Chapter 13
Shane's POV
Pasukan nanamang muli, at hindi ko alam kung maeexcite ba ako o hindi.
Siguro excited kasi makikita ko ng muli ang mga naging kaibigan ko sa aking kurso. Mga guro namin na walang sawang magturo para kami ay matuto.
Excited dahil nasa pangalawang taon na rin sa wakas at marami nanaman akong matutunan.
Ngunit di ko maikakaila sa aking sarili na ako'y nalulungkot.
Nalulungkot dahil wala ng Bryan sa aking tabi.
Ang hirap pala kapag sinanay ka ng isang taong sobrang mahal mo.
Yung bang pinadama niyang mahal na mahal ka at mahalaga ka sa kanya.
Yung bang sinanay ka niyang laging pinapakilig, sinusurpresa at pinapasaya.
Tapos hanggang isang araw ay di na pala mangyayari ulit ang mga bagay na ginagawa at pinapadama niya dati.
Ang hirap....ang hirap magmove-on... Ang hirap niyang kalimutan.
Ang hirap niyang iwaksi sa aking isipan.
Akala ko matatag akong tao..akala ko kaya kong makipaglaro.
Pero hindi pala lahat ay kaya ko. Dahil ng dumating siya sa aking buhay ang lahat ay nagbago. Binago niya yung dating ako na mapaglaro sa larangan ng pag-ibig. Binago niya ang puso ko, ang utak ko, ang pananaw ko at ang buhay ko.
Sabi ko dati noong kami pa at palaging masaya, na...ang sarap pala talagang mainlove. Yung tipong gigising ka na nakangiti. Matutulog na nakangiti. Maging sa panaginip nakangiti pa rin.
Subalit, binabawi ko na ang lahat ng iyon. Binabawi ko na...na hindi pala sa lahat ng pagkakataon sa isang relasyon ay masaya minsan masakit din pala.
Dahil simula ng iniwan niya ako at kusa siyang umiwas, masasabi kong masakit din pala ang magmahal. Masakit..sobrang sakit.
Yung tipong paggising mo iiyak ka, hanggang sa matutulog ka na umiiyak padin, tapos paggising mo ang lahat ng luha ay naging muta na.
"hui pren, magsalita ka naman diyan." sita ng aking bestfriend na si Lyca ng nasa canteen na kami ng eskwelahan namin.
Kahit hindi na kami magkakurso ay sabay parin kaming nagmemeryenda. Hindi pwedeng iba ang kasama niya o iba ang kasama ko.
"Ahh... Oo..ano na ulit yung sinasabi mo?" may sinasabi pala siya, pano ba naman kasi parang di na nagfu-function ang lahat ng parte ng katawan ko.
"Wala! Sabi ko ang pangit mo hmp!" kunwaring lait niya sa akin.
"Oh di ikaw na ang maganda, hiyang hiya naman ako sayo teh!" sagot ko sakanya.
"Hindi naba talaga nagpaparamdan sayo si Bryan? Sayang naman kayo! Bagay na bagay pa kayo ehh!" tanong ni Lyca. Bigla nanaman nadagdagan yung lungkot na nararamdaman ko kanina.
Isang iling lang ang sinagot ko sa tanong niya.
"ahysssss... naman." sambit ni Lyca na nagsad face pa.
"Hmp. Huwag nga siya ang pag-usapan natin. Unfair naman para sa akin na halos mabaliw na ako ng dahil sakanya, tapos siya masayang masaya na pala. Ahysss tama na.
Oh eto kainin mo na lang ito ng mabusog mga alaga mo!" sabi ko sabay abot ng isang plato ng pancit palabok.
"Eh...what if pren, kung.."
"Hmmmm kainin mo na lang yan." agad na sabi ko para di na niya maituloy pa ang gusto niyang sabihin. Sabay subo ko sa bunganga niya ang isang loaf bread.
Ginantihan naman niya ako at isinubo rin sa aking bunganga ang isang loaf bread din. Nagtawanan kaming magkaibigan. Kahit papano ay naibsan ang lungkot na aking nararamdaman. Buti na lang at nakilala ko ang isang kaibigang tulad niya. Na kayang sabayan ang ugali ko.
Bryan's POV
Isang linggo na ang lumipas buhat ng pumunta kami dito sa America. Ang lungkot..sobrang lungkot. Kung hindi lang dahil sa sakit kong ito ay wala sana kami dito.
Hindi sana kami nagkalayo ni Shane.
Hindi ko sana siya nasaktan ng di man lang ako nagpaalam at sinabi sakanya ang katotohanan.
Hindi rin sana ako nasasaktan ngayon dahil sa nangyari sa aming relasyon.
Hindi ko alam kung meron pa ba akong babalikan.
Pero alam ko at naniniwala akong maaayos din ang lahat.
Kumusta na kaya siya? Sana nasa mabuti siyang kalagayan.
Dinampot ko ang aming telepono at tinawagan ang kaibigan ko na si Reymond.
"Hi brad! Oh ano kumusta napatawag ka?" sagot ng aking kaibigan sa tawag ko.
"medyo ayos naman brad. Sa isang linggo na daw ang operasyon ko. Ikaw kumusta na? Si...si Sh..Shane kumusta? May balita ka na ba tungkol sakanya?" sabi ko kay Reymond.
"Ayus lang naman brad, pero parang laging malungkot si babe mo. Pero maganda pa rin siya brad ah, kahit na malungkot na ang kanyang itsura! Ang swerte mo talaga brad!" ang magiliw na sagot ni Reymond sa tanong ko.
Wala akong masabi sa sinabi niyang iyon. Para akong napipi at di makasagot.
Alam kong ako ang dahilan kung bakit palagi na lang daw malungkot si Shane.
Sabihin ko man pala sakanya o hindi ang totoo ay ganun parin pala ang naging kinalabasan, pero tapos na at kailangan kong panindigan ito.
Maya maya pa nagsalita rin ako.
"Salamat sa papuri brad! Ikaw na munang bahala brad ah. Sige at magpapahinga na muna ako. Tatawag na lang ulit ako sayo." ang pamamaalam ko na sa kaibigan ko dahil tila gusto nanamang pumatak ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
One True Love
Roman pour AdolescentsOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...