3 BECAUSE I LOVE YOU

18 2 0
                                    

B E C A U S E I L O V E Y O U

By: Hira Ethereal

Natapos ang isang linggo mula no'ng iniwan ko si Miko, mahirap din naman sa'kin dahil siya si Miko, ang lalaking minahal ko ng sobra, Sobra na higit pa sa nararapat.

"Thea, ayaw mo na ba talaga makipag balikan?" malungkot na sabi ng kaibigan ko.

"gusto.." sabi ko.

"t-talaga babalikan mo si miko?" 'di makapaniwalang sabi niya, tumango lang ako.

"omg!!, pero okay na sayo 'yung nangyari, i mean tanggap mo na niloko ka niya?" napabuntomg hinga ako.

"yun nga ang issue eh, hindi siya nanloko, biktima rin siya ng bruha na fatima na 'yon." nanlaki pa kamo ang mga mata ng kaibigan ko.

"nako!, ang bruha na 'yun teka nga pwede paki explain?"  naguguluhang sambit niya.

"ganito kasi 'yon, alam mo naman si fatima e' lapit ng lapit sa miko, siyempre dahil loyal si miko sa'kin lahat sinasabi niya sa'kin, ang pagdidikit ni fatima sakanya, at 'yung nakita natin? pakana daw 'yon ni fatima para mahiwalay kaming dalawa, napakabruha talaga!" napatakip ng bibig ang kaibigan ko.

"kung gano'n kausapin mo na si miko!, nako nabalitaan kong hindi nakakausap ng kahit na sino ang boyfriend mo." ngumiti ako.

"kakausapin ko na, sige bye." nagmamadali akong umalis.

"oy samaaa!" nilingon ko naman siya at tinignan ng masama at alam niya na ang ibig kong sabihin.

Pumunta ako ng covered court dahil alam kong may practice sila ni miko ngayon.

Agad ko naman nakita ang mga players sa Bench at tila nanonood ng K-drama, pero naagaw ang atensyon ko kila miko at fatima, galit na galit ang mukha ni miko at umiiyak si fatima habang hawak ng pisnge.

wala manlang umawat?, balak ko sana maki extra pero titignan ko muna nangyayari.

"a-ano ba problema mo miko?," nasasaktang sabi ni fatima.

"ikaw!!, ikaw ang problema Fatima, wala ka na ngang dulot sa buhay ko naninira kapa ng relasyon!!" sigaw ni miko, shocks galit na galit nga siya, napapayuko lamang ang ibang players, takot ata sila kay miko.

"mahirap bang intindihin na gusto kita?" napahilamos naman ng mukha si miko na tila nagtitimpi.

"alam mo fatima, ubos na ubos na ang pasensya ko sayo, BAKIT?!!! MAIBABALIK MO BA SA'KIN SI ALTHEA?!!" malakas na sigaw niya. whut?

"wala na kayo miko, haha at akin kana!" imbes na maawa ako nainis ako bigla!

"baliw kana fatima" 'di makapaniwalang sabi ni miko.

"bakit totoo naman diba, nakipagbreak sayo si althea, dahil akala niya ako ang kabit mo.".natatawa pang sabi niya.

"buti sana kung maganda ka.." nakangising sabi ko kay fatima, habang ako ay nakasandal sa pader habang naka cross arms.

"t-thea!" bigla at tuwa ang nakikita ko sa mga mata ni miko.

"oh, nakikitsimis kapala?" taas kilay sabi niya.

"masakit ba ang sampal ng BOYFRIEND ko ha?" nang aasar na sabi ko kanya.

"b-boyfriend?, duh break na kayo diba?" natatawang sabi niya.

"sinong bubwit ang nagsabi sayo?, at tsaka hindi ko naman hahayaan na mapunta sa isang uod si miko"

"WOOOO baka ang original 'yan"
"go theaaa!"

mga players yan.

"uod?" nandidiring sabi niya, arte talaga.

"hmm yeah, unti nalang buburan nakita ng asin para mangisay ka, at pwede ba tigilan si miko?" tila nawalan naman siya ng pag asa, kaya inis siyang umalis sa covered court.

"b-babe!" nakangiting tawag sa'kin ni miko.

ngumiti ako sakanya.

"babe" bigla naman niya akong niyakap.

"totoo bang boyfriend mo parin ako?" kumalas naman ako ng yakap sakanya at tinignan siya.

"alam mo miko parang bola lang ako eh, kahit ibato mo man sa pader babalik at babalik ako sayo."

"talaga?hahaha  bakit babe?"

"because i love you."

"no, thea i love you, at hindi ka bola para ipasa sa iba."

-Hira Ethereal

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now