CRP's ENCOUNTER
Masaya akong nagtatype habang kachat ko ang jowa ko, He's Dylan Amadeo and i'm Ella Montefalco. But the truth is CRP ako, lalaki ako sa totoong buhay trip ko at gusto ko maexperience kung pa'no maging Girl Roleplayer.
Halos kalahating Buwan din kami ni babi Dylan. Hindi ako bakla or what trip ko lang talaga ewan ko nga kung bakit kami nagtagal. Hahaha makulit siya, at may times na may pagkacold siya. Tsk maybe lalaki nga siya.
"babe i have something to tell you." mensahe niya, kaya nagduda naman ako.
"ano 'yon babe?" super curious ako kasi parang ang seryoso niya.
"CRP ako." like the fuck? paanong crp bakla ka? joke. I mean babae siya?
"seryoso?" tanging nasabi ko sakanya.
"opo babe, pwede ba tayo magkita?" napaisip nama ako, tutal malapit naman siya sa'min. Mga kabilang siyudad lang, 'di seryoso ako na magaadjust.
"oo naman babe, gusto rin kita makita." hindi ko rin sinabi sakanya na crp din ako dahil suprise nalang.
Isang linggo ang lumipas at ngayon kami magkikita, todo bihis din ako kasi nakakahiya naman na dugyotin ako diba.
"babe papunta na ako." nakasakay na ako ng bus para sa meet up naman sa isang mall.
"sige chat mo 'ko pag nakarating kana para makita agad kita."
then nag off na ako baka kasi malowbatt at hindi ko makausap.
Ilang oras ang byahe at nakarating rin ako. Pumunta ako sa waiting area ng mall para hanapin siya, agad ako umupo sa bench at nag online.
"asan kana babe?" na seen naman agad niya.
"sa mini falls babe." sakto dahil nasa mini falls ako ng antay.
"ano kulay damit mo?" pota sobrang kinakabahan ako kasi takte ano ba mukha niya?
"naka denim jacket ako at white damit ko." damn!, agad ako nagpalinga linga at nakita ko ang babaeng nakatalikod sa'kin.
ito na pota!
"sige puntahan nalang kita babe."
"sige kinakabahan ako kasi baka mas maganda kapa sa'kin hahaha." natawa nama ako, loko.
Agad ako lumapit sakanya at kinalabit siya.
Agad naman siyang napalingon...
"Ethan?" tanong nito.
"Shaira.." tanging nasambit ko.
"ginagawa mo dito?" tanong nito.
"a-hh ikaw ano ginagawa mo dito?"
"inaantay ko jowa ko." damn!
"ikaw ba si Dylan Amadeo?" tanong ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"paano mo nalaman?" pakshet!
"ako si Ella Montefalco, and yes crp rin ako." halos matulala siya sa narinig niya.
"t-talaga?" ahh! nakakahiya.
"oo babe." ngumiti ako, at natawa naman siya. Shaira is my Ex Girlfriend siya ang rason kung bakit nasa RPW ako pero hindi ko akalain magkikita kami.
-hira_ethereal
