CRUSH MO BA AKO?
Hindi ko maiwasan na lingunin si Kyle na nakatulala, wala siyang kurap kurap na tila'y nag-iimagine ang loko.
Tahimik akong humagikgik na mahuli ko pa siyang napapalunok at bigla'y ngingiti. Hanep sa trip! HAHAHAHA! Crush ko 'yan, dahil cute siya, kahit hindi kami nagkakaintindihan sa isa't isa.
"What are you looking at?" matary na sabi nito na napangiwi pa ako.
"Para ka kasing tanga!" agad na kumunot ang noo niya.
"Ako nanaman? Inaano ba kita?!" parang babae!
"Wala naman, nakadroga kaba?!" Magkaharapan kami pero kung magsigawaan ay tila isang kilometro ang layo namin sa isa't isa. Nasa likod kasi siya ng upuan ko.
"Ano?!" OA.
"Nakadroga kaba kako!!!"
"Ha? Hinde!" napatawa ako.
"Oa ang kingina, crush mo ba ako?" agad na nanlaki ang mga mata niya, bahagya pa siyang napanganga.
"A-alam mo? S-sino nagsabi?!!!" nagmake face naman ako kasi ang OA niya!
"Wala nagsabi, ramdam ko lang." Agad ako napangisi kasi hindi niya itinanggi!
"Sira ka! B-bakit mo naman n-natanong h-ha?" Utal utal pang sabi niya.
"kasi ako? Gusto kita." Prangka kong pag-amin sakanya.
"Crush mo 'ko?" gulat talagang sabi niya.
"Ay ayaw mo ba? Sige babawi--"
"No! I mean, hindi tayo nagkakasundo pero paanong nangyaring gusto mo ako?"
"Dahil kusa kong naramdaman, panatag ang loob ko sa'yo, imbes na matakot ako sa'yo ay natutuwa ako at kinikilig. Hindi rin ako naiilang sayo Kyle, dahil alam kobsa sarili ko na gusto kita." Nakangiti pang usal ko.
"T-talaga? Ha! Grabe sa sobrang gwapo ko ba naman hehehe!" napangiwi ako at nagmakeface.
"Hanep, nga pala ano iniimagine mo?" Mahinahon naman ang pagkatanong ko pero hindi ko maintindihan ay parang gulat na gulat siya at agad niyang binawi 'yon at ngumiti.
"nagd-daydream ako, magkakatuluyan daw tayo." napataas ang kilay ko.
"Hindi mo kailangan mag imagine, kaya ko naman totohanin, aray!" piningot pa niya ilong ko!
"Kahit kailan ka!"
"Hahaha I like you!"mahinang sigaw ko na ikinapula niya.
Kahit kailan parang babae.