Chapter 17
Author's POV
Magmula ng napulot at isoli ni Reymond ang cellphone ni Shane ay doon na rin nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa.
Noong una ay nag-aalangan pa ang dalaga baka may binabalak lang ang lalaki sakanya.
Ngunit nawala din ang agam agam na iyon ng tumagal pa ng dalawang buwan ang pagkakaibigan nila.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Shane, si Reymond pala ay mayroong itinatagong damdamin para dito.
Mula pa noong makita ni Reymond ang picture nito sa cellphone ng kaibigan niyang si Bryan ay humanga na siya. Napaka angelic naman kasi ng face niya at chinitang mata, idagdag pa ang katawan niyang mala coca-cola.
At mas lalong nadagdagan ang paghanga ni Reymond kay Shane ng tuluyang maging magkaibigan na nga sila.
Kaya naman pala noong humiling si Bryan na pakibantayan niya muna si Shane ay dali dali itong nag-OO.
Kaibigan lang ang turing ni Shane para kay Reymond at hindi na lalagpas pa iyon ng mas higit sa kaibigan.
Marami na din ang nanliligaw ulit kay Shane mula ng malaman nilang single na ulit ito. Maging ang kanyang mga dating naging boyfriend ay nakikipagbalikan sakanya.
Subalit di niya pinapansin ang mga palipad ligaw na iyon. Wala siyang paki kahit sino pang ponsiyo pilato ang manligaw sakanya.
Kahit pa mala artista ito ay wala siyang paki.
Dahil isinarado na niya ang kanyang puso para dito.
Dahil ang puso niya ay para lamang sa lalaking pinakamamahal niya.
Para lamang iyon kay Bryan at walang sinoman ang makakapagbukas muli non kundi si Bryan lamang.
Isang araw ay di nanga mapigilan ni Reymond ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Shane. Alam niyang mali ito dahil kaibigan niya ang pinagtratraydoran niya.
Noong una, linabanan naman niya na huwag tuluyang mahulog ang loob niya sa dalaga. Subalit tila mapaglaro ang tadhana at pilit na tumitibok ang puso nito.
Tryador na kung traydor pero di na talaga niya ito mapigilan.
"Sorry Bryan!"ang nasambit ni Reymond sa kanyang sarili.
"Shane, may ipagtatapat sana ako sayo." ang lakas loob na sabi nito kay Shane ng nasa salas ng bahay ng dalaga ang mga ito.
Dumadalaw na rin kasi minsan si Reymond doon para mas lalo siyang mapalapit kay Shane at sa pamilya nito.
"Anu yun?"ang tanong ni Shane.
"paano kung sabihin ko sayo,...na..." putol na sabi ni Reymond.
"Na?" ang tanong ni Shane na ikinunot pa ang noo nito.
"Na mahal na kita!" pagpapatuloy ni Reymond.
"ah..yun lang pala eh. Mahal din naman kita eh.....as a friend." sambit ni Shane.
"Mahal kita Shane, more than a friend." sabi nito sabay lapit kay Shane.
"Sorry pero mas mabuting ituon mo na lang yang nararamdaman mo sa iba Reymond. Dahil di ko lang din masusuklian yan. Sorry pero hanggang kaibigan lang turing ko sayo" sabi ni Shane sabay tayo at lumayo sa lalaki.
"Bakit Shane?" tanong ni Reymond.
"Kasi kaibigan nga lang kita. Kaibigan lang ang tingin ko sayo.
At hanggang doon lang tayo.
Kasi may mahal na ako. Kasi may nagmamay-ari na ng puso ko. Kasi sakanya ko lang inilaan ito. At...at mahal na mahal na mahal ko siya. At...at walang sino man ang makakapalit sa pwesto niya." mahabang paliwanag ni Shane sa lalaki at pinipigilang pumatak ang mga luha.
"Pero....sigurado ka bang ganun din siya sayo? Sigurado ka bang ikaw lang din ang tinitibok nito? Sigurado ka bang parehas lang kayo ng nararamdaman Shane? Nasaan ba siya? Bakit tila wala naman yata?" ang luhaang sabi ni Reymond at lumapit pang muli kay Shane at maagap na hinawakan ang kanyang kamay.
Mahal na mahal niya talaga ang dalaga at gagawin niya ang lahat mahalin lang din niya ito.
"wala akong pakialam Reymond kung mahal pa rin niya ako o hindi. Hindi na mahalaga sa akin kung parehas parin kami ng damdamin. Ang sa akin lang ayaw ko ng umibig pa kung hindi lang rin siya ang aking iibigin. Sinarado ko na ang puso ko para diyan..dahil para lang talaga sakanya ito. Sorry pero mas mabuti pa sigurong di mo na lang pinagtapat sa akin ang iyong nararamdaman. At kung nasaan man siya ngayon kaya wala na sa aking tabi, isa lang ang tanging hiling ko....sana nasa mabuti siyang kalagayan." Mahabang litanya ni Shane, at lumayong muli kay Reymond.
"Kung sakaling...di mo na siya mahintay. Shane nandito lang ako, naghihintay para sayo.. Shane bigyan mo naman sana ako ng konting puwang diyan sa puso mo! Shaneeeee!" ang paki usap ni Reymond.
"Sorry Reymond. Pero hanggang kaibigan lang talaga turing ko sayo."
"Maghihintay ako Shane."
"Salamat,,pero sorry talaga ibaling mo na lang sa iba." sambit ni Shane at tuluyan na niyang iniwan ang lalaki at tinungo ang kwarto nito at nilock pa.
Agad naman siyang sinundan ni Reymond at kumatok pa sa pinto nito ng tuluyang sinarado na ni Shane ang pinto.
"Shane." sigaw na tawag ng lalaki.
"Reymond, umuwi ka na! Parang awa mo na. Please! Wala rin patutunguhan ito, sinasabi ko sayo!" sigaw din ni Shane.
At umalis nga si Reymond sa bahay nila Shane na bigo at sawi. Ngayong lang ulit siya iibig, kung bakit sa tao pang kaibigan lang ang turing.

BINABASA MO ANG
One True Love
Ficção AdolescenteOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...