Nakakainis bakit pa kailangan putulin ang pila? Hindi ko tuloy kasama mga kaibigan ko. Gosh sino nalang kakapitan ko nito diba? Nakakagigil lang.
"Felix dito ka sa unahan hahahaha!"
Nagkamali ba ako ng pandinig? Agad ako lumingon sa likod ko at bumungad sa'kin ang seryosong Felix.
"Who's with you?" tanong nito at napakagat naman ako ng labi para pigilan ang ngiti ko.
"Wala eh." sabay pilit na ngiti.
"Okay." tss 'yon na yun? Wala man lang 'I'll be with you?'
Hindi ko naman siya pinansin at humarap ako sa unahan. Nakakatampo ha kahit walang label.
"Felix walang mangiiwan ha?"
"Yeah."
Rinig ko pang bulungan nila.
Agad bumukas ang pintuan ang isa isa kaming tinulak, wow biglaan!
Agad naman nanginig ang tuhod ko sa bumungad sa'kin.
"Ahhhhhhh!"
Tili ko dahil si Valak ito, tumakbo ako derideritso bahala na mga humahawak sa'kin, kaso nagkamali ata ako ng liko dahil puro manika na gumagalaw ang lumalapit sa'kin na estatwa agad ako dahil takot ako sa manika.
Napaupo ako at napayakap sa mga binti ko.
"Tulong." Bulong ko dahil Hindi ko narin kinaya ang takot. Patuloy na lumalapit sa'kin ang de bateryang manika.
Agad na nanglinggid ang mga luha ko dahil malaki talaga ang takot ko sa manika. Isama mo pa ang mga nangangalabit sa likod ko.
"Ahhhhhhh!" sigaw ko ng hinila ang paa ko papalapit sa manika.
"T-tulong! *sobs*" bakit kasi hindi nalang ako sinama ng kaibigan ko!
"Damn it where are you?!!!!" malakas na sigaw ang narinig ko pero tama na 'yon para makilala siya. Nalapit ang manika at humawak ito sa binti ko.
"Mamaaaaaaaa!!!!!!!" malakas na sigaw ko.
*kick*
Nagulat ako ng may sumipa sa manika. Tsaka ako nito tinayo at niyakap.
"you making me nervous damn it!" inalalayan ako nito papalakad palabas habang yakap yakap.
Sa tuwing may hahawak sa ulo ko malakas niya itong hinahawi, at kung may hahawak sa kamay ko malakas niya itong tinatanggal at binabagsak.
"Are you okay?" Tanong nito ng makita na namin exit. Umiling naman kaagad ako dahil nalula ata ako sa manika.
Paglabas namin nakita ko mga kaibigan ko at mga kasama niya.
"Felix!"
"Andrea!"
Sigaw nila.
"Pre akala ko nilamon kana ng demonyo do'n bakit pala napahiwalay ka!"
"Nothing."
"Thank you." Nakangiti kong sabi.
"I'll accept it in one condition."
"Ano 'yon?"
Taka kong tanong.
"Be mine."
"Pa'no kapag ayoko?"
"Ayieeeeee Bess!"
"Naks pare!*
" ibabalik kita sa loob."
Nanlaki ang mata ko.
"Ha? Ayoko!"
"Then be mine. Andrea. Whether you like it or not."
![](https://img.wattpad.com/cover/196975280-288-k789110.jpg)