Chapter 19
Author's POV
Ng magkamalay si Bryan ay nasa hospital na siya.
"Your son is in good condition now Madam, there's nothing to worry." ang sabi ng doctor ni Bryan.
Narinig pa iyon ni Bryan ng tuluyan ng maimulat ang kanyang mga mata.
Kasabay non ay umalis na rin ang doctor para maiwan muna pansamantala ang pasyente at pamilya nito ng masigurong okay na siya.
"Oh, anak gising ka na pala." ang dali daling sabi ng ina ni Bryan ng makitang nakamulat na ang mga mata niya.
"Ma, Pa, ate, kuya nasaan ako? Anong nangyari?" ang tanong niya.
"nandito tayo sa hospital, nawalan ka daw ng malay kanina sa Mall sabi ng nakakitang kalapit bahay natin. Bakit ano ba ang nangyari?" tanong naman ng ama niya.
"Ah..wala po, siguro gutom lang yun. Huwag niyo na akong alalahanin ok lang po ako. Tara na uwi na." ang pagsisinungaling nito.
"dahil sa gutom? Eh linamutak mo nga lahat yung graham cake na gawa ko. Paanong dahil sa gutom?" ang tanong naman ng Ate Elena niya.
Pilit mang magdahilan at magsinungaling si Bryan para di nila malaman ang tungkol sa kanila ni Shane ay sila na rin mismo ang nakatuklas nito.
"O dahil ba dito?" ang sabad naman ng kuya niya at pinakita pa ang sinend na picture ni Reymond kay Bryan. Picture iyon ni Shane na may kasamang lalaki at magkaholding hands pa.
Ang alam ng pamilya niya ay nakita na rin iyon ni Bryan na dahilan ng pagkahimatay niya.
"Patingin kuya! Ano yan?" ang nagtatakang tanong niya sabay lahad ng kamay niya para maabot ang cellphone nito.
"patay, di niya pala alam! Ikaw bakit mo pa pinakita!" ang bulong ng isa pa niyang kapatid sa kuya niya.
"Di ko rin naman alam." ang sagot ng kuya niya.
"Bryan...." ang sabi ng Ina nito.
Bumuntong hininga si Bryan, at pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak.
"ano pa nga ba ang magagawa ko? Masaya na siya. Tama na, sapat na ang narinig ko galing kay Reymond kanina. Masakit ang mga narinig kong balita kanina galing kay Reymond at mas lalo pa pong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon..ngayong kitang kita ko ang ebidensiya na totoo nga. Masaya na siya?...may iba na siya? Hahaha oh di ako na ang pinagmukhang tanga!! Shaaaaaaane! Huhuhu bakit mo nagawa sa akin ito! Akala ko ako lang ang huling pag-ibig mo! Tinanggap kita kung sino ka, at minahal kita ng tapat at totoo pero ito pa pala ang igaganti mo! Katulad ka rin pala nila! Mapagbalat kayo!" pagsisisigaw ni Bryan sa loob ng room.
Inawat at pinatahan siya ng kanyang pamilya.
Galit na galit din ang mga ito kay Shane. Paanong nagawa ng babae sakanya ito sa kanilang kapatid at anak. Alam nila kung gaano talaga kamahal ni Bryan si Shane. At saksi silang lahat kung paano inaalala palagi ni Bryan si Shane, kung kumusta na siya. Kung okay lang ba siya. Kung magiging okay pa ba sila. At umasa talga siya sa mga pangako ni Shane sakanya.
Subalit mali silang lahat ng inaakala. Mali sila ng akala na mayroon na ngang iba si Shane. Dahil ang lahat ng iyon ay plinano talaga ni Reymond. Ang picture na sinend niya kay Bryan ay talagang nagbuhos pa siya effort para maedit ito. At palabasing pinagtaksilan ni Shane si Bryan.
Naniniwala kasi si Reymond na kapag napaniwala niya si Bryan na may iba na si Shane ay titingin na rin ito ng iba. At si Shane mawawalan na rin ng pag-asa na maging sila pa ni Bryan.
Kasunod nun ay mahuhulog rin ang loob niya sakanya.
"ano na ngayon ang plano mo?" ang tanong ng ina niya ng kumalma na siya.
"Ano pa po sana, parang wala na rin say say ang buhay ko ngayong may iba na siya. Para ano pang dahilan ang mabuhay ako kung wala na siya. Mabuti pa ay mamatay na lang ako.. Kunin mo na akoooo....."
"anak..Bryan, huminahon ka. Pakinggan mo ako.
Iyang nararamdaman mo ngayon, hihilom din yan. Darating ang panahon ang sugat na iyan ay maghihilom din. Hindi lang siya ang dahilan para mabuhay ka. At hindi pwedeng siya ang dahilan para sumuko ka. Hanggat may hininga may pag-asa. Nandito kami anak, nandito kaming pamilya mo nagmamahal at magproprotekta sayo. Patuloy ka lamang magtiwala sa Diyos na malalampasan mo iyan. Tiwala lang. Tiwala lang." ang mahabang payo ng ina nito.
Tumango si Bryan, at nafeel niya ang sinabi ng kanyang ina. Kaya nabuhayan siya ng loob na ipagpatuloy ang buhay na nasimulan niya. Masakit man ang sinapit niya ay ipagpapatuloy pa rin niya ang buhay niya.
---
Matapos ang kaganapang iyon, ay buo na rin ang desisyon nilang umuwi na ng Pilipinas.
Matapos ang isang taon na pamamalagi sa bansang America ay ito, nandito na ulit sila sa Pilipinas.
Subalit, hiniling ni Bryan sa mga ito na huwag na muna silang uuwi sa kanilang bayan.
Kaya sa lugar muna ng kanilang lolo at lola na magulang ng ama niya sila tumira.
Itinuloy ni Bryan ang kanyang dating kurso doon.
Bagong buhay, bagong pamumuhay,
bagong kaibigan at bagong tao na makakasalamuha.
Mas okay na iyon, para mawala ang kanyang sakit na nararamdaman.
Mas okay ng magpakalayo layo na muna siya, para makalimutan na niya si Shane.
BINABASA MO ANG
One True Love
أدب المراهقينOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...