Chapter 3

207 14 6
                                        

Chapter 3

...

Shane's POV

Lumabas ako sa bahay na venue ng geb ng clan namin. Bahay pala nila founder ang venue.

Ang ingay ingay ba naman kasi, sobra kung makatili ang mga haliparot na mga babaeng to. Nag gui guitara at kumakanta kasi si simple guy kanina. Oh well, magaling siya, at isa iyon sa mga gusto ko sa isang lalaki. But who cares, makalabas nga muna. Tyaka tinitignan nanaman niya kasi ako eh, nahuli ko kaya.

Bryan's POV

Wala akong paki alam sa tili ng mga babae sa akin, kung ang isang iyon oh na babaeng masungit na nakaupo parang walang paki alam din. Ayz kainis lumabas pa. Baka di niya gusto yung boses ko. Di naman ako pumiyok ah. Inaawit ko pa man din yung Changes In My Life.

Itinigil ko ang pagkanta at pag-gui guitara ko. Nawalan ako ng mood.

Gusto ko siyang makausap ulit para makilala ko pa siya ng lubusan pero masungit talaga.

Pero naisip ko, kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan.

Shane's POV

"Dito ba sa kinaroroonan ko ang punta niya? Kainis naman! Balik na nga ako sa loob, nasaan ba kasi ang Lyca na yon para uwi na kami" sabi ko sa isip isip ko ng makita kong papalapit si simple guy/Bryan sa akin.

Yung mga paa ko, gustong umalis pero ayaw ng katawang lupa ko. May kung anong nagsasabing huwag muna akong umalis. Oh, eh di huwag.

"Hi miss Shane." Bungad na bati niya sa akin.

"F.Y.I. zhupladita po!" tinig ko na itinaas ko pa ang isang kilay ko.

"Yah, I know but I want to call you with your real name." ngiting sagot niya. Busit, yan nanaman ang dimple niya. Kumakabog nanaman dibdib ko.

"And so!" taray na sagot ko.

"Miss, bakit ba ang taray mo, masama bang makipagkilala or makipag kaibigan man lang? Sila oh panay ang tili at hiyawan dahil sa akin, tapos ikaw 'and so' lang?" yabang na tanong niya.

"Alam mo di ka lang papansin noh? Mayabang pa. Hey simple guy, a.ka. Mr.yabang ibahin mo ako sa kanila, good bye!" sungit ko ulit sakanya at eksaktong tatalikuran ko na sana siya ng hinawakan niya kamay ko

"please can we talk? Ok I'm sorry kung nayabangan ka. Sinasabi ko lang kasi yung totoo. Can you please give me a chance to know you more?" tanong niya na nakahawak pa rin kamay niya sa mga kamay ko. At lumuhod pa. Abay ta sincere ang peg. No, kunwari niya lang to.

Sa totoo lang, the first time I saw him may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko alam pero na-attract agad ako sakanya. Kaya nga iniiwasan ko hanggat maaari kasi ayaw kong may madagdag nanaman sa collection ko. Ang bad ko, nagui guilty tuloy ako.

Nakita kami ng mg co-member namin. Hiyawan sila.

"Woooooo may bagong loveteam yata ang clan natin guys" sabi ng lalaking di ko kilala.

"wooo match na match." sabi pa ng isa.

Bryan's POV

Ngayon lang ako lumuhod at nagplease dahil sa isang babae. Ngayon lang ako habol ng habol at nagpapapansin dahil sa babae.

Sanay ako na ako iyong hinahabol, at babae ang nagpapapansin sa akin.

Pero ito, itong babaeng ito na nasa harap ko, sakanya ko lang nagawa ito.

At handa kong gawin ang lahat bigyan niya lang ako ng chance na magkapagkilala pa kami ng lubusan at maging mag kaibigan. At kung papalarin magka-ibigan na din hehe.

"Kiss na" sigaw ng kampay ko na si yawasap.

Tinignan ko si Zhupladita/Shane, inirapan niya si yawasap.

Ang cute niya talagang umirap, nakaka inlove.

Nang biglang dumako ang mga tingin niya sa akin na matatalim.

Na mas matalim pa sa kutsilyo.

Imbes na matakot ako ay linakasan ko pa ang loob ko. Masakit na rin ang tuhod ko na nakaluhod, pero sabi ko naman kaya kong gawin ang lahat pumayag lang siya.

"Hoy ikaw! Tumayo ka na nga diyan!" sigaw sa akin ni Shane.

"Ayaw!" sagot ko at tumingala pa ako sa kanya.

"Bakit ayaw mo, huy tumayo ka nga para kang sira. Di ka ba nahihiya!" sigaw niya ulit na medyo maalumanay naman ang tinig.

"Ok, sige. Tatayo lang ako dito kung payag ka ng makausap kita at magkakilala pa tayo ng lubusan. Please?" pagmamakaawa ko kay Shane.

"Oo." ikling sagot lang niya.

"Anong oo! Klaruhin mo." demand na sagot ko.

"Oo na, payag na! Kaya pwede ba tumayo ka na nga!" sabi ni Shane sabay tayo na nga ako. At binitawan niya kamay niya sa pagkakahawak ng kamay ko.

Shane's POV

Nakakainis tong lalaki na to, di na nahiya. Pero gusto ko yung ginawa niya ha hehe. Hmmmm.

So panu ba yan, parang di ko yata siya kayang iwasan. Ahys bahala na si batman.

Nag-usap nga kami tulad ng gusto niyang mangyari.

Joker pala siya, na isa nanaman sa mga gusto kong katangian sa isang lalaki. Joker din kasi ako.

Nakapagpalagayan kami ng loob, kahit na tinarayan ko siya sa text noon at sa ngayon.

Ilang sandali pa ay maghahapon na, niyaya ko na si Lyca na umuwi na kami.

Nagpaalam na rin kami sa ibang member at kay simple guy/Bryan.

"Hatid ko na kayo." ang magiliw na offer ni Bryan.

"ok, sig--" putol na sagot ni Lyca.

"Huwag na, ok lang kami." agaw na sumbat ko.

"Sige na, ito naman, akala ko ba friend na tayo?" hiling ulit ni Bryan.

"ok" ikling sagot ko na lang.

Hinatid nga niya kami hanggang sa sakayan. At masaya ako sa araw na iyon.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon