SECRET ON

2 0 0
                                    

·

SECRET ON

Ilang taon na ang drama na ipinapakita namin ni Cyrus sa mga schoolmate namin na magkaaway kami. Sa ugali ba naman niya, tripper at arogante.

"Ayan ka nanaman aalis ka nanaman." Pag harang niya sa dinaanan ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Wala kang kuwenta kausap! Tabe!" Sabay hawi sakanya.

"Myghad nag-aaway nanaman ba sila?"

"As always dear."

"Sinong hindi maiinis sa babaeng 'yan?!"

"'Yan kasi ang arte mo, chismis ka tuloy hahahahaha!" At parang baliw na tumawa ito sa harap ko.

"Wala akong paki sakanila, balibag ko pa sila!" Sabay tapon ng tingin sa mga babae.

"Hahahaha alis na'ko, baka bugahan mo pa ako ng apoy." At patakbong umalis sa kinatatayuan niya.

Agad naningkit ang mga mata ko nang nakita ko si Cyrus na nakipag-usap sa Campus Chic.

Tignan mo nga naman napakaharot.

"Oh Alliah! Hahahaha andiyan ka pala?" Kanina pa, tanginamo.

Mura ko sa isip ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ng babae. Kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Oh hahaha, are you insulting me?" Maarteng sabi nito.

"Ni hindi pa nga ako nagsasalita." Sarkastikang sabi ko sakanya.

"Well, bakit nagseselos kaba sa'min?" Tinignan ko si Cyrus na nakangiti lang.

Mamaya ka sakin!

"Oo bakit?" Sabay silang natigilan sa sinabi ko.

"Well sino ka ba? Hindi ba't enemy kayo?"

"Bakit eh sa nagseselos ako eh." Maanghang na sabi ko sakanya. At sinamaan ng tingin si Cyrus.

"Oh ho wow, sino ka ba?"

"Girlfriend niya." At nanlaki ang kanyang mata.

"It's that true Cy?" Naningkit ulit mata ko sa tinawag niya kay Cyrus.

Lumapit sakin si Cyrus at umakbay.

"Yes she's my Girlfriend, and I'm sorry if I can't go with you tonight." Masama akong tinignan ni Chic at padabog na umalis.

"Kala mo ba itatago mo lang?" Malaki ang ngiti niya at mukha na siyang buwaya.

"Hindi dapat itinatago sa gano'n klaseng maharot na nilalang." Tumawa ito at ginulo ang buhok ko.

"Selosa."

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now