Chapter 7

150 13 0
                                    



Chapter 7

Shane's POV
Isang linggo na rin ang nakalipas buhat ng maging kami ni Bryan.

Botong boto ang mga magulang ko pati na ang dalawa kong kapatid na sina Sherwin 9 years old at Sheryl 11 years old. Kuya Bryan nga ang tawag nila sakanya. 

Apat silang magkakapati at bunso si Bryan.
Ngunit hindi ko pa sila namimeet. Kaya naman gusto akong ipasyal ni Bryan sakanila, para maipakilala na daw niya ako sa pamilya niya at makilala ko rin sila.

"Kuya para po, diyan na lang sa may kanto." ang sambit ni Bryan sa tricycle driver ng nasa lugar na nila kami.

Inalalayan pa niya ako habang pababa ng tricycle.

"Salamat." ang nakangiting sabi ko.

"You're always welcome babe." sagot naman niya na kumindat pa.

Babe nga pala ang aming endearment. Pangit ba or baduy or ano? Pero kahit ano pa ang sabihin nila, dun kami komportable na babe ang tawag namin sa isa't isa. 

"Welcome sa aming bahay, este ating bahay hehe. Pagpasensiyahan mo na lang sana babe ah baka di ka komportable. Tara dali pasok ka." anyaya ni Bryan sa akin.

"ano ka ba, Di naman ako mapili ha!" suway ko sakanya at pinalo ko pa konti ang braso niya.

Maganda, malinis at maayos ang bahay nila, masyado lang talagang humble ang boyfriend ko kaya ganun. Up and down ang style ng bahay nila.

"pst, bunso" sitsit ng isang babae na nakaupo sa salas na may hawak na guitara.

"Uhy ate andiyan ka pala. Si Shane nga pala te girlfriend ko. Shane, ate ko si Ate Elena, panganay namin." pagpapakilala ni Bryan sa amin.

"Magandang araw po" bati ko kay ate Elena at kinamayan ko pa siya.

"Hi. So ikaw pala yung laging bukambibig ni bunso. Naks bunso ha, galing mong mamili. Welcome Shane, feel at home ka lang ah" sambit ni at Elena sa akin. 

Ngiti at tango lang ang tanging naisagot ko muna. 

"bagay kami, diba ate?" kulit na tanong ni Bryan at inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Pinalo ko ulit siya konti sa braso at ngumit ako. Ngumiti siya at si Ate Elena.

"Yup bunso, bagay na bagay kayo ni Shane. Goodluck sa relasyon niyo sana magtagal kayo at fight fight figth lang ha." payo niya sa amin.

"opo ate salamat." yukong sambit ko.

"Si......mama at papa nga pala ate nasaan sila?" ang alanganing tanong ni Bryan kay ate Elena. 

"Sus, huwag mo ng itanong sa akin, di ko rin naman sasabihin. " sagot ni ate Elena sabay tugtog pa ng guitara. Parang kanta pa yung sinabi niya ah.

"di te seryoso?" 

"May dinalaw daw silang kaibigan nila, baka gagabihin ang mga iyon." sagot din ni ate Elena sa bandang huli.

"Sila kuya Ramil at ate Susan nasaan?" ang pahabol na tanong niya.

"May trabaho pa sila, alam mo naman kahit sabado may trabaho pa rin ang mga iyon. Sige at maghahanda lang ako ng mamemeryenda." ang pagtatapos ni ate Elena sa tanong ni Bryan.

"Babe halika, upo ka." anyaya ni Bryan sa akin at itinuro pa ang sofa. 

Tabi daw kami.
Kaya umupo ako sa tabi niya. Napakasaya ng ganitong feeling. Para akong lumulutang sa hangin. 

Nakatingin ako sa guitara na hawak hawak ni ate Elena kanina. Nahuli ako ni Bryan na nakatingin doon.

"Gusto mong matuto?" ang tanong ni Bryan.

"uhm uhm" ikling sagot ko at itinango tango ko pa ang aking ulo.

"uhm uhm, ang cute ah hehe." sabi ni Bryan at itinango tango niya rin ang kanyang ulo tulad ko.

"Tse!" kunwaring taray ko.

"Okay I will teach you babe." sambit ni Bryan sabay dampot sa guitara.

Pagkadampot niya sa guitara ay lumapit siya ulit sa akin at ipinuwesto ang guitara sa aking mga hita. Bahagyang nakayap siya sa akin para maturuan ako kung paano.
Hinawakan niya rin ang aking mga kamay para sa wastong posisyon ng mga ito.

Ninenerbyos ako dahil sa kilig sa mga oras na iyon. Ang mga kamay ko ay unti unting lumalamig.

"Babe dapat malambot lang kasi ang kamay mo, huwag mong tigasan para hindi ka mahirapan." ang unang turo niya sa akin.

"o-okay babe sige." lingon na sabi ko sakanya. 

"linalamig ka yata babe, bakit ang lamig lamig ng mga kamay mo. Mainit naman ah o dahil ba sa akin? Yiiiiih" pang aasar niya at pinisil pa ang aking mga pisngi.

"assumero! Nakatutok kaya sa atin yang electric fan." pagdadahilan ko na kahit na ang totoo ay dahil talaga sakanya at sa pagkakayap niya sa akin.

"ehem ehem ehem, aray ko po inuubo yata ako. Ang sweet sweet niyo ha, naiinggit tuloy ako" ang istorbong sabi ni at Elena  .

"kahit kailan talaga te, panira ka ng moment" sabi ni Bryan na kunwari nadismayado.

"Ohy meryenda muna kayo, para may lakas kayong makagat ng laggam haha" tawang sabi ni ate Elena.

"inggit ka lang nye nye nye" parang batang sabi ni Bryan.

Tapos tumalikod na ulit si Ate Elena pagkalapag ng hinanda niyang meryenda.

Kumain muna kami ni Bryan bago niya ulit ako tinuruan ng mga ibat ibang chords. Mahirap din pala kung baguhan ka, akala ko dati ang dali dali lang.
Ng napagod na ako ay nagkuwentuhan na lang kami.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang dalawa niyang kapatid.
Ipinakilala ulit ako ni Bryan sakanila tulad ng pagpapakilala niya sa amin kanina ni ate Elena.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon