UNKNOWN PERSON

2 0 0
                                    


UNKNOWN PERSON

"Sigurado kabang dito kalang muna?" Tanong ng bestfriend ko at tumango naman ako.

"Oo medyo madilim at pagod na paa ko kakalakad hintayin kita dito basta bilisan mo." Saglit itong tumitig sa'kin at ngumiti.

"Ingat ka ha?" Tumango lang ako at umupo sa ilalim ng puno.

Wala naman sigurong multo dito?

Ilang oras pa ay naisipan kong umidlip, pumunta kasi yung bestfriend ko sa labasan dahil nakalimutan niya ang payong niya ayoko na rin naman sumama sakanya since pagod na ang paa ko kakalakad.

"Pst." Natigilan ako at nanatiling nakapikit dahil baka pagmulat ko nasa harap ko na ang siraulong 'to!

"Pst gising.." Bulong nito at sigurado akong nasa gilid ko lang siya.

"S-sino ka?" Tanong ko habang nakapikit.

"Ako 'to." Bulong pa niya.

"Hindi kita kilala!" humagikgik pa ito.

"Imulat mo yang mata mo." Utos pa niya!

"Ayoko!" Baka kasi ang pangit niyang multo.

"Imulat mo." Umiling iling pa ako.

"Ayoko."

"Hindi mo ba ako kilala?"

"Hindi sino kaba?" Ayoko magmulat ng mataaa!

"Ako 'to..si Natoy na mahal na mahal ka." Agad ako napamulat ng mata at gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang..

Bestfriend ko! Habang nakahandusay at patawa tawa lang.

"Romeo save me!" Sigaw niya at nakahawak pa sa tiyan.

"Siraulo ka!"

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now