I GAVE UP
Hindi ako makapaniwalang isang lalaki ang iiyak sa harap ko. Kilala kasi siyang seryoso at matapang na tao, pero hindi ko akalaing masasaktan ko ang isang tulad niya.
"Nic, i'm so sorry sadyang.. hindi talaga tayo." napayuko ako sa harap niya.
"k-kung hindi tayo, pilitin mo." maemotional ang nakikita kong Nicolas ngayon, hinanakit ang tono ng boses niya hindi tulad ng dati na malaki at buo ang boses.
"pa'no ko pipilitin nic, suko na ako eh." umiwas ako ng tingin sakanya.
"bakit mo ba ginagawa 'to ha?!" at doon ako natakot sa kakaibang boses niya.
hindi naman ako nakasagot at umiwas lang ng tingin.
"para saktan ako Jill?"
"hindi ko alam, please kang nic tama na." pakikiusap ko sakanya.
"bakit nga?!, ba't ka biglang nagkakaganyan?"
"dahil hindi mo ako mahal!!" sigaw ko.
hinigit naman niya ako at tiim bagang tinignan. Umusbong naman ang takot ko.
"sa buong buhy ko jill.." hindi ako umimik.
"sa buong buhay ko sayo lang ako umiyak, sayo lang ako nagmakaawa, ikaw lang ang pinaglaban ko sabihin mong hindi kita mahal no'n?" malamya niyang sabi.
"hindi tayo para sa isa't isa.." pilit ko.
"baka nga.. kaya hindi tayo para sa isa't isa, dahil 'di ka marunong makuntento sa'kin." natigilan ako.
"ano b-ba sinasabi mo?"
"lahat ng taong pinagtagpo ay may chance na magkatuluyan habang buhay, pero tama nga ako, nasa tao parin ang desisyon kung susuko ba siya o hindi."
"nic.."
"kung ayaw mo na talaga, fine." doon ako nawalan ng pag-asa.
"pero isa lang ang sasabihin ko sayi Jill." tumingin lang ako sakanya.
"I love you more than anyone and anything. Sana alam mo." tsaka umalis sa harap ko.
Doon ako umiyak, sorry nic. Sorry, hindi mo ako deserve. Mahal kita pero sadyang hindi nga ako makuntento sayo.
-hira_ethereal
![](https://img.wattpad.com/cover/196975280-288-k789110.jpg)