Lihim 1.4

476 9 0
                                    

Nagising si Andrei, masakit ang ulo niya mula sa pagkakapalo sa kanya. Pinilit niyang gumalaw ngunit ang mga kamay niya ay nakatali sa likuran niya at itinali din siya sa upuan. Madilim ang palikid, wala siyag makita. Ngunit may naririnig siyang pagpatak ng tubig. “Isshie? Isshie? Asan ka?” ngunit walang sumasagot. Kinakabahan na siya nang may narinig siyang mahinang pag-ungol. “Isshie? Ikaw ba yan? Isshie?” matagal bago nakasagot ang taong umungol. “Kuya? Kuya! Nasan tayo?” halos maiyak si Isshie sa takot. Pinipilit niyang makawala mula sa pagakatali sa upuan.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan. Natigilan sila nang may nakita silang anino na nakatayo sa pintuan. Binuksan niya ang ilaw at si Mang Ward ang bumungad sa kanila. Nagulat si Andrei sa pagtili ni Isshie kaya naman tinignan niya ito at laking gulat niya nang makita ang nasa harapan nila. Ang asawa ni Mang Ward, nakabitin ng pabaliktad, laslas ang leeg at bukas ang tiyan nito. Sa ilalim ay may batya na sumasalo sa mga dugo ng babae. Dun din napagtanto ni Andrei na hindi tubig ang naririnig niyang pumapatak kundi ang dugo ng babae. “HAYOP KA! Hayop ka! Pati asawa mo pinatay mo! PUTANG INA MO!” galit nag galit si Andrei at tila binalot na rin ng takot. Samantalanag si Isshie ay patuloy sa pag-iyak. “Bakit iho? Anong meron?” nakatingin si Mang Ward sa naghuhurumentadong binata sabay tumingin sa babaeng nakabitin, “Ah! Siya ba? Ang kulit kasi niya eh. Tama bang kalagan kayo sa pagkakatali niyo kanina?” sabay ngumiti siya kay Andrei at bumulong, “Ganyan ang napapala ng mga taksil. At ganyan din ang papalarin niyo” sabay tawa ng malakas. Hindi na malaman ni Isshie ang gagawin, naghihisterikal na siya dahil na rin sa takot na nadarama niya. “Hayop ka! Hayop ka! Walang hiya ka!” natawa lamang si Mang Ward at sinabing, “alam mo, para sa isang lalaki, napakadaldal mo! Kung putulan kaya kita ng dila, noh?” sabay tawa. “M-mang Ward, paki-usap po, maawa po kayo samin. “

Ngumiti lang si Mang Ward at lumabas. “Kuya? Anong gagawin natin?” patuloy sa pag-iyak si Isshie. “Wag kang mag-alala, makakatakas tayo dito.” Pampalubag loob ni Andrei sa kapatid nang may naalala si Isshie, “Kuya si daddy? Pagdumating si daddy matutulungan niya tayo.” “Oo nga pala, si daddy, nasan na kaya siya?” pinipilit ni Andrei na makalas ang pagkakatali sa kanya. “KUYA!” napatingin siya sa kapatid niya at nakatingin ito sa pintuan. Napatingin si Andrei sa tinitignan ng kapatid, at nakita niya ang babaeng nagpapakita sa kaniya noon, nakatayo at ang mga mata’y lumuluhang nakatingin sa kanila. Bigla itong naglaho sa pagdaan ni Mang Ward. “Oo nga pala, dumating ang tatay niyo kanina habang natutulog kayo.” Sabay ngisi ni Mang Ward. “Anong ginawa mo sa daddy namin?!!” pasigaw na tanong ni Andrei. “Wag kang mag-alala, namamahinga lang siya. At isa pa, diba galit ka sakanya? Ako nang bahala sa kanya para sayo” at sinabayan niya ito ng malakas na tawa. Biglang nagpupumiglas si Andrei, “Pag ako nakawala dito, hayop ka tatapusin ko ang buhay mo!” patuloy lang sa pg-iyak si Isshie.

....

Nagising si Mr. Rodriguez na nakatali ang mga kamay. Nasa kwarto siya ni Andrei. Nagpalinga-linga siya sa paligid at inalala kunga bakit siya napadpad doon.

*Dumating si Mr. Rodriguez sa bahay, bumusina siya upang hudyat na bubuksan ni Mang Ward ang gate at pinasok niya ang sasakyan. Bumaba siya at tinanong agad ang kanyang mga anak kay Mang Ward, “Nasa kwarto ho yung dalawa. Palagi naman po silang nagkukulong dun. Sakto po, nagtimpla ako ng juice para sa kanila, eto po uminom po muna kayo, mahaba-habang biyahe din ang nilakbay niyo papunta dito.”Kinuha ni Mr. Rodriguez ang juice at ininom, “Salamat Mang Ward, buti na lamang at sa iniyo ko iniwan si Andrei, naalagaan niyo siya.” Umakyat na siya sa kwarto ng anak niya ngunit di niya nakita ang dalawa. “Masyadong makulit ang mga anak niyo Mr. Rodriguez.” Napalingon si siya sa matanda na biglang sumulpot sa likuran niya, “Huh? Ah, oo nga, kaya nga si Andrei pinadala ko dito.” Sabay kinuha na niya ang mga gamit ng mga anak niya. “Lahat gusto nilang alamin. Nangngealam pa sa mga gamit ko.” Patuloy ng matanda. “Ah? Pasensya na ho at ako na hong bahala sa….” “Kaya naman tuturuan ko sila ng leksyon.” Natigilan ang ama ng dalawa at napatingin kay Mang Ward, nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo, “Ano?” lumapit si Mang Ward kay Mr. Rodriguez at muling inulit, “Ang sabi ko, tuturuan ko sila ng leksyon.” At sinundan ng tawa. Unti-unting nanghina Si Mr. Rodriguez at nanlabo ang kanyang paningin, bumagsak siya at tuluyang nawalan ng malay. Ang huling narinig niya ay ang pagtawa ng matanda.

“Hayop na matandang yun, anong ginawa niya sa mga anak ko.” Pinilit niyang kumawala sa pagkakatali ng kamay at paa. “Kailangan kong mailigtas ang mga anak ko, sana di pako huli.”

.

.

.

* “wow, ang ganda ng bahay natin mahal.” Bulalas ni Maria habang pumapasok sa bagong bahay na pinagawa ng kanyang asawa. “Lahat gagawin ko para sa inyo ni Carlo.” Sabay akbay sa kanyang asawa. Masasabing sila ay nasa 25 taong gulang pa lamang, nag-asawa sila ng maaga nang mabuntis si Maria sa edad na 19, simula nun ay nagtrabaho na ng husto si Edward. “Salamat Edward, salamat talaga.” Tumakbo papalapit sa kanila ang anak nilang si Carlo, “nay, tay, ang ganda ng bahay natin. Ang laki!” tuwang-tuwa ang bata sa bago nilang bahay. “At di lang yan anak, may mga bago ka ding laruan. Binili ko para sayo.” Nilabas niya ang isang karton na puro bagong laruan. “Salamat tatay.” At humalik ang bata sa kanya. Habang naglalaro ang bata, nag-usap ang mag-asawa. “Iiwan mo ba kami ulit ng anak mo?” tanong ni Maria sa asawa. “Mahal, kailangan kong magtrabaho upang mabigyan kayo ng anak natin ng magandang buhay. Lahat ibibigay ko para lang mapasaya ko kayo.” Mapaghahalataang malungkot ang mga mata ng babae ngunit kailangan nilang tiisin ito dahil malapit nang mag-aral ang anak nila.

Dumating ang araw ng pag-alis ni Edward papunta sa banyagang bansa upang doo’y magtrabaho. Madalas silang nag-uusap ng asawa niya hanggang sa dumating sa puntong di na masyadong nagpaparamdam si Maria sa kanya. Madalas nagmamadali kapag siya ay tumatawag. Natapos na ang kontrata ni Edward matapos ang tatlong taon at umuwi na siya sa Pilipinas. Susurpresahin niya ang mag-ina niya.

“Maria? Carlo?” pagpasok niya sa bahay ay masayang masaya siya dahil makakasama na naman niya ang pamilya niya. Subalit walang tugon kahit isa. Umakyat siya sa kwarto at doon nadatnan ang misis niya na may kasiping na iba, “Putang ina! Mga hayop!” Nabigla si Maria at ang kinakasama niya. “Edward! Anong?” hindi alam ni Maria ang gagawin. “Nagpapakahirap ako sa ibang bansa para sa inyo, tapos ano? ANO?! Hayop ka! Asan na ang anak ko? Asan na ang anak ko?!!” Galit na galit na lumabas si Edward sa kwarto. Dali dali namang nagdamit ang dalawa. Ngunit bago pa man makaalis ang lalaki ay bumalik si Edward na may dalang kahoy at hinampas ang ulo ng lalaki, si Maria ay nagmamakaawa sa kanyang asawa. “Tito? Tito?!” Napalingon si Edward nang marinig ang boses ng anak. Sasalubingin sana niya ang anak pero dumeretso ito sa lalaking walang malay sa sahig. “Tito? Tay, anong ginawa mo?” Umiiyak ang bata at nakaramdam ng matinding galit si Edward. “Hayop kayo! Magkakasabwat pala kayong lahat! MGA HAYOP!”

Hinatak ni Edward ang nagpupumiglas na anak at pinipigilan siya ni Maria, “Tama na Edward, wag mong saktan ang bata, walang alam yan.” “Walang alam? WALANG ALAM? Magkakasabwat kayo! Mga hayop kayo!” Sinapak ni Edward si Maria dahilan para matumba ito at mawalan ng malay. Kinuha ni Edward ang kutsilyo para patayin ang lalaking nang-ahas sa kanyang asawa. Pinigilan siya ng anak. Sa paghawi niya sa bata, nasaksak nito ang mata. Halos mabaliw si Edward sa nangyari. Patuloy ang pagdugo hanggang sa mamatay ang bata. Doon na nagsimulang mawala siya sa sarili. Iginapos niya ang asawa niya sa loob ng kwarto at ang kalaguyo nito ay pinahirapan niya, pinutol niya ang lahat ng pwedeng maputol dito. Dito din niya napag-alamang buntis ang asawa niya.

Nang magising ang asawa niya, Nakagapos na ito. “Edward?” lumuha na ito at nakaramdam ng takot. Pumasok si Edward na may dalang kutsilyo, doon, pinahirapan niya ang asawa. Sinaksak niya ito, binalatan ang mukha at hiniwa ang tiyan upang makuha ang batang namumuo sa tiyan nito. Nang mahimasmasan na siya. Nabigla siya sa nangyari. Umiyak siya habang yakap yakap ang asawa.

Gumawa siya ng tambakan malayo sa bahay nila, doon niya nilagay ang bangkay ng tatlong pinatay niya. Hindi doon natapos ang pagpatay niya. Binenta niya ang bahay sa isang dalaga. Muli siyang nagkagusto dito subalit ang dalaga ay mayroon nang kasintahan at ikakasal na sila. Nasaktang muli si Edward kaya pinasok niya ito at iginapos sa kwarto, nagising ang babae nang nakagapos. Pumasok si Edward na may hawak na kutsilyo. Napasigaw ang babae at umiiyak habang nakikiusap, “maawa po kayo! Nakikiusap po ako. Parang awa niyo na.” Pinatay niya ito tulad ng pagpatay niya sa kanyang asawa at nilagay ang bangkay sa tambakan niya. Pinatay din niya ang kasintahan nito nang pumunta doon. Nagmistulang torture chamber ang bahay dahil lahat ng mapadaan sa lugar nila ay pinapatay niya. Matanda man o bata. Wala siyang pinipiling edad o kasarian. Natigil lamang ito nang makilala si Cindy, minahal siya ni Cindy, inalagaan at kahit alam niya ang nakaraan ng binata ay di niya ito iniwan. Nagsama sila ng matahimik ngunit nagbago na si Edward, palaging galit at nananakit. Binenta nila ang bahay hanggang sa mabili ng tatay nila Andrei. At dahil sa pagmamalasakit ni Cindy sa mga bata, tinapos ni Edward ang buhay niya sa marahas na paraan.

........................................

itutuloy.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon