I'M DONE

2 0 0
                                    


I'M DONE

"teka lang naman kim." hinila ako sa braso ni Xian at hinarap sakanya.

"May sasabihin ka?" tamad na tanong ko sakanya.

"I'm so sorry kung iniwan kita, sorry kung hiniwalayan kita." sensero niyang sabi kaya napatango ako.

"Okay lang." Animo'y nagulat siya.

"Hindi ka galit o ano?" tinitigan ko siya.

"Galit ako, nasasaktan ako oo. Pero wala akong magagawa kun'di tanggapin nalang kung ano 'to." mapait akong ngumiti.

"I'm sorry."

"Your sorry can't change everything Xian." Pinunasan ko luha sa mga mata ko

"pasensya talaga, I didn't meant to hurt you."

"Stop saying sorry, because sorry can heal the problem but your sorry can't heal my pain. Yes, nakokonsensya ka that's why you keep saying sorry, damn that sorry xian."

"kung nasaktan kita sana okay parin tayo."

"Simula noong iwan mo 'ko araw araw akong nasasaktan, dahil sanay naman na ako ini-enjoy ko nalang." pilit akong ngumiti, "hindi lahat ng taong masayang tignan ay hindi nasasaktan, sila pa mismo ang maraming pinagdadaanan. Kaya don't say sorry because sorry is just a word, it can't take all my pain."

"O-okay."

"Kung umaasa kapa na magiging tulad tayo dati, pasensya pero mas gugustuhin ko nalang mag-isa kaysa kasama ang taong naging dahilan kung bakit ako ganito." Nasasaktan akong tignan siya.

"pero minahal kita at seryoso ako doon."

"Oo nga, sa sobrang pagmamahal mo magawa mong maghanap ng iba."

"'Di ko sinasadya."

"Tigilan mo na 'to, nag sorry kana at okay na."

"Sigurado kaba na ayaw mo na?"

"Oo, " seryoso kong sabi na ikinagulat niya.

"B-bakit?"

"I'm done, hindi na kita kayang mahalin."

"P-pero---"

"Stop, pwede ba? 'Wag kana umaasa dahil noong nasa panahon pa na minahal kita ng sobra sobra, sinayang mo lang. Tigilan mo na Xian dahil minahal kita, pero wala kang ginawa kun'di hanapin sa iba ang saya kahit hindi naman ako nagkulang sa'yo."

"sorry."

"I told you, stop saying sorry. Hindi maibabalik ng sorry mo sa kung anong meron tayo, " ngumisi ako.

"Solid akong magmahal at solid din ako mawalan ng paki'."

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now