GAME OVER

4 0 0
                                    



GAME OVER

Masayang magkahawak kamay kami ni Zack habang naglalakad sa pasilyo ng School namin.

"Sabay ba tayo maglunch mamaya?" tumingin muna siya sa'kin tsaka ngumiti.

"oo naman, susunduin nalang kita mamaya dito." humalik siya sa pisnge ko.

"Sige ingat." sabi ko at kumaway sakanya.

"I love you." tsaka siya kumindat sa'kin kaya napatawa nalang ako.

Pumasok ako sa room namin at kanya-kanyang gawa ang mga kaklase ko. Sobrang busy na namin dahil Graduating na, at kailangan namin makapasa.

"shet!" napatampal ako ng ulo ko nang makita ko ang Jersey ng Boyfriend ko sa bag.

'kailangan niya 'to.'

Kinuha ko 'yon at lumabas ng room, maaga pa naman ibibigay ko muna.

Habang pababa ako ng hagdan narinig ko ang pamilyar na boses, dahil hindi naman ako tuluyan nakaliko ng pasilyo.

"You're not going to break up with her, aren't you?" tanong ng babae kaya sumilip ako at tama nga ako boses ng Boyfriend ko ang narinig ko, nakasandal ang babae sa pader at nakakorner naman ang kamay niya s dito.

"I'm enjoying the game, i love watching how fool she is to me." napaiwas ako ng tingin, laro?

Pinaglalaruan niya lang ako?

"That's my boy." atsaka niya ito mariin na hinalikan kaya agad na tumugon ang Boyfriend ko.

Bagay na hindi pa namin nagagawa hindi naman sa gusto kong mangyari pero, nakakainggit.

Hindi nako nagabala at umakyat ako sa Floor namin na lumuluha.

Ayaw man tanggapin ng puso ko, pero kailangan kong maging matalino sa ngayon, desido na akong makipaghiwalay sa'yo.

Nang maglunch ay tinupad naman ni Zack ang sinabi niya kaninang umaga na sunduin ako.

"Babe, bakit ang tamlay mo?" tumigil kami kung saan ako tumigil kanina. Napaiwas naman ako ng tingin.

"M-may sasabihin sana ako sa'yo." tumitig siya sa'kin at patango-tangong yumuko.

"What is it?" bumuntong hinga ako para mapigilan ko ang luha ko.

"I'm breaking up with you." deri-deritso kong sabi kaya napaangat siya ng tingin.

"Stop joking babe." sumeryoso ako.

"Hindi ako nagbibiro Zack, i'm breaking up with you and the Game is over." bahagya siyang natigilan na agad naman nakarecover.

"A-anong game over ba sinasabi mo?" tipid akong ngumiti, at namamasa na aking mga mata.

"Game over, I lose. I was about to sent your Jersey lately, dito sa kinatatayuan natin, nang marinig kita Zack at ano kamo? You love watching me fool? Hindi ako tanga para tanggapin lang lahat ng iyon Zack dahil minahal kita, buong puso!" yumuko siya at napapahilamos ng mukha.

"I'm sorry, but i love you. I don't wanna lose you."

"Dahil gusto mo pa akong makitang maging tanga gano'n ba?"

"No not that, it was just like--"

"Tigilan mo ako, okay na sa'kin basta hayaan mo 'ko maging malaya."

"Galit ka."

"Malamg magagalit ako sino matutuwa do'n? Pero ngayon hindi na ako galit."

"w-why?"

"Sometimes i'm not angry Zack, i'm just in pain and that's the difference."

"Pero mahal kita."

"Kung mahal mo 'ko, kahit na ikakasakit ko magsasabi ka ng totoo, kung mahal mo 'ko h-hindi ka magpapahalik, kung mahal mo 'ko, hindi mo 'ko paglalaruan ang tanong minahal mo nga ba ako? o mahal mo lang ako pag laruan?"

Hindi siya nakasagot.

"It's just that i'm strong enough to handle this pain it doesn't mean i deserve this," ngumisi ako at napaangat siya ng tingin,

"Game over, thank you for playing me.

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now