingin si Isshie kay Andrei at umiiyak, “ Wag! Wag mo siyang sasaktan maawa na kayo!” ngunit di siya pinakinggan ng matanda. Sinugatan niya ang mukha ni Andrei gamit ang kutsilyo, napasigaw ito sa sakit. “Hahaha! Masakit ba? Sanay ka na naman diba? Madalas ka ngang nasa kulungan eh” Sinaksak niya sa tagiliran si Andrei. “WAG! Tama na! maawa po kayo! Tama na! kuya!! KUYA!!” umiiyak na si Isshie at di na malaman ang gagawin. “Sandali lang ah, may nalimutan ako sa taas.” Tumawa ito at umakyat. Binuksan niya ang kwarto kung nasan ang ama ng dalawa at nakita niyang anun pa din siya sa pwesto niya at di pa nagigising. “Napadami ata ang pampakalmang nilagay ko sa inumin niya.” Sinara niya ulit ito at umakyat sa 3rd floor. Nagmulat siya at tumayo. Natanggal na ang pakakatali niya dahil sa nakausling bakal sa pader, nagawa niyang maputol ang tali. Dahan dahan siyang tumayo at naririnig niya ang si Mang Ward sa taas. Dali dali siyang bumaba at hinanap ang mga anak. Narinig niya si Isshie na umiiyak at tinatawag ang kuya niya, nagmumula iyon sa basement ng bahay. Buamaba siya halos masuka siya sa babaeng nakabitin. Nakita niya ang duguang si Andrei at ang umiiyak na si Isshie. “Daddy! Si kuya!” sumenyas ito na huwag maingay at kinuha ang kutsilyo sa lamesa at agad na pinutol ang tali sa mga anak niya. Kinuha ni Isshie ang kahoy at umakyat na sila habang akay-akay ang kapatid. Narinig nilang pababa na si Mang Ward kaya dali dali silang nagtago sa kusina.

“AHHH!”galit nag galit na umakyat mula sa basement si Mang Ward. “Nasaan na kayo? Malalagot kayo sakin!” halos lahat ng masalubong na gamit ay itinutumba ni Mang Ward. Pagpasok niya sa kusina, agad na hinampas ni Isshie si Mang Ward. Bahagya itong napatumba at tumabo sila palabas. Nahagip ng kutsilyo ni Mang Ward ang paa ni Mr. Rodriguez. Natumba ito at tinulungan ni Isshie na makatayo. Pinigilan naman siya ni Mang Ward na nahiga padin at pinisil ang sugat nito sa paa, sinapak ni Mr. Rodriguez ang matanda, “Umalis na kayo Isshie, ilabas mo na ang kuya mo at humingi na kayo ng tulong.” “pero dad,” Ayaw iwan ni Isshie ang ama ngunit nakita niyang hinang hina na si Andrei sa dami ng dugong nawala. Nilabas niya si Andrei, “kuya kukunin ko yung celphone ko sa taas at tatawag ako ng tulong.” Pinigilan siya ni Andrei, “baka mapahamak ka!” “Kaya ko ang sarili ko kuya.”

Tumakbo ito paloob, hawak niya padin ang kahoy, wala na ang daddy at si Mang Ward, mabilis siyang umakyat at inuha ang phone, tumawag siya ng pulis, “Tulungan niyo kami, papatayin niya kami.” Nanginginig na sabi ni Isshie,”Ma’am saan po ang lokasyon niyo.” Sinabi ni Isshie ang lokasyon at sinabi naman na agad na magpapadala ng pulis at ambulansya. Bumaba siya at hinanap ang ama niya. “daddy?” pabulong niyang tawag. Nakarinig siya ng kalabog mula sa isang silid sa 1st floor. Binuksan niya at nakita niyang duguan na ang tatay niya dahil sa saksak na tinamo nito. Hinampas niya si Mang Ward ngunit ito ay nakailag. Naagaw nito ang kahoy at inihampas sa kanya. Nawalan ng mala yang dalaga. Lumabas si Mang Ward upang kunin si Andrei ngunit wala na ito sa labas. “Andrei? Andrei? Halika at samahan mo ang tatay at kapatid mo. Labas na.”

Lingid sa kanyang kaalaman, pumasok si Andrei sa loob. Natagpuan niya sa hagdan patungong basement ang itak na naiwan ni Mang Ward. Kinuha niya iyto at dali daling pumunta sa kwarto kung nasaan ang kapatid at ama niya. “Isshie? Gising! Gising Isshie!” Nagising si Isshie at tila nahihilo pa. “Tara na. Tulungan mo ako, buhatin natin si daddy.” Ginising nila ang nanghihinang ama at inakay patayo.

Pumasok si Mang Ward sa bahay at nagsaboy ng gas sa paligid. Balak niyang sunugin ang buong bahay. Narinig niya ang kalabog na nagmula sa kwartong pinag-iwanan niya kina Isshie. “Tatakas kayo?” may hawak siyang baril at itinutok kay Isshie at Mr. Rodriguez. “Nasan na ang kuya mo? HAH?! SAGOT? Walang makakaalis ng buhay dito!” nasa likod ng pinto si Andrei at pagka-itak niya, natamaan ang paa ni Mang Ward, naputol ito at natumba ang matanda, napaputok niya ang baril ngunit walang tinamaan. “AHHHH!” nang babarilin niya sina Isshie, initak ni Anrdrei ang kamay nito dahian para maputol. Tinulungan na nila ang ama upang makalabas ng bahay. “Gaya nga ng sabi ko, walang makakaalis ng buhay dito” Binuksan ni Mang Ward ang lighter at itinapon sa nagkalat na gas. Agad na kumalat ang apoy sa paligid. MAririnig din ang pagtawa ni Mang Ward.

Mabilis na gumapang ang apoy patungo sa pintuan. Kinuha ni Andrei ang kurtina at ibinalot sa kanila. Mabilis silang nakalabas. Galit na galit si Mang Ward nang makitang nakalabas ang tatlo, “HINDI! MGA HAYOP!! BUMALIK KAYO!!!” patuloy ang pagsigaw ni Mang Ward. Maririnig ang sirena ng pulis at ambulansya. Agad na rumesponde ang mga pulis at inilayo ang tatlo sa nasusunog na bahay. Sumabog ang bahay at nadamay ang kotse ni Mr. Rodriguez at muling sumabg. Agad na nilapatan ng lunas ang sugat ni Isshie, ang kapatid naman niya at ang ama ay nilagay sa ambulansya dinala sa ospital.

“Sir, may tambakan po sa kakahuyan, sa likuran ng bahay. Madami pong bangkay dun.” Sabi ni Isshie sa isang pulis at agad na rumesponde ang iba patungo doon.

Inabot ng umaga ang pag-aapula sa apoy at natagpuan din ang mga bangkay. Natagpuan din ang sunog na bangkay ni Mang Ward at ni Cindy sa loob ng bahay. Binigyan din ng maayos na libing ang mga bangkay. Nakita ni Isshie ang babae at nakangiti, dahil sa wakas, nabigyan nan g hustisya ang kanyang pakamatay. Madaming kaluluwa ang nakita ni Isshie na naglalakad palayo sa bahay, lahat nabigyan nan g hustisya.

*makalipas ang isang taon*

“Kuya, bilisan mo male-late na tayo eh!” tawag ni Isshie sa kapatid. “Oo, andiyan na.” dali-daling bumaba si Andrei at kinuha ang gamit. “Dad, tara na!” sabi niya sa ama niya. “Andrei, hindi ko na ayo mahahatid ng kapatid niyo sa school niyo.” Sabi ng ama. “Huh? Bakit po?” taking tanong ni Andrei. May binato ang ama ni Andrei sa kanya at nasalo niya ito, “susi?” at ngumiti ang ama, “Ikaw na ang magmamaneho ng sarili mong kotse. Wag mong papabayaan ang kapatid mo ah.” Yumakap si Andrei sa ama. “Group hug!!!” sigaw ni Isshie at yumakap din siya. Pumasok ang nanay nila sa kusina at nakita ang pagyayakapan ng tatlo, “Ma. Sama ka!” at yumakap na din ang ama.

Matapos ang nangyari sakanila noon sa bahay sa Quezon, nagbago na si Andrei. Binalikan niya ang babaeng nabuntis niya noon at ipinangakong hindi na muling uulit sa mga kalokohan. Malaki ang pinagbago nito at hindi na rin sila nag-aaway ng ama.

WAKAS

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon