Chapter 11
Author's POV
Samantala nagtataka si Shane kung bakit di na nagpaparamdam si Bryan, isang linggo na rin niya itong di makontak ang numero niya. Namimiss na niya ang kasintahan. At hindi niya alam kung ano na ba ang nangyayari dito. Hindi niya alam kung nakakakain o nakakatulog ba ng maayos ito.
Nais niya itong puntahan sa lugar nila para malaman ang kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit nakalimutan na niya kung paano pumunta sakanila. Mula kasi noong pinasyal siya ni Bryan sa kanila ay di na naulit pa yun. Sa kadahilanang busy talaga siya sa eskwelahan nila. Kayat si Bryan na lang ang pumupunta sa lugar ni Shane para makita nito ang dalaga.
Nagdadalawang isip si Shane kung makikipagsapalaran ba siyang pumunta sa lugar nila Bryan at magtanong tanong na lamang sa mga tao dun, o maghihintay na lang siya na baka one of this day eh susurpresahin siya ni Bryan tulad ng ginagawa nito.
Ilang saglit pa ay nagdesisyon rin siyang pumunta na lang.
Ng makarating na siya ay nagtanong tanong siya sa mga tao doon kung may kakikilala ba silang Bryan Agoncillo. Ngunit sa kasamaang palad ni isa sa mga tao doon ay di nila kilala ang tinutukoy ng dalaga. Paano ba naman kasi ay Yanyan ang alam ng mga tao doon na pangalan ni Bryan.
Lingid sa kaalaman ni Shane ay kanina pa pala siya minamatyagan ni Bryan.
Lumulundag ang puso niya ng makita nito ang dalaga, pero naisin man niya itong lapitan para mayakap at makausap ay di niya pwedeng gawin.
Umuwing sawi si Shane sa kanila.
Nalulungkot na siya sa nangyayaring ito sakanya, sa kanila ni Bryan.
Dinial niyang muli ang numero ng kasintahan baka sakaling magring na, pero ganun parin, can not be reach pa rin.
"Bryan! Nasaan ka na ba! Akala ko ba ay mahal mo ako at di iiwan kahit kailan! Bryan!" ang sigaw na umiiyak ni Shane sa kanyang kuwarto.
Narinig ito ng ina niya, kayat tinungo nito ang kwarto ng dalaga.
"Shane anak, ok ka lang ba?" ang nag-aalalang tanong nito sa anak.
"Ma huhuhu" iyak nito sabay yakap sa ina niya.
"Si Bryan di na nagpaparamdam. Di ko alam kung ano na ba nangyayari sakanya. Kinakabahan ako Ma."tuloy na sambit ni Shane na luhaan pa rin.
"Anak, tahan na. Malay mo baka mamaya andiyan na pala sa pintuan. Okay?" pagpapanatag nito kay Shane.
"Pero iba ang nararamdaman ko Ma. Sana di tama ang kutob ko na may nakita na siyang iba, na mas okay kaysa sa akin." sabi ni Shane sabay pahid ng luha.
"Busy lang siguro o di kaya walang lod. Magiging okay din ang lahat. Okay?
Tumango na lamang ang dalaga.
---
Lumipas pa ang dalawang linggo ay ganun pa rin. Wala pa rin siyang natatanggap na mensahe o tawag man lang galing kay Bryan.
Sa kabilang banda, nag-iimpake na ang buong pamilya ni Bryan.
Dalawang linggo na lang kasi ay lilipad na sila papuntang America.
May naisip si Bryan, na kahit nasa America sila ay alam pa rin nito ang nangyayari kay Shane. Kaya naman tinawagan nito ang matalik na kaibigan niyang si Reymond.
"Hello brad" tinig ni Bryan.
"Uh brad, napatawag ka. Malapit na ang alis niyo ah." Sagot sa kabilang linya ng kaibigan nito.
"oo brad nakakalungkot nga, may hihilingin lang sana akong pabor sa iyo kung ok lang." sabi ni Bryan.
"Ano yun brad. Sige ok lang, ikaw naman parang di naman tayo magkaibigan."
"Diba kilala mo yung girlfriend ko?" ang tanong ni Bryan.
"oo. Si Shane My babe mo ba? " pagsisigurado ni Reymond.
"Ano ka ba brad, siya lang naman ah. Oo siya nga. Ano kasi..gusto ko sanang ipabantay siya sayo. Gusto kong kahit nasa America ako ay alam ko pa rin kung kumusta na siya at ano ng kalagayan niya" hinging pabor ni Bryan.
"Very easy brad. Yun lang pala. Basta para sayo brad, makakaasa ka. Hayaan mo kapag makita ko na ni isang langaw na dumapo sakanya sasabihin ko sayo" pagbibiro pa nito. Alam niyang malungkot ang kaibigan niya kaya pinapatawa niya ito.
"loko loko ka talaga brad. Pero sige gusto ko iyan. Pero huwag na huwag mong hahayaan na malaman ni Shane na binabantayan mo siya ah. At kung sakali mang malaman niya ay huwag na huwag mong sasabihing ako ang may pakana! Please brad." hiling muli ni Bryan.
"Makaasa ka." sagot ni Reymond.
"At ito pa, last ay huwag na huwag mong hahayaan na may makalapit sakanya na lalaki at manligaw sakanya ah. Kung may nagbabalak na manligaw sakanya dispatsyahin mo na.. Hehe." pilit na tawang sabi ni Bryan.
"Tapos, ako yung makukulong kapag nadispatya ko, ganun ba yun brad! Haha." tawang sabi rin ni Reymond.
"Syempe............ joke ko lang yun ano ka ba. Sige brad bye na. Basta ikaw na ang bahala sakanya ah. Babalik din ako at magiging okay at magiging masaya kami ulit. At salamat brad, hayaan mo balang araw makakabawi din ako sayo" pamamaalam ni Bryan sa tawag na iyon.
"Ok brad sige sige. What is friends for, ano ka ba sige bye at happy trip. Get well soon. Sige sige bye." pamamaalam na rin ni Reymond.
Sumilay ang ngiti sa mukha ni Bryan. May tiwala siya sa kaibigan kaya sakanya ito pinagkatiwala ang pagiging mata niya muna habang wala siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/25180462-288-k316619.jpg)
BINABASA MO ANG
One True Love
أدب المراهقينOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...