I GAVE UP
Napapangiti nalang ako ngayon sa eksena namin ng ex-boyfriend ko. Nitong nakaraang linggo lang kami nagbreak dahil ako rin naman ang may gusto. Pero ang lahat ng 'yon ay para din naman sakanya at sa ikabubuti namin.
"Sana naman may matino tayong pag-uusap ngayon." He spoke.
"Bakit ka pala lumapit?" Mahinahong tanong ko.
"Gusto kitang tanungin kung bakit ka nakipaghiwalay. H-hindi ko kasi alam kung anong kulang ko at bakit iniwan mo ako." Napayuko ako sa sinabi niya.
"To be honest, you're the best boyfriend I had, masakit rin naman sa parte ko na iwan ang taong nagpasaya sa'kin ng ilang taon." He stared at me, at pilit lang ako ngumiti.
"Pero bakit? Bakit naman tayo umabot sa punto na parang wala tayong pinagsamahan."
"I gave up not because of you, ako.. ako ang problema at ayokong madamay ka."
"Boyfriend mo ako, at makakasama mo sana sa hinaharap at karapatan ko rin na masama sa kung anong problemang dala dala mo. Jes, boyfriend mo ako..hindi kita ginrilfriend para I display lang."
"Sumuko ako kasi..hindi tama ang panahon para sa'tin."
"E'di itama natin." Umiling ako.
"Paglipas ng limang taon at kung ako parin. Naniniwala ako na ginusto natin na tayo hanggang huli."
"Paano kapag iba ang nangyari?"
"Puwes, isa lang ibig sabihin no'n. Hindi ka marunong humawak ng pangako. I gave up not because I don't want this relationship. I gave up, hindi para iwan ka. Sumuko ako para alamin kung mamahalin mo parin ba ako paglipas ng panahon." Tumayo ako.
"Sige, limang taon."
"dito tayo magkikita, same date pero limang taon ang nakalipas."
Maayos kaming nagpaalam sa isa't-isa.
__
5 YEARS LATER
"You may now kiss the bride." Napangiti ako kung paano siya ngumiti na tila ito ang pinakakahintay niyang pangyayari.
"I love you." Then he slowly closed his eyes.
After the kissed, may picture taking pang nangyayari. Tumayo ako at pumunta sa gitna para makita ko siya ng buong buo.
"jes?" gulat niyang tanong.
"Kamusta?" Nakangiti kong sabi.
"A-anong ginagawa mo dito?" tinapik ko siya sa balikat.
"Limot mo na?" nawala ang ngiti sa labi ko nang tanungin ko 'yon.
"Ang alin?" Halos manlumo ako sa narinig ko.
"Hahaha five years from now, we promised each other, na magkikita tayo dito sa gitna ng aisle, pero natupad naman hahaha pero hindi na ako ang babae na 'yon."
"I-im sorry." pinunas ko ang butil ng luha sa na tumulo sa mga mata ko.
"I kept that promised, but you forget it. Masakit para sa'kin dahil, mahal parin kita pero ikaw kasal na."