Chapter 20
Shane's POV
"Ahy pren musta na nga pala kayo ng manliligaw mo?" ang tanong sa akin ni Lyca ng nasa ilog kami at nagpipicnic kasama ang mga iba naming kaibigan.
"Sino nanaman?" ang tanong ko na itinigil ko pa ang pagiihaw sa mga bagong huling isda.
"Yun ano, matangakad na matipuno at saksakan ng guwapo.. Sino na ba ulit yon?? Si....si...si Reymond. Oo Reymond. Kumusta na kayo?" ang makulit na tanong ni Lyca.
"Hmp, ahy naku kahit sungkitin pa niya ang buwan at huliin ang mga ulan, wala at wala siyang mapapala. Period tuldok. Sarado kandado ang puso ko." ang diretsang sagot ko.
"Eh...mukhang tatandang dalaga ka yata diyan pren ah! Ingat ka sayang ang lahi!" sabi ni Lyca.
"Its ok. Mas okay na ang tumandang dalaga, kaysa sa may kasama ka nga sa pagtanda pero di mo naman pala ito sinisinta." ang sagot kong muli.
"Kasi.....kasi si Bryan pa rin?" ang tanong niyang muli.
"Yeah!" ang ikling sagot ko lang. At tumingin pa ako kay Lyca pagkabigkas ko non.
"Alam mo pren, minsan bilib din ako sayo. Kasi kahit alam mong wala ng pag-asa patuloy ka pa ring umaasa. 8 thums up for that pren." puri ni Lyca sa akin sabay thumbs up pa.
---
Bryan's POV
Eto nanaman ako nakatanaw sa aming bintana kahit wala namang tinatanaw.
At hanggang ngayon ay patuloy parin akong nagdadamdam. Nagdadamdam ng aming sinapit ni Shane.
Masakit pala ang magmahal ng lubusan. Masakit ang bigla ka na lang ipagpalit.
Pero bakit, kahit ganun ang ginawa niya sa akin ay siya pa rin.
Siya parin ang aking mahal, at ayaw ko ng tumingin sa iba.
Maraming irinereto sa akin ang mga kaibigan at kapatid ko pero ayaw ko talaga.
Sabagay, di ko siya masisisi. Dahil alam kong sa una pa lang talaga ay ako na ang may mali.
Pero nangyari na, at marami narin ang nangyari at mas lalong dadami pa ang mangyayari.
Ngunit hindi iyon ang dahilan para di ko maisaulo ang pag-aaral ko. Mas mahalaga ngayon sa akin ang mag aral at grumadweyt at maipasa ang board, hanggang sa makanahap ako ng trabaho.
Tama ituon ko na lamang sa aking pag-aaral at sa aking pamilya ang lahat.
Wala ring mangyayari sa akin kung patuloy akong magmumukmok sa sulok hanggang sa masipsip na lahat ng dugo ko ng mga lamok.
---
Author's POV
Mabilis na lumipas ang araw, linggo buwan at taon,
at grumadweyt na nga sa wakas si Shane sa kurso nitong BSBA.
Isa siya sa mga nagtapos na pinarangalan bilang cumlaude.
Si Bryan ay sa susunod na taon pa siya makakagradweyt.
Ng matapos na ni Shane ang pag-aaral ay minabuti niyang lumuwas ng Manila at subukan ang makipagsapalaran doon.
Nag pasa siya ng resume sa iba't ibang kompanya sa Manila.
Halos lahat na yata ng kompanya ay binigyan niya.
Mas okay na daw iyon, para iisahang pagod. Kung anong kompanya ang may gustong tumanggap sakanya, kahit sa pinakababang posisyon ay taos puso nitong tatanggapin.
At ganun nga ang nangyari.
Swerteng nakuha siya sa isang malaki at sikat na kompanya.
Tuwang tuwa siya ng malaman na tanggap siya.
"Yes! Sa wakas, thank You Lord. Makakatulong na rin ako sa mga magulang ko." ang sabi pa nito sa kanyang sarili ng tinawagan siyang siya ay pasado.
Sa sumunod na araw ay ang unang sabak siya sa trabaho.
Siyempre sa una, mahirap muna.
Pero ng tumagal na siya doon ay naging madali na din ang lahat.
Marami na rin siyang naging kaibigan doon at higit sa lahat ay marami na din ang nanliligaw sa kanya.
Pero hindi niya pa rin pinapansin ang mga nanliligaw na iyon.
Kasi si Bryan pa rin.
---
Sa sumunod na taon ay tuluyan na ring natapos ni Bryan ang kanyang kurso.
Kapwa unti unti ng natutupad ang mga pangarap ng dalawa.
Ng nagkaroon na ng exam para sa lisensiya ng pagiging nurse ay agad ding nagtake si Bryan.
Mabuti naman ang kinalabasan ng exam na iyon. Dahil isa si Bryan sa mga pumasa.
Masayang masaya ang pamilya niya, lalong lalo na siya.
Subalit sa kasiyahan niyang iyon, ay di niya pa rin maalis sa isip niya si Shane. Kung kumusta na ang mga pangarap niya at kung nagtratrabaho na ba.
Or may asawa na ba.
Nais na niya sanang umuwi na sakanila, pero nag-aalangan pa rin siya.
Nag-aalangan na baka may asawa na nga siya at masaktan lamang kapag makitang kasama niya ang asawa niya..
Yung sayang nararamdaman niya kanina ay biglang napalitan ng lungkot. Pero di niya iyon pinahalata sa pamilya niya.
Ang mga ate at kuya niya, ay may sarili na ring pamilya.
Siya na lang ang wala.
Paanong makakapag asawa pa kasi, eh si Shane parin ang gusto nito.
Sabi nga sa kasabihan na, "Love when you're ready, not when you're lonely"
at iyon siya di pa siya handa ulit na magmahal.
Ganun din si Shane, di pa siya ulit handang magmahal.
Pag-ibig nga naman. Totoo yata ang kasabihan na "First love never dies".
And you will never ever forget your first love.

BINABASA MO ANG
One True Love
Novela JuvenilOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...