Chapter 16

133 13 0
                                    

Chapter 16

Shane's POV

Nasa mall na ulit ako para imeet ang lalaking nakapulot ng cellphone ko.

Ang tanga ko, bakit nakalimutan kong dalhin ang cellphone ni papa para matext ko siyang ako'y nandito na.

Luminga linga ako sa aking paligid ng makita ko nanaman ang lalaking matagal ko ng napapansin na laging sunod ng sunod sa akin.

Pinaspasan ko ang paglakad ko para umuwi ulit ng bahay at hiramin ulit ang cp ng aking ama, para maitext ko yung lalaki.

Buti na lang at walking distance lang ang bahay namin dito.

"Miss, saglit lang." sigaw ng isang lalaki sabay hawak ng kamay ko ng nasa labas na ako ng Mall.

"Sino ka! Anong kailangan mo?" kinakabahang tanong ko sa lalaking maagap na humawak ang kamay ko. Siya yung lalaking sunod ng sunod sa akin.

"Ikaw si Shane Hidalgo di ba?" tanong niya na iminulagat pa ang kanyang mata.

Natakot ako mga te! Paano niya alam ang pangalan ko. So, sure na akong sinusundan talaga ako at stalker siya.

"Kilala mo ako? Paano mo nalaman ang pangalan ko? Tyaka bakit ka sunod ng sunod sa akin?" sunod sunod na tanong ko sabay alis ng kamay niya sa kamay ko.

"Pano ko ba sisimulan ito." sagot niya sabay kamot ng likod niya.

"pero bago ko sagutin ang katanungan mo miss, nais ko munang isoli sa'yo ang cellphone mo. Ako nga pala ang nakapulot nito." pag-iiba niya ng usapan.

Pansamantalang naalis muna sa isipan ko ang mga tanong ko sa kanya na kailangang masagot.

Kinuha ko ito. At nagpasalamat sa kanya.

"Tara pasok ulit tayo sa loob, at magmeryenda muna tayo. Treat ko hwuag kang mag-alala. Salamat ulit ah, buti ikaw po ang nakapulot." anyaya ko sakanya.

Ng nasa foodcourt na kami. Bumalik ulit ang mga katanungan sa aking isipan kung sino siya. Ako'y nagtataka parin.

"Hmm.. Sir mawalang galang po...

"Reymond po, ano yun." ang maagap na sabi niya.

"Bakit kayo sunod ng sunod sa akin?" tanong ko na parang sigurado talagang sinusundan niya ako.

"Mawalang galang na rin po miss Shane, pero hindi ko po kayo sinusundan." prangkang sagot niya.

Namula ang magkabilang pisngi ko? Totoo ba ang narinig ko? So guni guni ko lang na sinusundan ako? Impossible! Nararamdaman kong nagsisinungaling siya. Pero mukhang mabait naman.
Ano ba, ang gulo ah.

"ohhhhw, sorry, sorry, akala ko kasi sinusundan mo ako kasi kahit saan ako mapunta nandoon ka." paghingi ko ng tawad.

"okay lang yun. Ahh siguro nagkataon lang na kung nasaan ka nandoon din ako Miss Shane." ang sagot niya.

"okay." maikling sagot ko na lang.

"May hihilingin sana ako kung ok lang sa'yo." sambit niya.

"Yeah,sure ano yun." ang sagot ko.

"Pwede bang makipagkaibigan sa'yo. Kung ok lang naman po." nakangiting hiling niya.

Hindi ako nagtitiwala agad sa mga taong bago ko lang nakilala. Pero di naman siguro masamang bigyan ko siya ng pagkakataon na maging magkaibigan kami.
Kaibigan lang naman pala eh. Maganda kaya ang maraming kaibigan. 

"Ohw, sure why not." sagot ko sa hiling niya.

"So???...... friends?" pagsisiguradong tanong niya, sabay lahad ng kamay niya.

"Friends"sagot ko sabay shake hands.

At iyon ang simula ng pagkakaibigan namin ni Reymond.

---

Bryan's POV

I miss Shane, at kumusta na kaya siya. May isang buwan na rin hindi nagbabalita ang kaibigan ko na si Reymond ah. Matawagan nga.

"Hello brad, kumusta." panimulang bati ko sa telepono.

"Wait lang brad." sagot niya.

"Saglit lang ah kausapin ko lang ang kaibigan ko." narinig ko pang bulong niya. Ah siguro kasama niya girlfriend niya.

"Hi Brad, ok lang naman ako, oh ikaw musta na." sagot din niya sa wakas makaraan ang limang minuto. 

"Tagal mo naman yatang sumagot brad?" tanong ko.

"May kasama kasi ako brad eh, lumayo lang ako konti." sagot niya.

"Gf mo ba? Usyoserong tanong ko.

"Hindi brad, basta." sagot niya.

"Si Shane kumusta na? Matagal na akong walang balita sakanya brad ah.. Namimiss ko na siya." tanong ko na atat ng marinig ang isasagot niya.

"Si Shane? Okay naman na siya. Mukhang masaya na nga brad eh. Mukhang nakalimutan ka na nga niya. Kasi palagi ng nakangiti." balita ni Reymond sa akin.

"Paano mo naman nasabi na parang nakalimutan na niya ako?" nagtatakang tanong ko, at tila sumikip ang dibdib ko sa pagkakasabi niyang iyon.

"eh kasi masaya na eh." walang kaamor amor na sagot ng kaibigan ko.

"Ahh....masaya lang naman pala, di ako makakalimutan nun, ako lang mahal nun brad. May tiwala ako sakanya." sabi ko, na ako na mismo ang nagpapanatag sa loob ko. 

Di naman niya nakakasama si Shane para sabihin niyang nakalimutan na ako ni Shane diba. 
Porket masaya lang ang Babe ko nakalimutan na daw ako. May tiwala akong, ako lang mahal non.

"Na offend yata kita brad, pasensiya na. Yun kasi ang nakikita ko, don't worry di na ako magbabalita ng ganun sayo. Sorry ah." dispensang sabi niya.

"Okay lang brad. Ano ka ba, masamang balita o mabuti man ay sabihin mo pa rin sa akin. Okay lang huwag kang mag-alala." sabi ko.

"Sige brad, sige sige.... Bye muna for now ah." 

"Sige....bye muna."

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon