Christmas party nanaman, at hindi ako excited ano nanaman ang makukuha kong regalo? Baso? Plato? Toothbrush? Tuwalya? Panyo? Tumbler? Tupperware? Myghad hanggang ngayon yon parin? No'ng elementary ako hindi magkamyaw ang nanay ko sa tuwa dahil Tupperware, baso ang nakukuha ko, dagdag tago nanaman o' di kaya 'yon ang gagamitin para yung ibang bago ay itatago at ilalabas lamang kapag may bisita. Madaya.
Tapos yung mga pagkain? Spag, lumpia, pancit, palabok, puto, softdrinks, cake, ice cream, manok, at iba pang party. Gusto ko umiyak dahil may kasamang lumpia. 'yon lang naman masarap kapag may handaan eh.
Tapos mga palaro? Yung may kapartner ka at Sabay niyo uubusin ang mansanas, o' 'di kaya parehas kayong may kamatis sa noo, uso rin yung pasa-pasa ng papel gamit ang bibig, yung stop dance kasama ang dyaryong na aapakan niyo pagalingan na magbalance. Hindi magpapahuli ang paagaw ng candy ni teacher.
"Lalim ng iniisip mo?" Tanong ng best friend ko.
"Iniisip ko na kung ano kaya ibibigay naregalo ng bumunot sa'kin o tinatawag na monito o monita." Tumawa naman siya.
"Ano ba gusto mo na regalo?" Tanong niya na ikinakilig ko naman.
"Tingan mo si Jayron, siya lang." Hinampas ako nito.
"Asa kapa!"
Natapos ang kainan at palaro ngayon naman ang bigayan ng regalo.
Hashtag kabado, dahil ang makukuha ko ay baso.
"Next, yesha." Tumayo ako at nagsign of the cross ako na ikinatuwa ng mga kaklase ko.
Tumambad sa'kin ang malaking kahon. Gosh si Jayron ba laman nito? Kyaaaaaaaah.
Binigyan nila ako ng gunting para putulin ang laso. Omgeeeee.
Pagbukas ko bumagsak ang apat na gilid na kahon at lantad na lantad sa'kin kung ano ang regalo.
"hahahahahahahahahahahaha."
"A hahahaha hahahaha hahaha."
"Wahhahahahahahahahahaha"
"Hahahaha hahahaha hahahaha."
gusto ko mahimatay sa nakikita ko ngayon.
Sa isang MALAKING box na 'yon nakatayo ang isang tumatagingting na MUG.
Potangina?????????
Gusto ko manapak huhuhu, naiiyak ako bakit ganito. Huhuhu.
"Hahahahahahahaha"
Tawa pa ng mga kaklase ko.
"Arghhhhhhhh sino nagregalo nitoooooooo?!!!!!!!" Inis na sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.
"Ako." Boses mula sa likod ko.
"Ayieeeeeeeee "
Hashtag kabado dahil si crush ito.
Humarap ako sakanya.
"Ah..eh..namumulubi kana ba?"
Kunwaring mataray na tanong ko.
"Hindi naman." Sagot niya habang nakangiti, kung hindi lang kita gusto sinapok na kita!
"Sa dinami bakit mug?!" dahan dahan naman siyang lumapit sa'kin Maya napapaatras ako.
"It's a couple mug, na saakin ang isa."
"Wow para makatipid ka?" Umiling naman siya.
"No."
"Bakit mug?!"
"Dahil gusto ko mug-ging tayo."
Napaawang ang mga labi ko na sinabi niya.
"Yieeeeeeeeeeee!"
"Sana all!"
magpapaset naba ako ng kasal?
Myghad, Christmas party ba ito or engagement party ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/196975280-288-k789110.jpg)