Inggit

382 12 0
                                    


Bata pa lang si Karen kinakitaan na ito ng talent sa pagsusulat pero di nya ito napapagpatuloy dahil na rin sa kalagayan nya sa buhay…..pinanganak syang mahirap,maaga rin syang naulila namatay ang kanyang ama sa sakit na tuberculosis nung 15 gulang pa lng sya wala pang isang taon aksidenteng nasagasaan naman ang kanyang ina.Magmula nun mag isa nyang itinawid ang kahirapan, waitress sya sa isang chinese restaurant at dahil hilig talaga nya ang pagsusulat nagpapasa sya ng mga gawa nya sa isang publishing house ng pocketbook dagdag income na rin…pero di ganun kadali ang lahat…madalas reject ang kanyang istorya katulad ngayon.” Karen, alam mo magaling ka kaya lang yung pinapasa mong mga istorya. Luma n yung ginagamit mong atake…try mong manood ng mga bagong pelikula o kaya magbasa ka ng mga bestseller na books para maintindihan mo ang sinasabi ko”sermon ng kanyang editor.Paano nya gagawin yun kulang pa nga ang kinikita nya sa pagkain at iba pang gastusin,isang buntunghininga ang pinakawalan bago sya nagsalita”cige po ayusin ko n lang”malamya nyang sagot”ok cige pero after 3 days and dealine nyan ha,kailangan ko ng maglabas ng bagong istorya”sagot ng editor na halos di nakatingin sa kanya.”ha? baka naman pwedeng……di pa natatapos ang sasabihin nya ng dumating Marjorie.” hello Marjorie, ayos n yung tatlong istorya na pinasa mo…kakaiba talaga yung mga kwento mo, ibang klase ka gumawa, ”magiliw na sabi ng kanilang editor kay Marjorie..”talaga po, Salamat naman at syanga pala may dalawa pa akong istorya n ipapasa”sagot naman ni Marjorie na nakangiti ito sa kanya.”may sasabihin ka p b karen” iritang sita sa kanya ng editor ”wala n…..cige alis n ako”sagot nya.Si Marjorie ay isa ring manunulat na kagaya nya,may lihim syang inngit dito paano naman nasa kanya lahat ng ninanais ni Karen sa buhay,mayaman, nasa amerika ang kanyang pamilya.. kaya naman lahat ng gusto ay nasusunod,lahat ng tao ay gusto sya at higit sa lahat mas magaling itong gumawa ng istorya kesa sa kanya…kaya naman inggit na inggit sya dito.”bwisit talaga yung babae n yun.”yamot na bulong nya ....Karen..karen….tawag ni Marjorie sa kanya humahangos ito.”kaw pala marjs.pasensya na ha nagmamadali kasi ako may pasok pa ako sa isa kung trabaho”ilang nyang sagot.”sus! san b raket mo? aayain sana kitang kumain e, wala me kasabay kaya naisip kong ayain kita,treat ko naman.cige n Karen”aya ni Marjorie sa kanya..”ganun ba?cige n nga malapit lang naman dito yung restaurant na pinapasukan ko bilang waitress,”nakangiti nyang sagot.

Kinagabihan,nakahiga nya sya papag pero iniisip nya pa rin si Marjorie,nilalamon sya ng sobrang inggit….”kailangan kung makain ang utak nya,ng sa ganun mapupunta sa akin ang lahat ng nalalaman nya…tama yun nga ang gagawin ko”bulong nya sa sarili na tila nawawala n sa katinuan.Kinuha ang kanyang CP at tinawagan nya si Marjorie inimbitahan nya itong pumunta sa bahay nya.mabilis naman nyang napapayag si Marjorie sa labas na lang ng publishing nya ito susunduin bukas alas kwatro ng hapon…pagkatapos ay lumabas sya para bumili ng mga kailangan na gamit para maisakatuparan ang maitim na balak.

Kinabukasan naglinis muna sya ng bahay…pagkatapos lumabas para bumili ng makakain at ng cake na rin…kinahapunan tulad ng napagkasunduan sinundo nya si Marjorie sa tapat ng publishing house wala itong dalang sasakyan…mas madali kc mag commute sila…pagkalipas ng isang oras…narating nila ang lugar ni Karen maputik na kalsada,mabahong estero.Huminto sila sa isang barong barong,tagpi tagping mga kahoy ang ding ding,isang lumang luna ang nagsisilbing bubong na pinatungan ng gulong ng mga sasakyan para di liparin ng hangin.sa kabila ng lahat na ito di kinakitaan ng pandidiri si Marjorie. ”plastic talaga”bulong nya”ano kamo Karen”usisa ni Marjorie.”ah wala pasensya ka n kako”pagdadahilan nya.”naku wala ito magkaibigan tayo di b?”nakangiting sagot ni marjorie.”tara sa loob bago magdidilim n”iwas na sagot nya.

Pagdating sa loob pina upo nya ito sa papag…”sorry marjs ha.wala kasi akong upuan at wala ring electric fan” sambit nya habang hinahanda ang cake, mabilis nya itong nilagyan ng pampatulog”ok lng Karen ako nga ang nakakaabala”sagot naman ni Marjorie habang inaabot ang platito na may cake mula kay Karen.” sandali ha, bili lang ako ng softdrinks”paalam nya kay Marjorie.”Tumango lang ito, nagsimula na itong kumain….pagbalik nya wala ng malay si Marjorie..nakasalampak ito sa papag..”marjs” tawag nya habang niyuyogyog ito.Napangiti sya,di na nag aksaya ng oras…mabilis nya kinuha ang paet at martilyo at sinimulan ng buksan ang ulo ni Marjorie.may pananbik sa kanyang mata pero dahan dahan ang kanyang kilos.pinuwesto nya ang paet sa noo ng walang malay na si Marjorie…THUG ..THUG..THUG… tunog ng martilyo kapag tumatama sa paet… ilang minuto pa nabuksan nya ito ng tuluyan,”sa wakas “sambit nya habang tumutulo ang laway…”.akin n ang utak mo”habang maingat n dinudukot..ayaw nya kasing may masayang .”ang sarap ng utak mo marjs malinamnam halatang maraming kinakain”sa pagitan ng pagngasab nya sa utak ng kaibigan…dinilaan nya pa ang kamay nya para masimot ang natirang utak at dugo…matapos kainin ang utak sinimulan nyang putulin ang ibat ibang parte ng katawan ni marjorie,binalot nya itong maige..mamaya nya ito itatapon sa ilog pagwala ng tao sa labas…Mabilis syang nagpunta sa harap ng lumang makinilya nya…”ang bilis naman,may naiisip na akong istorya”nakangiti nyang sabi…pero ang ngiti ay napalitan ng sindak…”ahhhhh…ang sakit ng ulo ko, napahawak sya sa ulo…”sobrang sakit”napahiga na sya sa sahig …halos mamatay sya sa kirot…. nagimbal sya ng maramdamang lumalaki ang kanyang ulo…palaki ito ng palaki…”Ahhhhhhhhhhhhhhhh,hayup ka Marjorie!!!! Patay k n pero ayaw mo pa rin akong tigilan” mabilis ang sumunod na pangyayari…isang malakas n hiyaw ang pinakawalan nya…ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh….kasabay nito ang pagsabog ng kanyang ulo…..nakakabinging katahimikan ang sumunod……..

isang nakakasulasok na amoy ang gumambala sa mga kapitbahay ni karen kaya nag pasya silang tumawag ng pulis,na mabilis namang rumesponde….pagbukas nila ng pintuan tumambad sa kanila ang nabubulok at nilalangaw na katawan ni Karen, dilat na dilat ang mata nito,sindak na sindak ang anyo at nakahawak ang kamay sa ulo…”ako po si marjorie kaibigan nya,ano pong nangyari sa kanya”naiiyak na sabi ni Marjorie sa mga pulis.”Awang awa sya sa sinapit ng kaibigan,labis syang nag alala ng di ito sumipot kahapon,kaya nagpasya syang kunin ang address nito para puntahan...”miss base sa imbestigasyon namin nung isang gabi pa patay ang kaibigan mo,at bangungot ang kinamatay nito……Ang kasamaan ay di talaga nagtatagumpay laban sa kabutihan….pagkatapos tawagan ni Karen si Marjorie nakatulog ito,laman ng isip nya ang inggit at masamang balak sa kaibigan……………isang bangungot ang kumitil sa kanyang kasamaan….patungo sa nakakapangilabot na wakas…………………

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon