Chapter 10

140 13 0
                                        

Chapter 10

Author's POV

Natapos din ang school year, at kapwa nakahinga na ng maluwag ang mga estudyante. Makakapagpahinga na rin sa wakas ang mga buhol buhol na utak nila.

Yung iba masaya kasi makakagala todamaxx nanaman sila. Magbabakasyon sa kani kanilang probinsiya.

Yung iba naman ay malungkot dahil ang allowance ay pansamantalang mapuputol.

Yung iba nanghihinayang dahil guto pa nilang matuto, at dumami ang kaalaman.

Yung iba pajamming jamming na lang dahil tiyak na maiistress nanaman sila pagdating ng susunod na buwan.

Gaya na lang kina Shane at Bryan. Dahil sa naging busy sila ng mga nakaraang buwan, ay sinusulit ngayon nila ang mga panahong iyon.

Konting konti na lang ay magsama na sila sa iisang bubong dahil sa sobrang pagkamiss nila sa isa't isa.

Walang linggo na hindi nagkikita ang dalawa. 

Na para bang di sila nagsasawang makita ang bawat isa.

Gustong gusto ni Bryan na ipadama kay Shane na sobrang mahal niya ito at mahalaga ito sakanya. Na kahit alam niyang pagdating ng araw ay pansamatala muna silang magkakalayo.

"Basta Shane yung promise natin ha, ikaw at ako lang hanggang sa dulo ng mundo. Wala sanang magbabago. Ok ba babe?" ang paalala ni Bryan kay Shane sa pangako nila sa isa't isa. 

Nasa silong sila ng mangga at nagpapahangin.

"Makakaasa ka babe. Promise is promise. At yung promise mo din ha na di mo ako iiwan kahit na anong mangyari. Kahit ilang itak pa ang sumalubong sa atin, ipaglalaban natin ang pag-iibigan natin." paalala rin ni Shane kay Bryan tungkol sa sumpaan nila sa bawat isa.

"Promise." sambit ni Bryan na parang nakurot ang puso nito sa sinabing iyon ni Shane. Ngunit hindi niya iyon pinahalata sa dalaga at sabay halik sa noo ng dalaga.

"ikaw na punong mangga ka, narinig mo ba ang sumpaan namin?" parang baliw na sabi ni Bryan at tiningala at itinuro pa ang punong mangga.

Tila may tainga ang puno at nakiayon sa kataga ni Bryan. Ng biglang may nahulog na bunga nito. Buti na lang at nasalo niya iyon dahil kung hindi, ang mukha nito ang nabagsakan.

Nagtawanan ang dalawa sa pangyayaring iyon.

Tyaka nila kapwa kinain ang sariwang bunga ng mangga na nahulog.

---

Sa sumunod na araw kausap ni Aling Thelma ang anak nitong si Bryan.

"Kumusta ang araw niyo kahapon ni Shane anak?" pangungumusta ng ina niya.

"Ayos naman po, tulad ng dati masaya uli." magalang na sagot ng binata.

"Wala ka ba talagang balak na sabihin sakanya tungkol sa iyong kalagayan?" ang naaawang tanong ng ina niya.

"Ma...." ikling sambit lang nito.

"Alam kong mahal na mahal ka niya. At kailangan niyang malaman kung ano ang iyong pinagdadaanan." payo ng ina nito.

"Opo, pero ayaw kong madagdagan pa ang iniisip niya Ma. Ayaw kong kaawaan niya ako. Ayaw kong makita siyang malungkot kapag nalaman niyang may malubha akong karamdaman. Dahil baka kapag nalaman niya ay ikakasira pa ito ng pag-aaral niya. Kilala ko yun Ma, mahal na mahal niya ang kanyang kurso. Basta masaya na akong nakikita siyang masaya." naiiyak na sabi nito.

"Ngunit ang tanong, masaya ka nga ba talaga?" paninigurado ng ina nito.

Bumuntong hininga si Bryan tyaka sinagot ang tanong ng ina.

"Masaya." ang pagsisinungaling nito.

"Tyaka maliit na panahon lang naman iyong isang taon Ma para magamot ang sakit ko..diba? Para kay Shane at para sa inyo magpapakatatag ako. Para malagpasan ang sakit na ito at para bumalik uli sa normal ang lahat. May tiwala ako sa Diyos Ma. May awa siya." sambit ni Bryan na pinahid pa ang luhang pumatak.

"Amen. Desisyon mo iyan anak, at di na kita mapipilit pa talaga kung iyan ang alam mong tama para sa sarili mo at sa inyo ni Shane." pagtatapos ng ina sa usaping iyon tyaka nito niyakap ang anak nito. 

---

Buo na ang desisyon ni Bryan na pumunta muna silang magaanak sa America para doon magpagamot sa sakit nito. Sa susunod na buwan na ang alis nilang magkakapamilya.

At di na muna niya maitutuloy ang kursong kinukuha nito.

Mas mahalaga sa kanya ang magpagamot at magpagaling kaysa sa pagiging nurse niya balang araw.

Kasi aanhin naman niya ang kanyang pinag aralan kung sakanya pala mismo iaapply ito.

Habang papalapit ang oras at araw para sa pansamantalang pag-alis nila, ay mas lalo pa niyang ipinaramdam kay Shane ang pagmamahal niya.

At sa tuwing ipinaparamdam niya ito ay nalulungkot at nakokonsensiya siya dahil pinaglilihiman niya ang dalaga.

Isang buwan na lamang ang nalalabi at kailangan na rin niyang sanayin ang sarili. Kailangan niyang sanayin na wala ng Shane sa kanyang tabi.

Kailangan niyang sanayin na di na niya muna ito gigitarahan at aawitan.

Kailangan niyang sanayain ang sarili na wala ng komunikasyon sa isa't isa.

Kaya naman nagpalit siya ng numero at di na nakipagkita pa sa dalaga.

Masakit sa kanya ang bigla biglang desiyon niyang iyon. Ngunit ito lang ang naisip niyang gawin para masanay niya ang sarili. Pero sa kasamaang palad, sa desisyon niyang iyon ay tila unti unti din nadudurog ang kanyang puso.

Kailangan niyang magpakatatag, alam niyang may awa ang Diyos.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon