SCARLET
"Sino ba kasing Scarlet 'yan?!" Umaapaw ang ingay ng sigaw ni Karla sa buong Canteen dahil puno nanaman ng galos ang mukha niya na tila ay nabugbog.
"K-karla kilala si Scarlet sa buong Siyudad na ito. Kung naririnig man niya ang sinasabi mo ngayon hindi lang ganyan ang aabutin mo dahil sa insultong hindi mo siya kilala." Napapalunok pang pahayag ng kaibigan niya sakanya.
"Grabe yung inabot ni Karla, tama lang 'yan sakanya dahil ipinahiya ka niya kahapon." Sabat naman ni Jane na Bestfriend ko. Tinignan ko ito at ningitian.
"Kung inayos niya lang din ang pakikitungo niya sa ibang tao edi sana maayos din ang iba sakanya." Sagot ko habang nanguya ng pagkain.
"Pero alam mo Ar gulat din ako sa pagtulong sa'yo ni Kiro kahapon." Halos mabulunan naman ako sa sinabi ni Jane tungkol kay Kiro.
"Hahaha hindi ko rin alam na mabait 'yon." Sabi ko pa.
"Pero feeling ko pinagpepyestahan nila Karla si Kiro kanina at pinapaamin na ilabas si Scarlet HAHAHAHAHA gusto kong matawa sakanila." Sinipa ko naman ang paa niya sa ilalim ng mesa at napayuko siya habang natawa.
Napatahimik ang buong canteen ang nilingon ang gawi namin.
"Oh uh, kilala mo si Scarlet?" Taas kilay na sabi ni Karla kay Jane at yumuko nalang din ako.
"A-ah--" pasimple akong tinitignan ni Jane at pasimple lang din ako umiling.
"Hindi namin kilala." Sabat ko at ako nanaman ang nilingon nila.
Ipinatong ni Karla ang paa niya sa hita ko at tinukod ang siko at naghalumbaba habang masama ang tingin sa'kin.
"You damn bitch, dahil sa'yo sumama ang loob ko kay Kiro!" Hinila nito ang salamin koat binali.
"Ohhhhhh!!!" Ang mga nanonood.
"Karla!!" Umaapaw ang sigaw ng isang lalaki mula sa pintuan ng Canteen at napalingon kami s agawi na 'yon.
Gayon nalang din ang gulat namin na bugbog sarado si Kiro habang hawak nila ang dalawa kamay nito.Napatayo kami ni Jane pero agad na hiniharang ni Karla at ng mga kasama niya ang kanilang kamay sa dibdib namin.
"Oh Kiro my darling." Bungad ni Karla nang makalapit sila sa puwesto namin. Gano'n nalang ang sama ng tingin ni Kiro kay Karla.
Napa 'ohhh' ang lahat ng sinipa ni Karla ang tiyan ni Kiro.
"Shit-" bulong ni Kiro pero dinadama niya ang sakit sa sikmura.
"Ilabas mo si Scarlet." Utos ni Karla na agad naman napailing si Kiro.
"Hindi mo na siya kailangan hanapin." At masama itong ngumisi.
"And why? Ipakilala mo sa'min!!"
"Stop." sabat ko at agad na saakin nakatuon ang atensyon ni Karla.
"Oh i'm not done with you.." tumigil ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa, "I don't even know your name bitch."
"Pwede bang tumigil kana?" Pakiusap ko at tumawa ito.
"Well titigil lang ako kapag nakausap ko na si Scarlet, the famous Gangster." napayuko ako at napapikit sa inis.
"'wag mo na hanapin ang ayaw magpakita." Sambit ko na kinainis niya.
"Ar umiwas na tayo." Tawag ni Jane sa'kin at tipid lang ako ngumiti sakanya.
"HAHAHAHA duwag ba 'tong kaibigan mo?" Napairap naman si Jane at tila ubos na ang pasensya.
"Hindi." Sagot ko nalang dahil baka saan pa umabot ang away na 'to."Eh ikaw?" Sarkastikang sabi nito.
"No comment." Akma ko sanang lalapitan si Kiro nang tinuhod ako ni Karla.
Agad ako napahiga sa sakit.
"Karla!" Sigaw ni Kiro at Jane."What? She's loser, oh look at her dying in pain."
At tumawa ng nakakaloka. Umupo ito at lumebel sa'kin at hinila ang tali ng buhok ko.
"I like your hair but not your presence." at hinila ako patayo.
"Don't touch her!" Hindi makawala si Kiro kaya sinikmuraan nanaman siya.
"Too noisy." Sabay irap ni Karla at masama naman tumingin sa'kin.
"Tigilan mo na." Sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko.
"Ano nga name mo bitch?" Napadila ako sa labi na ikinataas ng kilay niya.
"Ganyan kaba talaga ka desperada sa paghihiganti?" Lahat ay animo'y nagulat sa inasta ko.
"What the hell? I'm just asking your name."Agad kong inunbutton ang uniform ko hanggang sa clevage ko.
"Ar.." Tawag sa'kin ni Kiro pero ningitian ko lang siya.
Tinignan ko si Jane at tinanguan.
"HAHAHAHA are making scandal?" Nawala ang ngiti niya ng hinawi ko ang damit ko sa left chest at nakita niya ang Tattoo ko na Black Butterfly.
at sa ilalim non nakalagay, 'Scarlet'
"Are you making fun of me?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Hindi, hindi ka naman natuwa eh."
"Girls.." Senyas niya sa mga kaibigan niya ka senenyasan ko si Jane gamit ang mata.
Agad na binalibag ni Jane ang kamay na nakaharang sakanya.
"Epal." Bulong niya pa sa babae.
Ako naman ay ningisian si Karla.
"Naalala mo ba ang ganitong ngisi noong nakatago ako sa Maskara?" Napaatras ito pero dahil lamesa na rin ang likod niya ay wala na siyang maatrasan.
Sinipa ko ang lamesa na sinandalan niya kaya napatumba siya.
Akma itong tatayo at agad na inapakan ng paa ko sa mukha niya.
"Ackk let go of me!" Diniinan ko ang pagkaapak sa mukha niya.
Nilingon ko si Jane at nakaupo nalang ito sa lamesa habang naka cross ang legs.
Bagsak din ang dalawa.
"Sino nagbigay ng karapatan sa'yo na saktan si Kiro?" Dahil sa hirap hindi ito nakasagot kaya agad ko inapakan ang tiyan niya.
"Ahhhhhh!"
"Tumal, pambawi lang 'yan sa ginawa mo." Tumalikod ako sakanya at walang takot na sinapak ang dalawang nakatayo sa tabi ni hiro na nakaluhod habang hawak ang tiyan.
"Scarletttt!" Sigaw ni Karla.
"Yes?" Masama itong tumingin sa'kin.
"'Di pa tayo tapos." Lumapit ako sakanya.
"Why?"
"You're a trash! Hindi pa tayo tapos!"
"I'm a Gangster Princess, i don't play nice." At sinapak siya.
"Boom, tapos!" Sigaw ni Jane at tumawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/196975280-288-k789110.jpg)