CHALLENGE

6 1 0
                                    

Maingay ang buong klase sa desisyon ni ma'am na palaro para sa'min lintek ang kaba ko dahil hindi lang 'to basta basta palaro, nakasalalay din dito ang pag-ibig ko kay Justin.

Habang nag-uusap usap ang dalawang panig heto ako ngayon kabado na nakikinig sa grupo ko. Hindi siya debate kun'di challenge. Yes, challege nabasa mo 'diba? 'Wag na tayo paulit ulit dahil kinakabahan ako.

Ganito kasi ang challenge ni ma'am, ang dalawang grupo ay kailangan may representative, si ma'am naman ang pipili kaya kabado bente talaga ako alam ko na pasikot sikot ng imahenasyon ni ma'am. So ayon nga, kapag may pambato na, ang dalawang 'yon magbabanatan..opssss patapusin muna ako hindi magbugbugan ha? Banat as in B-A-N-A-T Banat! Hindi mo gets? Ikaw babanatan ko! My bad! So ayon ang isang player mayroong Banat na Baron dahil magsasagutan sila ng kalaban niya, kahit ano ibabato mo, pick up lines or something hella crazy grr ang kalaban, kapag ang kalaban NAMULA!, NGUMITI!, TUMAWA!, ay talo! Ang 50 points ay mapupunta sa mananalo! Grrr. Talo na ako marupok ako eh!

"Hoy Irish! Nakikinig kaba?!" napatayo ako ng sinigawan ako ng leader namin, pag ito binanatan ko kilig 'to.

"Po yes madam!" sabay salute ko.

"Hoy Irish ayus-ayusin mo marupok ka pa naman." napanganga ako sa sinabi ng kaklase ko.

"Hoy hoy karin, marupok ako oo!.. Tignan mo nga bangs mo kung pantay?"

"Hahahahaha!"

"HAHAHAHAHHAAH!"

"siraulo ka talaga Irish."

"okay umayos na ang lahat." dali dali kami umupo lahat, kaharap namin ang grupo nila Justin at heto nanaman ang kaba ko, tila lalabas ang puso ko sa sobrang kaba grr.

"Sa unang pangkat tatawagin ko si Justin." Wahhh ang baby ko!

"go Justin!"

"Wah! Pusong bato!" bulungan ng katabi ko. Tama sila pusong bato nga!

"At sa pangalawang pangkat tatawagin ko si Irish." wah ako ba?

"Goooo Irish!"

"Wooooh!"

"Bebe namin 'yan!"

Tumayo ako at pumunta sa unahan.

Teka hindi ako nakinig sa grupo ko kaninaaaa!

Dapat poker face lang Irish! Tumingin ako kay Justin na nakatingin sa'kin. Kaya mo 'yan Irish!

"Tao o Ibon?" Tanong ni ma'am samin.

"Tao." Justin.

"Ibon po sa'kin." Sagot ko.

"Okay ibon!" hala ako mauuna?

"Go irishhhh!"

"Goodluckkkk!"

"Okay Irish, Banat!"

Tumingin ako kay Justin.

Bumuntong hinga muna ako bago bumanat, "Mint kaba?".

" bakit?" Grr.

"'Cause I'm mint to be with you." 'Wag ngingiti Justin. At ayon seryoso lang siya.

"Woooooh go Irish!"

"Unan kaba?" Bato niya sa'kin.

"Bakit?" Sagot ko.

"marami man ang gusto yumakap sa'kin, pagdating ng gabi ikaw lang ang yayakapin ko."

Wahhhhh!' Wag kang ngingiti!

Pangalawang Banat, "bakit ayaw mong subukan ipablood test ako?"

"Ha? Bakit?" manhid.

"Para malaman mong ikaw ang type ko."

"Yieeeee"

"Bagay kayoooo!" Gusto kong mamula at sapakin kung sino man ang sumigaw na 'yon.

"Sakto lang ang buhay ko eh, walang labis ikaw nalang ang kulang."

Mommyyyy!!!

Pangatlong Banat, "ID kaba?"

"Bakit?"

"para kahit kapag nagwala ka, Alam nilang sa'kin ka."

Pang-apat na Banat, "siguro dapat bahay nalang ako."

"Bakit?"

"Para kahit umalis ka man sa'kin, alam kung sa'kin ka parin babalik."

napataas naman ang kilay niya.

"Password kaba?"

"Bakit?"

"Madamot ako at ayaw kitang ibigay sa iba."

help!!!!

"Alam mo yung pag-ibig? Hindi ko 'yon pinag-aralan pero sa'yo ko natutunan." Sabay ngiti para mapangiti siya pero wala parinnnn!

"Kyaaaaaah!"

"Hoy kayo ah!"

"Sana all!"

"Hindi ko ugaling uminom pero pag dating sa'yo, nalalasing ako sa kagandahan mo."

tumitig ako sakanya.

"Hindi ko rin ugali suminghot ng marijuana o anong droga pero pagdating sa'yo naaadik ako."

nakita ko tumaas ang sulok ng labi niya.

"masaya maging tao, pero mas masaya siguro kapag naging tayo?" waaah 'wag kang kikiligin self.

"Uhm, bakit hindi mo nalang totohanin? Para ika'y mapasakin." Waaah.

"Boom hahaha"

"Hoy tagal niyong kiligin!"

"paano ko naman totohanin? Kung matagal ka nang sinisigaw ng damdamin." Gosh gusto Kong ngumiti kasi parang totoo.

"hala nahulog!" Sabay turo ko sa baba niya. At tumingin naman siya.

"Wala naman ."

"Ako sa'yo."

And for the first timeeeee I saw him SMILING! AND HIS FACE WAS VERY VERY RED!

"Ayonnnn!"

"Napangiti!"

"Kinilig!"

"Nice Irish!"

Nagulat ako ng hinawakan niya ang mga pisnge ko.

"Pagtapos ng laro na 'to akin kana." Nanlaki ang mata ko at feel ko na namula ang mga pisnge ko.

"Ha?"

"akin kana."

"Halabyu!" Hahahahahaha.

"Hoy sana all!"

"Umalis na kayo diyan!"

"Oo na kayo na!"

sigawan pa nila.

"Okay next!" Si ma'am.

"Ayon!"

"Sa wakas."

"Daming langgam!"

Ano bang palaro 'to hahaha.

Kilig ako oo!

"Walang forever." Sambit pa ni ma'am na ikinatawa namin.

Ang bitterrr!

COMPILATION OF SHORT STORIES (Hira Stories)Where stories live. Discover now