UNTITLED STORY

3 0 0
                                    

Tahimik akong naglalakad sa pasilyo ng paaralan namin nang mahagip ng mata ko ang isang lalaki. Nagtaka ako pero hindi ko pinakita ang emosiyon na 'yon. Ngisi ngisi siyang sinusundan ako ng tingin at hindi ko na mapigilan ay agad na kumunot ang noo ko. Para siyang manyakis sa harap ko dahil nakakabuwisit ang mukhang taglay niya.

Napasinghap ako sa hangin ng dahan dahan siyang umalis sa kinatatayuan niya at lumapit sa'kin na agad ko namang sinalubong ang presensya niya.

"Baliw kabang tunay?" malumanay na tanong ko at ngumisi nanaman ang loko.

"you got my attention, at napaisip ako.." tumigil siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Na ano?"

"Wala kang taste HAHAHAHA!" sa inis ko ay sinabunutan ko siya ha?!, oo sinabunutan ko siya kahit lalaki siya!

"Ang kapal mo!"

Nagulat ako ng hinila niya ang kamay ko at hinalikan ako sa gilid ng labi ko.

"hahaha, ano masarap?" asar niya at sobra akong nainis do'n!

Tinulak ko siya sa pader at dinampihan ng halik ang pisnge niya, mabuti nalang ay bilang lang ang nga tao at wala masiyadong nakakakita.

Gulaf na reaksyon ang makikita sa mukha niya, at bahagya siyang natigilan.

"Pakyu akala mo ikaw lang? Ulul." nang makabawi sa gulat ay napangisi siya.

"Ang sweet ni misis!" tumaas ang sulok ng labi ko.

"Kung misis mo 'ko maya maya din ay magpapadivorce na ako!" Sigaw ko at natawa siya.

"tapang, kaya mo?"

"Oo!"

Dahan dahan siyang lumapit sa'kin dahilan para ako ang macorner niya.

"Hindi ba ay crush mo ako?" Bulong niya. Agad akong namula sa katotohang sinabi niya.

"Ha?"

"Be mine." Naks englishero

"Hakdog!" bumalatay ang inis sa mukha niya para matawa ako.

"Siraulo ka!" Inis na bulong niya.

"ha? Oo sira talaga ako. Pero hindi ang ulo ko, kung hindi ang puso ko." Mayabang pa na sabi ko.

"Ha bakit?" Tulirong sabi niya tila logic ang naririnig niya.

"Dahil kahit anong tanggi ko na gusto kita, ipinaglalaban ka niya." Sabay ngiti at tinalikuran siyang nakatulala.

Kilig much?

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now