Chapter 6

153 13 0
                                        



Chapter 6

Shane's POV
Nasanay akong kada Lunes ay pinupuntahan ako ni Bryan sa eskwelahan namin.
Pinapayagan na din siya ng mga guard namin na makapasok, "suki" nga ang tawag sakanya.
Kaya naman blooming na blooming ako tuwing lunes.

Ngunit kakaiba ang lunes na ito dahil ni anino ng Bryan na yan ay hindi ko nahagilap.
Nakaramdam ako ng lungkot ng sandaling iyon.
Pero naisip ko, sino naman sana ako para mag inarte ng ganito? 
Di naman pala kami.

Umuwi akong malungkot sa bahay ng araw na iyon.
Mag isa pa akong umuwi kasi ba naman ang kaibigan kong si Lyca ay busy daw.
Nawalan ako ng sigla, hinihintay ko pa naman siya.

Pagdating ko sa bahay wala doon si mama at si papa, pati na rin ang dalawa kong kapatid.

"ahys! Ano ba naman to! Malas yata ang araw na to sa akin! 
Ang lungkot lungkot hmp.
Wala pang katao tao dito sa bahay, saan ba nagpunta ang mga iyon!" sabi ko sa aking sarili at tinungo ko ang aking kwarto para makapag shower at makapagbihis na.

Ilang sandali pa ay may kumakatok.
Sila mama na siguro iyon, pero alam kong may duplicate naman sila.
Ganun pa man tinungo ko pa rin ang pintuan para malaman kung sila na nga.

"sandali lang po, andiyan na." tinig ko.

Pagbukas ko ng pintuan, para akong nakakita ng artista at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan.
Hindi ko lubos akalain na si Bryan pala iyon.
Paano niya nalaman ang bahay namin? 
yaka ano ang ginagawa ng taong ito dito, mag hahapon na ah.
Yung lungkot na nararamdaman ko kanina, ay napalitan ng saya. Ang saya saya kasi ang akala ko matatapos ang araw na iyon na hindi ko man lang siya nakita.

"hello shane good afternoon!" bungad na bati niya.

"Br-Bryan! Ikaw pala, paano mo? . ." naputol ang iba ko pang sasabihin.

"Hello pren!" kaway na sambit ni Lyca.

Sinasabi ko na nga ba eh.
Partner in crime talaga ang dalawang to.

"Pasok kayo" anyaya ko sakanila.

"Mauna na ako Bryan ha, ikaw na ang bahala diyan.
Kaya mo yan dude! Aja" sabi ni Lyca at nag aja sign pa talaga! Tinatawag ko siya na bumalik pero di man lang lumingon ang loka. 

"Goodluck" iyon ang huling kataga ni Lyca habang papalayo na siya sa aming bahay.

"anong ginagawa mo dito! Baka mamaya madatnan ka nila mama, kung ano pa ang isipin nila!" kinakabahang tanong ko.

"Don't worry hindi naman siguro. Tyaka di naman ako magtatagal may gusto lang sana akong ibigay at sabihin sayo." sagot niya at may inilabas sa bag niya.

Nakalagay sa box ang bagay na iyon. Ng buksan niya ang box ay naglalaman pala ito ng bracelet na may nakalagay na puso at pinagdugtong na pangalan namin.
Isinuot niya iyon sa kamay ko. Nagkadikit ang mga braso namin. Ramdam ko yung init sa aking pisngi at ang puso ko ay parang tinatambol sa oras na iyon. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Bryan, nakaka akit yung mata niya. Para akong matutumba kapag ganitong nagsasalubong ang mga mata namin.

"Br-yan." ikling sambit ko sa pangalan niya.

"Shane, I love you." malumanay na nakakakilig ang boses na iyon ni Bryan at lumuhod pa pagkasabi non.

"Bryan." maikling sambit ko ulit sa pangalan niya saka ako tumalikod sakanya. 

"Shane" sambit niya sa pangalan ko, saka niya hinila konti yung mga kamay ko na ikinalingon ko ulit sa harap niya.

"Shane will you be my girlfriend?" tanong niya na ikinalundag ng puso ko.

"pero!.,., Bryan di ako deserving sa'yo" sabi ko na iniwas ko ang tingin ko sakanya. Naalala ko kasi yung pagiging playgirl ko noon. Baka kasi hindi niya ako matanggap sakaling malaman niya na ganun ako dati.

"Why?" maikling tanong niya na tumayo na pero hawak pa rin niya ang mga kamay ko.

"I'm a playgirl before, user and cheater." nahihiyang pag-aamin ko sakanya.

"That was you before Shane, tanggap kita. Tanggap ko kung ano ka man dati. You deserve a second chance. Wala namang taong perpekto diba? So please? Will you be my girlfriend Miss Shane Hidalgo, a.k.a zhupladita?" tanong niya ulit. Tama ba ang narinig ko, na tanggap niya yung dating ako?

"yes! Yes Bryan!" galak na sigaw ko sakanya.

"Shane, sampalin mo nga ako, baka nanaginip lang ako." sabi niya sabay kuha ng mga kamay ko para isampal sa mga pisngi niya.

"abnormal! Gising na gising ka uhy! Hahaha." tawang sabi ko.

"woooooh! Congrats, sa wakas nasabi mo rin" ang sigaw ni Lyca. Loka talaga to, akala ko umuwi na .

"ahy nako, mas lalong magiging blooming nanaman ang anak ko Bryan, ngayong kayo na nga." Sunod na sigaw sa galak naman ni mama na lumabas galing sa kusina.

Kanina pa ba kaya sila doon?
Pinagplanuhan talaga to.
Tinignan ko si Bryan, nakangiti ang loko. 

"Salamat po tita, tito sa pagbibigay niyo ng permiso na maging girlfriend ang babaeng unang nagpatibok ng aking puso." ang magalang na pasasalamat ni Bryan sa mga magulang ko.

"Lyca salamat sa tulong mo hehe." nakangiting sambit naman niya kay Lyca.

"and to you my one and only Shane, thank you and I love you. Pinapangako ko di kita sasaktan." sabi niya sa akin sabay hawak sa aking pisngi.

"ehem ehem" ang sabay sabay na ubo nila.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon