I'M PREGNANT
Kabado ngunit masaya ang aking pakiramdam nang makalabas ako ng Hospital. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Adrian.
"hon?" tawag ko nang sagutin niya ang tawag.
"yes? uhm on the way na'ko sa Restaurant na sinabi mo." ngumiti ako.
"we will see you, ingat mwuah!"
"we?"
"yes, hon see you there!" pagkababa ko ng tawag ay pumara na ako ng Taxi.
Hindi ko maiwasang mag isip ng magandang pangalan, kung ako gugustuhin, gusto ko babae ang magiging anak ko pero ang gusto naman ni Adrian noon ay lalaki.
Makalipas ang oras ng makarating ako sa Venue na gaya ng pinag-usapan.
Agad ko naman natanaw si Adrian pero agad na nangunot ang noo ko na may kasama siyang babae.
Dali dali ako pumasok at nagulat sila sa pagdatin ko.
"hon!" masigla kong bati at agad ko nilingon ang babae, "hi." bati ko dito pero malungkot lang siya ngumiti sa'kin.
"may sasabihin sana kami sa'yo." agad na pagbukas ng usapan ni Adrian.
Siguro mamaya ko nalang sasabihin ang sorpresa ko hehe.
"yes hon ano yun?" agad na napaluha ang babae na agad naman hinawakan ni Adrian ang kamay niya. Nalito ako bigla sa nangyari.
"i-i'm breaking up with you Thalia, magiging tatay na ako." napakunot ang noo ko. Magiging tatay sa babae 'yan o sa'kin?
"h-ha? nagbibiro kaba?" halos mapasinghala ko sakanila.
"no, no..i'm pregnant a-and h-he's the father of a child." singit nung babae.
"i-im sorry Thalia pero kailangan ko panindigan ang mag-ina ko."
pero pano na ako?
Gusto ko itanong sakanya yon.
'pano magiging anak natin?
Pilit ako ngumiti, kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"s-sige, congrats at masaya ako para sainyo." akma ako aalis na hinawakan ni Adrian ang kamay ko, patuloy na umiiyak ang babae.
"ano nga pala sasabihin mo?" seryoso ngunit nando'n ang pag-aalala sa mukha niya.
Hinigit ko ang kamay ko at ngumiti.
"ah wala yun, forget it and i need to go." paglabas at pagkalabas ko ng Restaurant ay agad ako napaiyak habang hawak ang Tiyan ko.
Kailangan na ba kita ipalaglag? Baby?
Agad ako napailing.
Hindi, aalagaan kita at itatago kita sa ama mo.
_
9 months later
"congrats it's a boy." masaya at galak ang nararamdaman ko nang iabot sa'kin ang anak ko.
Hinalikan ko ito at niyakap.
"welcome to the world baby Ace. I love you." bulong ko.
______
WE CAN'T BE TOGETHER PART 2