Chapter 14
Shane's POV
Lumipas ang araw, linggo at buwan ng di ko man lang namamalayan. Apat na buwan na rin pala ang lumipas mula ng huli kong makita si Bryan na nauwi pa sa di ko inaasahan.
Ngunit sa apat na buwan na iyon na lumipas ay patuloy pa rin akong nag tatanong. Mga simpleng katanungan na nangangailangan din ng simpleng kasagutan.
Nasaan na ba siya? Bakit niya ako iniwan? Bakit tila kinalimutan na niya lahat ng aming sumpaan at blah blah blah. Marami pa akong katanungan.
Sa aking pagmumuni muni sa isang tabi. Napaisip ako. Eto na ba ang karma ko. Sa dami ng lalaking linoko ko noon, marahil ito na ang sampal sa lahat ng mga kalokohan ko noon.
Ngunit tila sobra sobra naman yatang karma ito. Bakit..bakit kung kailan nakita ko na ang lalaking matagal ko ng hinihiling sa Diyos ay saka naman mangyayari sa akin ito.
Pinipilit ko siyang kalimutan, dahil alam kong wala rin naman patutunguhan ang lahat kung patuloy akong nakakulong sa aming nakaraan. Pero kada gagawin ko ito ang ala-ala niya ay bumabalik.
Lumabas ako ng bahay para magpahangin.
Sa di inaasahang pagkakataon, may nakita akong isang lalaki at isang babae.
Ang sweet sweet nila sa isa't isa.
Yung lalaki nakahawak ng guitara at kinakantahan ang babae na kasama niya.
Naiinggit ako, ganito kami dati ni Bryan eh.
Napako ang tingin ko sa lalaki.
"Si Bryan ba yun? Br-bryan!" bulong ko sa aking sarili. Subalit sino ang babaeng iyon? Bago niya? Siya ba ang dahilan kaya niya ako iniwan at di na nagparamdam.
Pero hindi maaari! Nangako siya na ako lang ang kanyang mamahalin hanggang sa huli! Nangako siyang kami ang magkakasama hanggang sa dulo ng mundo.
Kung kinakailangang magmakaawa ako para lang balikan niya ako, at iwan ang babaeng iyon ay gagawin ko.
"Bryan! Bryan!" pagsisigaw ko sabay lapit sa dalawang taong nagkakantahan.
Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Sobrang namiss ko talaga siya.
"Bryan! Bumalik ka na sa akin! Diba sabi mo ikaw at ako hanggang sa dulo man ng mundo!" umiiyak na sambit ko habang nakayakap parin sa lalaki.
Bigla niyang inalis ang pagkakayakap ko na iyon.
"Miss, okay ka lang? Lance po ang pangalan ko at hindi Bryan. At siya po girlfriend ko si Mimi" sabi ng lalaki sabay haplos sa aking balikat, na pinapatahan ang aking pag iyak.
Kinusot ko ang mga mata ko. Tama nga hindi si Bryan iyon. Namalik mata lang pala ako.
Todo iyak pa naman ako at emote, akala ko talaga totoong pinagpalit na niya ako.
Humingi ako ng dispensa at tawad dahil sa eksenang iyon.
Dahil sa kahihiyang nagawa ko, dali dali akong nagtatakbo papasok sa aming bahay.
Buti na lang at walang tao ngayon sa bahay, mag-isa ko lang.
Binuksan ko ang aming radyo at makinig na lang ng mga musika para kahit papano mawala ang hiyang inabot ko. Oa na kung Oa, ganito talaga ang nagmamahal.
Inihanap ko sa paborito kong istasyon pagkabukas ko ng aming radyo.
"Oh babe! Isang ngiti mo lang para na 'kong tinutunaw......."
Tit. Agad kong pinatay iyon. Gusto kong magpamusic para maibsan ang aking nararamdaman, tapos ito pa bubungad sa akin! Kung sino man ang DJ na nakaduty at nagplay niyan humanda ka sa akin!
Tinanggal ko na sa pagkakasaksak ang aming radyo, nawalan na ako ng ganang makinig ng music.
Kayat pumunta na lamang ako sa aking kwarto para kunin ang mga uniporme ko sa aking kabinet. Karirin ko na lang ang magplantsa.
Pagkabukas ko ay may nahulog.
Ng dinampot ko ay ang diary notes ko pala ito at ang box na bigay sa akin noon ni Bryan na may lamang bracelet.
Kapag minamalas ka nga naman oo. Doon na ulit tuluyang pumatak ang aking mga luha.
Lalo na ng umpisahan ko ng buklatin at basahin ang bawat pahina ng diary note na iyon!
Siguro may rason...may rasos kung bakit tila ayaw ng panahon na kalimutan ko siya.
Dahil kung ako ang masusunod matagal ko ng ginawa. Ngunit ayaw ng panahon ang makiayon sa aking gusto.
Ako ay luhaan nanaman pagkabasa lahat ng mga isinulat ko doon.
Hanggang sa di ko namamalayan ay muli kong isinuot ang bracelet na bigay niya, sa aking kamay.
---
Bryan's POV
Isang himala ang nangyari sa akin. Sa maniwala man kayo o hindi, yung araw na ooperahan na sana ako ay hindi natuloy.
Maging ang doctor na gumagamot sa akin ay sobrang taka rin. Bakit bigla daw bumalik na sa normal ang lagay ng aking puso.
May sakit kasi ako sa puso, matagal ko ng sakit ito at inilihim ko pa sa aking pamilya lalo na kay Shane.
Hanggang isang araw ako'y naatake ng sakit kong ito.
Buti na lang at nasa bahay namin ako naatake noon. Isinugod nila ako sa hospital at doon na nila nalaman na may sakit nga ako sa puso. Sobrang alala at takot ng aking pamilya noon.
Naki usap ako sa kanila na huwag na lang nila sabihin ito kay Shane. Noong una ay tutol sila.
Pero dahil sa mahal nila ako ito'y sinunod na lang nila.
Ng marinig ko ang sabi ng doctor na hindi na ako maooperahan, ang Diyos ang una kong naalala at pinasalamatan.
Dahil kapag malaki ang pananampalataya mo sa Diyos, ang mga bagay na imposible ay magiging posible.

BINABASA MO ANG
One True Love
Novela JuvenilOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...