Chapter 2
...
Shane's POV
Dumating na nga ang araw ng Linggo, ang pinakahihintay ng bestfriend kong si Lyca.
Ilang araw din akong kinukulit ng bruhang yon para sumama makiattend ng geb sa clan.
Tumawag siya sa akin para iconfirm kung tuloy ba ako.
"oo na sama na ako" bungad na sagot ko sa tawag niya.
"halla, di pa muna maghello" tawang sagot niya.
"Eh ang kulit mo kasi, alam kong yun nanaman ulit tatanungin mo" kunot noo kong sabi sa bestfriend ko.
Sabay na nga kaming pumunta ni Lyca sa meeting place ng geb.
Simple lang suot ko, naka sandal, skinny jeans at blouse na fitted.
Byran's POV
Kasalukuyang nakikipagkilala ako sa mga member, baguhan kasi ako sa clan na ito. Ng may paparating na dalawang babae na kapwa maganda. Yung isa pandak pero cute siya at balingkinitan ang katawan. Yung isa naman ay medyo matangkad at mukhang chinita. Napako ang tingin ko kay miss chinita. Hindi ko alam kung ano codename niya or pangalan man lang. Nahihiya akong lumapit kasi mukhang masungit. Pero yung kasama niya na pandak pero cute eh hindi yata masungit kasi panay ang ngiti at harutan niya sa mga co-member namin. Siguro matagal na siya, yun ang nasa isip ko.
May naalala ako bigla, umatend kaya yung nakatext ko noong nagdaang araw na zhupladita ang codename? Sino kaya siya? Gusto ko siyang makilala kung sakaling nandito man.
May bumatok sa akin. Medyo masakit din yun.
"Hoy simple guy, pare hanggang tingin ka na lang ba? Lapitan mo kaya!" batok na sabi ng kampay ko na siyang nagpasok sa akin dito sa clan. Siya ang founder namin, si Yawasap.
"Sira ulo, panira ka ng moment!" sigaw na batok ko rin sakanya.
Shane's POV
Ayun nandito na kami ni Lyca sa meeting place. Hinihintay pa namin yung mga ibang member para sabay sabay na kaming pumunta sa venue ng geb. One year pala nila ngayon, este kami pala kasali nga pala ako.
Hindi ako mapakali dito sa kinatatayuan, kasi naman parang may dalawang mata ang nakatitig sa akin. Ok sa AMIN na, masyado yata akong assuming.
Nakakaasar itong bestfriend ko panay harutan niya, samantalang ako tahimik lang at nakikinig sa mga pinaguusapan nila tungkol sa clan. Sabagay ok lang sakanya na makipag harutan siya sa ibang lalaki kasi wala naman siyang boyfriend. Hindi tulad ko meron, tatlo sila. Ewan ko ba kasi sa aking sarili di ako makontento sa isa. Pero atleast I have the limit naman. Di ako makakapayag na mauto nila ako. If you know what I mean.
May narinig akong malakas na boses.
"Hoy simple guy, pare hanggang tingin ka na lang ba? Lapitan mo kaya?" sabi ng isang lalaki sabay batok sa lalaking kanina ko pa napapansin na nakatingin sa akin or sa amin. Assumera .
"sira ulo, panira ka ng moment" balik batok niya rin sa lalaking bumatok sakanya.
Natawa ako kasi ganito kami ng bestfriend ko.
Pero wait, anong sabi nung lalaking bumatok? Simple guy sabi niya sa lalaki?
Napakunot ang noo ko.
Tandang tanda ko pa yung nakatext ko noong nagdaang araw na sinungitan ko.
Oo di ako maaaring magkamali.
Nadako ang tingin sa akin ni Lyca. Ahys buti naman, naoop na ako.
"ohy napakunot noo ka" sabi niya sa akin, at yung noo ko pa talaga ang unang napansin.
"Sino yun" sabi ko sakanya sabay turo sa dalawang lalaking nag-uusap. Nagbabatukan parin ang dalawa.
"Ah iyang nakawhite, yan ang founder natin. Yawasap ang codename." sagot sa akin ni Lyca.
"Eh how about yung naka red?" tanong ko ulit, kahit alam kong si simple guy iyon.
"Lapitan kaya natin at tanungin mo, kasi maging ako di ko din alam." panunudyo niya sabay hila sa aking kamay.
"Ngek ayaw ko nga, pangit tignan noh na babae ang lumalapit." sabi ko sabay bawi ng kamay ko.
"Zhupladita ka talaga!" malakas na sigaw ni Lyca na nakangiti.
Sa pagkakasabi ni Lyca ng codename ko, parang nagulat yung lalaki na kanina pa nakatingin sa akin, si simple guy.
Napatingin ako sakanya. Nakatingin parin siya sa akin. Nagsalubong ang mga mata namin. Pero ako ang dali daling umiwas sa tinginan na iyon.
Huwag kang lumapit, bulong ko sa aking sarili. Abay ta parang nang aasar. Nabasa niya yata ang sinasabi ng aking mga labi.
Huwag kang lumapit sabi ko sana ulit. Ng tuluyang nakalapit na siya. Inilahad niya ang kanyang mga kamay. Na sa tingin pa lang ay kay lambot na.
"Hi, I'm simple guy, and you are??" tanong niya na nakangiti pa.
Hindi ko pinansin yung nakalahad na kamay niya. Ano gagawin ko sa kamay niya? Isasampal sa mukha ko? No way!
"She is zhupladita, and I'm cutiegurl" si Lyca ang sumagot, so cutie gurl pala ang codename ng bestfriend kong to natawa ako. Tapos kinuha ni Lyca ang kamay ko at ishinake hands sa kamay ni simple guy.
Pakipot effect naman daw ako.
"pren ano ba!" tutol na sabi ko sa kaibigan ko pero patuloy ko namang ishineshake hands kamay ko.
"ano ba! kamo, eh ano yan! Sabi sa akin sabay tingin sa mga kamay namin.
Ngimiti ulit si simple guy, may dimple pala siya. Hang cute .
Pagkatapos nun lumayo ako sakanya.
Maya maya pa ay kompleto na kami. At sabay sabay na nga kaming pumunta sa venue.
BINABASA MO ANG
One True Love
Novela JuvenilOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...