Sa Likod ng Tagumpay 1.3 (finale)

531 11 0
                                    

Nagawa nga ni Ruth ang kanyang plano nang gabing iyon. agad niyang sinunggaban ang fetus na nakabalot sa plastic. Parang hayok sa laman na nilamon ang kaawa-awang fetus. Ang sarap talaga ng fetus, ang lambot-lambot! Kahit hindi man siya tuluyang nabusog pero okay lang atleast nakatikim siya ng kanyang hinahangad. Magmula noon, ay tuluyan na siyang nagresign sa pinapasukang trabaho. Marami-rami na din kasing lumapit sa kanya para magpa-abort. Kaya, nakapag-ipon si Ruth at nakapagtayo siya ng maliit na bahay at ginawang klinika ang bahaging baba niyon. Mabait si Ruth sa mga nagiging pasyente niya. Marami syang services tulad ng pre-natal check ups, mga normal deliveries, dilatation & curettage at iba pa. Pero ang pinaka-especialty niya sa lahat ay ang pagiging abortionista niya. Marami siyang kinikita dito, doble sa bayad ng iba niyang serbisyo. Bukod dito, ito rin ang nakapagpabuhay sa kanyang dugong-aswang!

Lumipas ang mga taon, nagiging moderno na rin ang paraan ng pag-aabort niya. Wala na iyong mga halamang-ugat. Nagbago na ang lahat pati ang maliit na bahay ay napaayos na rin at naging napakagandang bungalow. Malapit na ring mag debut ang ampon niyang si Angelie. Ibinuhos ni Ruth ang lahat ng atensiyon sa anak kaya hindi na siya nakapag-asawa pa. Tanging si Ruth lamang ang nakakaalam ng kanyang sekreto. Kahit ang anak na si Angeline at mga katulong ay walang kaalam-alam sa mga nagaganap tuwing gabi. Hindi naman din kasi nahahalata dahil kumakain din si Ruth ng pagkain ng mga normal na tao, nakikipaghalubilo din siya sa mga dito at higit sa lahat magaling siya magtago ng sekreto. Meron din siyang assistant, isang midwife na baguhan pa lamang sa larangang ito, si Vianne. Sa likuran ng kanyang klinika ay may sekretong lagusan patungo sa isang silid. Doon inilalagay ni Ruth ang mga nalaglag na fetus sa tuwing may magpapa-abort sa kanya. Saka na nito binabalikan pagsapit ng hatinggabi at saka nilalantakan niya na gaya ng isang halimaw na gutom na gutom.

Para sa kanya higit na mas importante ang bagay na ito kesa salapi. Pero kaylangan din naman niya ng maraming pera para sa kinabukasan ng kanyang pinakamamahal na anak. Isang gabi, habang sarap na sarap siya sa pagkain ng mga fetus sa sekretong silid na iyon ay may mga mumunting tinig siya na narinig, waring naghihinagpis ang mga ito. Luminga-linga siya sa paligid, wala siyang nakita. Palakas na palakas ang mga mumunting tinig na iyon. Hindi na iyon guni-guni, totoo ang kanyang mga naririnig. Hanggang sa may naramdaman siyang tumulong likido sa kanyang ulo. Tumingala siya sa kisame at laking gulat niya nang makita doon ang napakaraming fetus habang nakabitin ng patiwarik ang mga ito. Sa tantiya niya ay dadakmahin na siya ng mga tiyanak na ito sa anumang oras. Ilang sandali pa ay pinagtutulungan ng kagatin ang iba’t-ibang bahagi ng katawan ni Ruth ng mga tiyanak na naging biktima niya.

“A-arrrghhhh! Pinatay ko na kayo, patay na kayo!” nahihintakutang sigaw ni Ruth habang tumakbo palabas ng silid na iyon. Kinabukasan, natagpuan ni Vianne ang kanyang bangkay sa silid ng kanyang klinika. Nakahandusay sa sahig habang puno ng malalalim na kagat ang buong katawan na hindi mawari kung sino ang may gawa. Napansin din ni Vianne ang pagkawala ng ibang kagamitan ni Ruth na siyang gamit nito tuwing may magpa-abort.

Makalipas ang limang buwan buhat nang nangyari ang karumal-dumal na pagpaslang sa mama ni Angelie, mamayang hatinggabi ay mag lalabinwalong taong gulang na siya, magiging isang ganap na dalaga na siya. Malungkot si Angelie habang nasa terasa, malayo ang tingin niya. Sobrang nami-miss na kasi niya ang mama niya. Napagpasiyahan ni Angelie noong mga nakaraang linggo na hindi na lang muna siya magdiwang ng kanyang kaarawan. Labis niya kasing dinamdam ang pagkawala ng mama niya. Lumipas ang hatinggabi, kaarawan na niya ng oras na iyon. Napanaginipan niya ang mama niya, nagbitaw ito ng mga salita. “Angelie, anak pasensiya ka na kong naisalin ko sa iyo ang pagiging dugong-aswang, gusto ko mang bawiin pero huli na ang lahat. Patawad anak, mahal na mahal kita.” Biglang napabalikwas si Angelie, habol nito ang hininga. Naguguluhan pa rin siya sa gustong ipahiwatig ng kanyang mama…

Wakas.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon