I'M PREGNANT?
"I'm pregnant?" Tanong ko sa sarili ko na marealize kong late ang Menstruation ko ngayon.
Halos mag to-two weeks na ah?
Tanong ko pa sa sarili ko. Hindi kaya?Napatakip ako ng bibig ko sa naisip ko.
"Okay kalang?" Tanong ni kuya habang nakatingin sa cellphone niya.
"K-kuya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang masuka ako.
Tumakbo ako papunta kusina at sumuka.
"Hoy bunso ayos kalang?" Kumuha pa ng baso si Kuya at nagbukas ng Paracetamol.
"O-Oo ayos lang, ano 'yan?! Wala akong lagnat!" Omg ba't ba nagagalit ako?
"Sumuka ka eh." Tinampal ko naman ang kamay niya.
"Ayoko niyan!" At lumabas ako ng kusina."Hoy bunso, anong nangyayare sa'yo?" Inirapan ko siya at kumuha ng foods sa ref, nagutom ako since nasuka ko lahat ng kinain ko.
"Wala ah." At nilamon ang cupcake.
"You're vomiting, mainit ang ulo mo sa'kin, at ngayon nakakatatlong cupcake kana." Habang nakaturo sa balat ng cupcake na natira.
"Ano bang sinasabi mo?" Inis na sabi ko, sinasabi ba niyang buntis ako?
Ha! Hindi ah!"Buntis ka?" Asik nito at masama ang tingin sa'kin.
"Ha? ano?! hindi ah!" Dumuro naman siya sa'kin.
"UMAYOS KA BUNSO!" sigaw pa nito.
Omg! Virigin pa ako!"HINDI NGA!" sigaw ko rin.
"Sinong huli mo nakasama?!" bulyaw nito at napababa naman sila mama at papa!
Jusko Lord!!!"Anong nangyayare?" Si mama.
"Ba't nagsisigawan kayo?" Si papa!"Ayan ang bunso, BUNTIS!" Waaaaah kuyaaa?!!!!
"Ano?!!!!!" Sila mama at papa.
"H-ha? hindi pooo! Virgin pa ako!" Masama naman ang tingin nila sa'kin.
"Sino huli mong kasama?" Pag iimbestiga ni Kuya.
"Naalala ko si Devon lang huli ko nakasama--" Hindi pa ako tapos ay sumigaw nanaman si Kuya."Ano?!! Ang bestfriend ko?!" Tumango lang ako.
"Pero w-wala nangyari sa'min." Kinuha niya ang Cellphone niya at may tinawagan.
"Hello siraulo ka pumunta ka sa bahay!!!" At binaba ang linya.
Omg!!!!!
Habang lahat kami ay nakaupo sa sala walang nag-iimikan.
*Doors Bell*
Dumagundong naman ang kaba ko nang marinig ko 'yon.
Binuksan ni Kuya ang pintuan.
"Good Morni---*huk" Hindi natapos ni Devon ang sinabi niya nang dinaklot ni Kuya ang Kuwelyo niya.
"Fuck you! Bakit? Ha baket?!!!" Agad na napakunot ang noo ni Devon na tila nainis sa inasta ni Kuya.
Nanonood lamang sila Mama at Papa sakanila.
Wala ba silang gagawin? Hindi ba nila pipigilan?
"What the hell is your problem?!" Asik naman ng isa. Kaya napasapo nalang ako sa noo ko.Ang abnoy kong Kuya, bow.
"Gago ka ikaw lang naman ang Ama ng batang dinadala ng kapatid ko ngayon!!!" Gigil na sambit ni Kuya. At natitigilang napatingin sa'kin si Devon.
"Kuya--!!!" Dinuro niya ako.
"MANAHIMIK KA!" Napapout nalang ako.
"'Wag ka mag-alala papanagutan ko ang mag-ina ko." At kumindat naman siya sa'kin.
Gusto ko na lumubog sa kinatatayuan koooo!!!!!!
"Aba dapat lang, congrats." At tinap-tap pa ni Kuya ang likod niya.
Iniwan naman nila kami sa sala pag katapos ng eksena.
"Paano naman kita nabuntis?" Nakangising tanong niya sa'kin at napapikit ako.
"Ikaw kasi ang huling kasama ko noong kumain tayo ng Balot kagabi." At natawa naman siya.
"Then?"
"Sumama ang pakiramdam ko since Nalamigan ako at nakakasuka ang balot at iba pang kinain nating street foods, kaya kanina nahihilo ako at nasusuka." At napanguso akong tumingin sakanya.
"Bakit hindi nalang natin totohanin?" At tumigin siya ng seryoso sa'kin."Ang alin?" Kabado kong tanong.
"Baby." At napakagat pa siya sa labi niya.
"Ha? Hayop ka hindi pa nga tayo!!!" Sigaw ko at natawa naman siya.
"Gusto mo pala maging tayo?" At natigilan ako.
"H-ha? hindi!!!"
"Tss obvious ka, kaya ko naman panindigan ang feelings mo eh." At sumandal ulit sa Sofa.
"Talaga?" Tumingin siya sa'kin ng malalim.
"You're a type of a girl that deserve to be cared with, to be love, to be mine at the rest of my life." At ngumiti.
"Ya! Bolero!" At natawa ako."No, being funny is different than a man who's in love."
"In love ka? Sa'kin?" Turo ko pa sa sarili ko."Oo at alam ng buong pamilya mo."
At napanganga ako.
Maaaa, I'm Marrieeed!!!!