SURVEY

7 1 0
                                    

"sure ba kayo do'n?" Tanong ko sakanila Sabay silay sa gwapong lalaki na nakaupo sa bench.

"Oo naman liane, 'wag ka nga kabahan para din 'to sa future mo." tinignan ko naman siya ng masama. Siraulo talaga sila.

"Oh ito na nag notebook gora na!" sabay abot nila ng notebook sa'kin.

They dare me to ask that handsome guy through survey. Kapag hindi ko ginawa ang dare nila may mas malalang hatol para sa'kin.

"Sige diyan lang kayo ha?" agad sila ngumiti at tumango.

Agad na nangibabaw ang kaba sa dibdib ko nang makalapit na ako sakanya.

"Excuse me." agad siyang umangat ng tingin at ngumiti.

Gosh ang gwapo!

"Yes?" gusto ko maihi sa kaba, pero wala akong nagawa kun'di ang bumuntong hinga at nilakasan ang loob ko.

"Pwede mag survey?"

"Oh sure.. Here sit." Habang pinapagpag ang tabi niya. Oh.em.ji. How to breathe?

Agad ko narinig ang mahinang impit na kilig ng mga kaibigan ko sa 'di kalayuan.

"Pwede naba magsimula?" Tanong ko, agad niya pinatay ang cellphone niya at sumandal siya sa upuan.

"Go on."

"So kailangan ko muna ilista ang pagkatao mo..'wag ka mag alala basic information lang ang kukunin ko sa'yo."

"Pft okay." May nakakatawa?

"Name?"

"Tyler Wang." God! Name palang gwapo na.

"Age?"

"17." yieee same!

"Saan nakatira? Kahit city nalang."

"Makati City." Waaah same! Baka kapitbahay ko 'to hahaha.

"School?"

"MHS" aww hindi same, pero malapit lang sa school ko.

"strand?" He smiled. Acck! Don't do that baby.

"STEM student."

"Future?"

"Mo..I mean future engineer." hoy 'wag ka ganyan baby narinig ko 'yon. Grr ackkk hahahahah.

"So ayon po mister magsisimula na tayo, 'wag po kayo mag alala dahil basic lang ang tanong namin at isa lang ang sasagutan which is yes or no."

"Pft haha sige." Ang gwapo ng tawa ng Mister ko! Yieee.

"Agree kaba sa ipapatupad na, Death Penalty?" nice question guys. At least kapani-paniwala.

"Yes." agad ako tumayo.

"So kailangan ko po kunin ang number niyo, pakisulat nalang dito." Sabay turo sakanya sa notebook.

"Para saan?" Ha? Hala para saan?

"May pa raffle po kami baka ho may chance na manalo kayo." I heard him, chuckling.

Halata naba?
Wag naman saaanaaa.

"Here." Sabay about ng notebook.

"Thank you mister." Ko. Yieeeee.

"Welcome." agad ako tumalikod at tumakbo sa mga kaibigan ko.

"Ano liane?" Ibinigay ko sakanila ang notebook at agad naman sila nagsilabasan ng cellphone.

"Halaa lianeeeee!!!!!"

"Oh bakit?"

"Wala siyang fb!" agad naman ako nanlumo sa narinig ko.

"Ha? Bakit wala?"

"Ewan basta wala eh!"

"Sayang lianeee!"

"Haysss fail!"

"Oo nga sayang talaga." Malungkot ko naman ba sabi.

"private ang account ko." lahat kami nagulat dahil nakatayo si Tyler sa likuran namin.

"A-ano g-ginagawa mo dito?" Kabadong tanong ko. Agad niya naman inabot ang panyo ko.

"Here. Nakalimutan mo." Kinuha ko 'yon sakanya.

"T-thanks." He smiled tsaka inabot niya ang cellphone niya sa'kin.

"Type your name in the search list ako mag add sa'yo." waaaaaah!

Nanginginig ko pa kinuha 'yon at nagtipa pagkatapos ay binalik sakanya.

"Pft. So now your plan won't be fail." alam niya? Goshyong!

"A-alam mo?" Tanong ko.

"Ofcourse. It's too obvious baby." What baby?

"Ha?" He smiled.

"Nothing. I'll chat you later. I need to go. Hmm... Take care, mamahalin pa kita." Sabay Alis niya.

Waaaaah.

"SANA ALL!" sigaw ng mga kaibigan ko.

Sana all talaga.

"Tara na uwi na tayo hahaha." aya ko at sinamaan nila ako ng tingin.

"Bakit?"

"Sana all!" Sigaw pa nila hahahahah.

Baby daw eh. Mamahalin ko pa daw siya. Waaaah!

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now