Chapter 5

163 13 0
                                        

Chapter 5

Shane's POV

Nasa salas ako ng bahay namin at nagmumuni muni, ng madaanan ako ni mama.

"May problema ka ba?" basag tanong ni mama sa katahimikan ko.

"malaki po." magalang na sagot ko.

"Gaano kalaki?" ang pilosopong tanong niya. Kaya no doubt kung bakit pilosopo ako, may pinagmanaan po.

"Ma, sige na please payag ka ng magshift ako sa kursong gusto ko. Please, please my beautiful and sexy ever mudrabells?" pagmamakaawa ko kay mama.

"sus inuuto mo nanaman ako para pumayag ako eh, pero kung yun ang ang gusto mo, sige payag na ako. Mali din naman ako na ako ang pipili ng gusto mo. May isip ka na at alam mo na ang mabuti at masama. Alam mo na kung saan ka masaya anak. Kaya kung saan ka masaya, sige suportahan ta ka." mahabang litanya ni mama na ikinatuwa ko. Yes!

"Thank you Ma." pasasalamat ko sakanya.

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni mama ay nabunutan na ako ng tinik. Pero hiling niya lang ay tapusin ko na lang daw itong sem na ito. Ok lang sa akin, maliit na panahon na lamang iyon.

Agad kong tineks si Bryan at si Lyca na BSBA na ako next sem.

Malungkot na masaya ako. Malungkot kasi di na kami magkacourse ng bestfriend ko. At alam kong malungkot din yun. Masaya kasi pumayag na si mama.

"Congrats" ang parehong reply nila.

Kinabukasan ng nasa daan na ako papuntang school namin ay nakasalubong ko yung isang boyfriend ko. Cedric ang pangalan niya. Part time model siya may itsura din kasi.

Natural nagulat nanaman ako, hindi ko kasi inexpect na makikita ko siya. Sabi niya kasi last night nasa Tarlac siya dahil doon siya nag-aaral. Sinungaling!

Wala akong saya na naramdaman ng makita ko siya. Hindi tulad kahapon ng dalawin ako ni Bryan, abot hanggang langit ang saya sa aking pakiramdam.

Niyaya niya akong kumain sa isang fast food. Pinaunlakan ko naman. Namiss daw niya ako. I miss you too sabi ko na lang kahit hindi true.

Habang kumakain kami at nagkukwentuhan tungkol sa buhay buhay namin, ay hindi ko alam kung bakit tila pinakakaisahan ako ng mundo. Tila mabubuko na ang mga kalokohang matagal ko ng pinag gagawa sa kanila.

Hindi ko alam kung sadya ba ito o talagang panahon na para matigil na ang kawalang hiyaan ko.

Nakita ko lang naman kasi yung isa ko pang boyfriend na naka upo sa loob din mismo ng fast food na kinaroroonan namin ni Cedric. Malapit lang siya konti sa pwesto amin. Tila may hinihintay siya at may hawak na cellphone. Siya si Carlo.

Hindi ako nagpahalata sa boyfriend na kaharap ko.

"Excuse me, CR lang ako" pamamaalam ko sakanya at para makaiwas na din, baka madako ang tingin ni Carlo sa amin.

Nang nasa cr na ako, nakahinga ako konti ng maluwag. Dinampot ko ang aking cellphone, para humingi ng saklolo kay Lyca.

Nagrehistro ang pangalan ni Carlo. Ako pala ang tinatawagan niya. Akala ko iba at parehas lang kami na manloloko.

Panay text niya sa akin na magkita daw kami sa fast food na kinaroroonan niya. Ahy naku kung alam niya lang, nandito na ako haha. 

Miss na miss na daw niya ako, kaya kahit malayo ang lugar nila sa lugar namin ay ok lang, makita niya lang ako at makasama.

Hmp, I don't care. Wala akong kilig na naramdaman ng mabasa ko ang mga iyon, hindi tulad kapag si Bryan ang nagtetext. Para akong kinukumbolsiyon kapag message niya ang aking nababasa. Bryan nanaman ang bukambibig ko, kaylaki na nga ng problema ko.

Napaisip ako, hindi kaya baka nandito din yung isa ko pang boyfriend na nag aaral lang din malapit sa eskwelahang pinapasukan ko?

Para makasigurado tineks ko siya kung nasaan siya.

Agad namang nagreply, nasa eskwelahan daw. Salamat naman.

Habang nag iisip ako, kung paano ko ito malalampasan ay tumawag si Lyca.

"Bakit? Anong nangyari sayo? Sinaktan ka ba nila? Ilang piso ang nahold-up sayo? Wala akong pangraransom." bungad na sabi niya sa kabilang linya.

"nakakagulat ka naman pren! Di yon, nandito sa fast food sina Carlo at Cedric, paano ko matatakasan?" kinakabahang tanong ko kay Lyca.

"Abay di umuwi ka na, yun lang pala problema mo eh. Uwi na dali, pero bilhan mo muna ako ng hamburger at french fries!" sagot niya.

"Ganun kadali?, eh paano si Cedric, nagpaalam nga lang ako sakanya na mag CCR lang ako?" tanong ko ulit, di ko na talaga alam ang gagawin ko noon.

To short the story, umuwi nga ako ng bahay tulad ng payo ni Lyca. Pero hindi doon mismo sa bahay namin, kasi alam ni Cedric dun. Doon ako kila Lyca tumuloy kasi they treat me as a member of their family naman. Tineks ko na lang si Cedric na may emergency kaya di na ako nakapag paalam ng personal sakanya at humingi ako ng paumanhin. Ang bait niya talaga ok lang daw.

"Magtino tino ka na nga kasi! Kababae mong tao ha!" ang sermon sa akin ni Lyca.

"oo, oo na magtitino na ako promise. Promise talaga!" ang nahihiyang sagot ko.

"ilang beses mo na ba sinabi yan sa akin!" sermon niya ulit.

"Ngayon pa lang noh! At seryoso ako na magbabago na ako." sagot ko.

"So anong desisyon mo ngayon?" tanong niya.

"Ibreak ko na lang silang lahat para fair." seryosong sabi ko.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon