YOUR SECRETARY
"What do you think you're doing here?" Bungad agad sa magiging amo ko dito sa Company na pinasukan ko.
Agad ako nag-angat ng tingin dahil napahalik ako sa floor ng kanyang Opisina.
Agaran ako tumayo at inayos ang sarili ko at ngumiti sakanya.
"Gano'n talaga sir kapag nakakapasok ako sa magiging opisina ng amo ko, nakikpagbeso-beso sa floor para maging close agad kami." At nagpeace sign sakanya. At wala nga akong nakitang space sa pagitan ng mga kilay niya.
Angry bird ka sir?
"At sinong may sabi sa'yo na pumasok ka dito?" Umupo ito sa tbale niya at naglaptop.
"Baka yung sahig sir? Ay este, yung Mommy niyo sir." Pagbawi ko sa sinabi ko ng sinamaan niya ako ng tingin.
"Namimilosopo kaba?"
"Hindi ah!" Umupo ako sa harap ng table niya at ngumiti na pangmodel ng Colgate.
Colgate smile nga!
Inilabas ko yung cellphone ko at binuksan ang camera.
"Sir tara selfie, pang-upload lang hihi 'atm at my new handsome boss' accept mo 'ko ha?" sabay click ng camera nang tumingin siya.
"What the hell?"
Mukhang edad sixty 'tong amo ko ah.
"Sayang mo Boss, ang gwapo pero nagmumura." Ini-edit ko agad ang picture namin sa Photogrid.
"Get out!" sigaw nito.
Kumuha ako ng stick note at sinulat ang ' Out.'
"Oh Boss." Sabay abot sakanya ng Note.
"Ano 'to?"
"Stick note si--este Out sir! Sabi niyo Get, out hindi naman natin nahahanap ang out kaya sinulat ko nalang, kung ayaw niyo po ng sulat ko akin na sir icacalligraphy ko." At nag colgate smile nanaman ako.
Ganda ko.
"Are you makng Fun of me love?"
Omg love? Sabi na eh nabihag din siya sa gandang taglay ko.
"Sabi na eh crush mo ako!" At nagpilantik sa mismong mukha niya. At ayan nanaman po siya, Angry Bird.
Angry Boss dapat.
"Your name is Lovely, I just make it short. Feelingera." At tinuon nanaman ang sarili sa laptop niya.
"Ganda ng lahi mo sir no?"
"What do you mean?"
"Anakan mo 'ko sir, kahit lalaki lang hihe." Tumayo ito at hinila ako papunta sa pintuan.
"You're not making sense, you're fired!"
"Ang sama mo naman sa magiging asawa mo!" Tinulak ako nito sa pader at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Shet ito na ang pangarap ko, na nababasa ko lang sa Wattpad!
By the way follow niyo 'ko sa Watty Guys.
@Lovelymaganda21
Dahan dahan nito inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Hanggang sa napapikit nalang ako.
"Asa." Mahinang bulong niya kaya napamulat ako.
Tumalikod ito papalayo sa'kin.
"Hoy panindigan mo 'yon!" Sigawko.
"Mag trabaho kana, puro ka imahenasyon."
Napaka hayop!
![](https://img.wattpad.com/cover/196975280-288-k789110.jpg)