CHANGES

6 0 0
                                    

CHANGES

"hoy bata, hindi mo ba ako kilala? Ako ang matapang sa school na 'to!" matulis na sigaw ng batang si Irish.

"Talaga ba? Eh ang liit liit mo! Pakisabi diyan sa kasama mo 'wag na 'wag haharang sa dadaanan ko! Tabi!" Tsaka tinulak nito ang dalawa. Pero dahil talagang matapang ang bata hinila niya ito at kinurot ang dalawa ng tainga.

"Aray ko bitaw!" Walang magawa ang batang lalaki kung hindi ang umiyak na umiyak.

"Kinakalaban mo ba ako?! Ako!, ako lang ang siga dito wala ng iba! 'Wag mo nga binubully and lalaki na 'to kung ayaw mo ihulog kita sa bangin na puno ng putik!" matapang na sigaw nito sa Pintas na lalaki.

"Oo na! Oo na! Bitawan mo ako!" Pagsuko ng bata. Kaya agad naman niya itong binitawan at inambahan ng suntok.

"Siguraduhin mo lang, alis na!" Aligaga naman umalis ang bata dahil sa takot.

-

Agad akong hinarap ni Irish, Grabe ang tapang niya.

"Ikaw naman, 'wag kang iiyak iyak! Kalalaki mong tao bakla ka!" Napahinto ako sa kakahikbi at hinarap siya.

"H-hindi ako bakla!" Inis na sigaw ko. Agad siya nagcross arm at tinaasan ako ng kilay.

"Ah talaga? Tingnan mo nga sarili mo." Napanguso ako habang tinititigan siya.

"Salamat." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patakbo.

"Tara laro tayo!" Napangiti ako at tumango at sumabay sa takbo niya.

__

Ilang buwan ang nakalipas at naging close kami. Ang saya niya kasama dahil sobrang bait niya.

"Irish gwapo ba ako?" Tumingin siya sa'kin at tumango.

"'Diba sabi ko sayo, riri tawag mo sakin at Denden ang tawag ko sa'yo. Oo naman Denden gwapo ka. Kaya kapag lumaki tayo, sa'yo lang ako magpapakasal. Aba, ikaw lang ata ang kilala ko na mabait at matalino, gwapo pa!" Pagmamalaki niya kaya napangiti ako at pinahiran siya ng Icecream.

"Habol! Hahahahaha!" kumunot ang noo niya at masama na tumingin sa'kin.

"Tumakbo ka kung ayaw mo mamatay!! Dendeeeeeeeennnnnn!" Mabilis ako tumakbo pero dahil sa bilis kong tumakbo may nabangga akong mga binata.

"Takte ano ba?!" galit na galit na sabi ng isa.

"Sorry po, sorry po!" Tatlo sila at mga sanggano.

"Pre bata 'yan, papatulan mo 'yan?" Sabat pa ng isa, kaya agad ako kinwelyuhan ng lalaki.

"Ikaw bata ka, natuto kang tumingin sa daanan mo!"

"Bitawan niyo siya!" riri naman 'wag ngayon 'di mo sila kilala!

"Aba, may sumingit na bulinggit!" Binitawan ako no'ng lalaki at napabagsak ako sa lupa.

Ang saket ng puwet ko!

"'Waggggg!!!" sigaw ko ng sampalin ng lalaki na binagsak ako si riri.

"Ang tapang tapang mo!" Nakatayo lang ang dalawang lalaki habang naninigarilyo na tila nanonood ng pelikula.

"T-tama na p-po!" pagmamakaawa ko pero tinulak lang ako nito na parang aso.

"Huwag kang lalapit Denden!" malungkot na sabi ni riri.

"Ang kukulit niyo!!!!" pinagbubugbog ng lalaki si riri, at wala akong nagawa kundi ang umiyak habang tinitignan ang paghihirap ni riri.

"Pre tama na, Tara na baka may makakita." tinigilan ng lalaki si riri, at mabilis silang umalis.

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now