Ang Bahay Ng Aking Kabataan

445 12 0
                                    

Tumayo ako dun... Di ko yun nakita ng dalawampung taon, at takot pa rin ako dun. Baliw ata ako dahil sa bumalik ako dito...

Kadadating ko pa lang dito sa bahay ng mama ko... Kasama ang boyfriend ko, si Mike... Minamasdan ko ang bahay na tila, binibigyan pa rin ako ng kilabot at mga karumal-dumal na ala-ala. Ang maalikabok na pasilya, ang pinakamamahal ko na kuwarto, paborito kong balcon ngunit, hindi ko malilimutan ang salas.

"Kath, Ok lang ba sayo? Magdesisyon ka na.. Sa akin, gusto ko tong mansyon niyo.." sabi ni Mike. "Ok lang naman, pero mas lalo kong naaalala ang mga nangyari dito sa bahay." sabi ko, "Ang mamamatay tao mong Nanay ba? Come on Kath move on to that crap! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ang Nanay mo ang pumatay sa Tatay mo! May pumatay sa Tatay mo at Hindi yun Ang Nanay mo Ok!?"

Hindi ko pala na-iikuwento sa inyo ang madilim kong nakaraan. Gabi na iyon ng Pebrero ikalabing-apat, nagsalo-salo kami nina Mama at ni Papa. Ang sarap nung Adobong manok na ginawa ni mama at Mango Float para sa panghimagas. Pagkatapos ng pagsalo-salo ay pinatulog na ako ni mama at papa ko at sabay halik sa noo. Nakatulog ako ng mahimbing ng gabing iyon nang bigla akong nakarinig ng sigaw sa sala. Habang dahan-dahan akong naglalakad papuntang salas ay pinipilit kong pahabain ang leeg ko upang makita ang nangyayari. Sa likod ng sofa ay may nakikita akong anino. Anino iyon ni mama na parang may isinasaksak. Pag tingin ko, nakita ko si mama duguan, may kutsilyong kakaiba ang korte at isinasaksak kay Papa.."Ma, ano ang ginagawa mo kay papa?"sabi ko "Oh my god... sweetie, takpan mo ang mga mata mo..." bali-bali ang boses niya ng paghibik at pag-iyak... "Everything's gonna be alright... ok cover your eyes..." pero huli na ang lahat... Nasira na ang kabataan ko...

Dumating ang mga pulis at hinuli ang mama ko... "Sandali lang..." sabi ni Mama. Hinagkan niya ako sa madugo niyang mga braso... "Wag ka nang babalik sa bahay na yan... Hindi ako ang pumatay sa Papa mo... nak, mahal kita... Wag kang babalik sa bahay na iyan..." bulong niya.. Napaiyak ako at hinagkan ko rin siya... "Ma, I Love You..." sabi ko. Parang alam ko na hindi ang mama ko ang pumatay sa papa ko. Matapos ang tatlong buwan, nagpatiwakal si Mama, binaril ang sarili. Umiyak ako nang umiyak... Natrauma ako nang halos kalahating taon sa orphanage... At natanggap ko rin na wala na ang mama ko...

"Ok, Mike, I accept it... hindi ako magiging kagaya ni mama, ok?" sabi ko. Hinagkan niya ako at sinabi niya "Wag kang mag-alala, magbabagong buhay tayo... Magpapakasal... Magkaka-anak... Magkakapamilya... Ok?" "Salamat Mike..." sabi ko at sabay hinagkan ko rin siya...

Makalipas ang apat na taon nagpakasal kami ni Mike at nagka-anak kami ng babae, si Jane.. At sabay nito, naramdaman ko ang pagbabago sa bahay... Lagi akong nanaginip tungkol kay mama at sinasabi niya, "BAT KA BUMALIK! ANAK! UMALIS KA NA DITO! UMALIS NA KAYO NG PAMILYA MO!" Kinilabutan ako sa nangyayari... Araw-araw rin sa pasilya may nakikita akong painting, isang babae na may hawak na Kutsilyo na kakaiba ang korte... Kagaya nung isinaksak ni Mama kay Papa...

Araw-araw, nakikita ko ang pagbabago sa painting na iyon... "Mike, tingnan mo to, nagbabago siya oh! Mike!" sabi ko, "Ha?! Kath guni-guni mo lang yan! There's no such thing like that crap!" sabi niya..

Ikalabing-apat ng Pebrero, napagpasyahan kong maghanda ng Adobong manok at Mango Float para sa Valentines Dinner para sa pamilya ko, nag enjoy sila at pinatulog ko si Jane, maganda ang pagkakatulog niya. Pagkatapos nun ay tinabihan ko si Mike, hinalikan ko siya at natulog na kami. Nung malapit nang maghating gabi, naramdaman kong kailangan ko nang umihi... Papuntang banyo ay dadaan ka sa pasilya. Pagdaan ko ay nakita ko ang painting, nakangiti yung babae... Kinilabutan ako at tumakbo papuntang banyo. Nang pabalik ay nakita ko ang painting, may lumalabas na babae. Mabilis na naglalakad papunta sa kuwarto namin ni Mike. "SANDALI! SAN KA PUPUNTA! MIKE! MIKE! GISING! MIKE GUMISING KA!" sigaw ko. Narinig ni Mike ang sigaw ko.. Kumaripas ako ng takbo at sinuggaban ko yung babae... Nawala ang babae at tanging ang kutsilyo na lamang ang nakita ko, lumulutang sa hangin, hinawakan ko ito at pilit ako nitong dinadala papunta kay Mike. "KATH! ANO BA ANG PROBLEMA MO!" sabi niya. "PUNTAHAN MO SI JANE AT LUMABAS KAYO NG BAHAY! BILISAN MO!" sigaw ko. "WAIT LANG KATH! CAN WE TALK ABOUT THIS?!" sabay lumalapit siya sa akin..."WAG KANG LALAPIT MIKE! PUNTAHAN MO SI JANE AT LUMABAS NA KAYO SA BAHAY! TUMAKBO KAYO PAPALAYO!" sabi ko.

Nagpumilit si Mike na lumapit sa akin, biglang sinunggaban ko siya at tinapon ko siya sa sala.. Sinaksak ko siya nang sinaksak ng hindi ko namamalayan ang ginagawa ko.. Pagtingin ko ay nasa harapan ko na si Jane.. Nakatitig sa akin.. "Ma, ano ginagawa mo kay papa?" sabi niya... "Nakuu.. anak.. takpan mo muna mata mo... everything's gonna be fine ok?" Sabay hagkan sa kaniya..

Pinagsisihan ko ang nangyari at sana naniwala nalang ako sa sinabi ni Mama... Narealize ko na ang sinabi ko na hindi magiging kagaya ni mama ay mali pala... Parang sinundan ko lang ang yapak niya...

Kina-umagahan hinuli ako ng mga pulis, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magpapakatiwakal kagaya ni mama... Pagkapasok ko sa kotse, pumutok ang isang baril... Naramdaman ko ang paghiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko... Ganon din pala ang nangyari sa mama ko...

Sampung taon ang nakalipas at eto ako... Inuulit-ulit ang kuwento ko sa anak ko, umaasa na isang araw, maririnig niya ako... Dito lang ako hanggang sa marinig niya ako, kailangan marinig niya ako...

~Hayy nakoo! Andaming assignment sorry po kung ngayon lang napost! Pasensya rin kung pakit yung story! At, nakakapagod nang mag-drawing!~

~Death.X (☻.☻)~

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon