Chapter 25

140 12 1
                                    

Chapter 25

Shane's POV

Naging maayos ngang muli ang lahat ng gusot sa pagitan namin ni Bryan.

Nagkapatawaran ang isa't isa kung meron man nagawang pagkukulang at kasalanan ang bawat isa.

Ang lahat ay masaya at tuwang tuwa ng malamang nagkita na muli kami at nagkabalikan muli.

Sadyang tunay nga ang kasabihan na "ang pag-ibig ay parang ginto, ilublob mo man ito sa putik kapag tunay at totoo ay hinding hindi kukupas hanggang sa dulo man ng mundo".

And this.... after almost five years ay hindi nga kumupas ang pagmamahalan namin. Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito. 

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. 

At hindi mapapantayan ng kahit sino man diyan ang sayang nararamdaman namin.

---

Sa sumunod na buwan ay nagleave muna pansamantala si Bryan sa hospital na pinagtra-trabahuan niya bilang nurse.

Para daw sa akin at para masulit namin yung mga panahon na nasayang noon.

"Bakit ka pa kasi nagleave? Sayang yung panahon para makapaglingkod ka sa mga tao." ang medyo galit na boses ko.

"Pwede bang ikaw muna ang paglingkuran ko? Kung okay lang? Pero kung hindi okay, abay pilitin mo dahil sa ayaw at sa gusto mo paglilingkuran pa rin kita." sagot niya at tsaka niya hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito ng nasa may bench na kami sa isang park. Ang mga mata niya ay nakatingin sa aking mata.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan, mas lalo lang ako naiinlove eh." irap na sabi ko naman.

Panu ba naman kasi kaylagkit lagkit ng mga tingin niya. Nakakakilig kaya siya tumingin.

"Babe, anghel ka ba?" biglang tanong niya. At patuloy paring nakatingin sa aking mga mata.

"Demonyo ka, kinikilig na nga ako bumabanat ka pa ah!" sabi ko na pinipigilang huwag mapangiti.

"woooooh? Talaga kinikilig ka? Parang hindi naman eh. Sungit sungit mo nga eh pero babe, ito sagutin mo ito." sabi ni Bryan.

"game." sagot ko lang.

"Auntie ba kita?" si Bryan.

"Bakit?" sabi ko.

"Kasi ikaw lang AUNTIEnitibok ng puso ko yiiiiih". Tuwang tuwang banat niya.

"eh oatmeal ka ba?" tanong ko naman sakanya.

"Bakit?" sabi niya.

"Eh kasi you are good in my heart hahaha, kala mo ah ikaw lang ang may alam" tawang sabi ko.

"Hindi ka pa ba pagod?" maya maya ay tanong ulit niya.

"hindi naman babe, bakit?" sagot ko.

"Kasi, kanina ka pa takbo ng takbo sa isip ko babe eh. Yihhhhh" banat muli ni Bryan.

"Ang korni natin noh! Hahahaha, pero sige gusto ko ito babe, ito yung mga panahon na matagal ko ng gustong mangyari." sabi ko at hinawakan kamay niya.

Maya maya pa tumayo na kami at naglakad lakad ng magkawak kamay.

Mga kamay na ayaw mapaghiwalay kahit saan mapadpad.

Mga kamay na kay init, nakakapaso.

Ng maghahapon na ay hinatid na ako ni Bryan sa bahay namin.

"Pasok ka muna saglit para makapagkape." ang anyaya ko ng nasa tapat na kami ng bahay.

"Huwag na." ang tanggi nito.

Sumimangot ako sa pagtanggi niyang yon.

"Okay sige na nga, tampururut nanaman ang babe ko." sabi niya ng makita ang expression ng mukha ko.

"Oh, nandito na pala ang magbabe." bungad na sabi ng kapatid ko na si Sheryl at pumalakpak pa.

"Mano po Ma" ang mano niya sa Mama ko.

Tinignan ko siya ng makahulugang tingin at ikinunot ko pa ang noo ko.

"mano po Pa" sabi niya ulit at nagmano naman sa aking Papa.

Ganun muli ang reaksiyon ko ng marinig ko iyon.

"ano sabi mo sa mga magulang ko?" bulong na tanong ko sakanya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko na iyon sa kanya.

"Ganyan nga Bryan, anak. Mabuti naman at sinasanay mo na rin kaming tawaging Ma at Pa." ang kindat na sabi ni Mama at tinignan pa ako pagkasabi non.

Napangiti na lang ako ng marinig ko iyon.

"Yes naman Ma." sabi pang muli ni Bryan.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na rin siya. May aasikasuhin daw kasi siya na importanteng importante. Kaya hinatid ko na siya hanggang sa may labas ng bahay namin..

"Ingat sa daan babe ha" ang paalala ko kay Bryan ng nasa labas na kami.

"yes boss my babe, magiingat ako para sayo. Hmmmmmuah" sambit niya sabay halik sa aking noo.

Napapikit naman ako sa ginawa niyang iyon.

"sige bye bye. Bukas ulit." muling paalam niya.

"Yeah" ikling sagot ko lang.

Bryan's POV

Kay saya ko ng araw na iyon.

At magiging mas masaya pa ang susunod na mangyayari na hindi ko na palalampasin pa kahit na anong mangyari.

Ng makarating na ako sa hotel na nirerentahan ko ay tinawagan ko ang kaibigan ni Shane, si Lyca.

"Oo, okay na, ayos na ayos na...as in fix na fix na." sabi niya sa kabilang linya.

"Okay sige, kita kits na lang bukas ah. Huwag na huwag mong sasabihin kay Shane hehe." paalala ko sakanya.

"Ganun na ba ako katsismosa? Syempre hindi ko sasabihin no. Surprise nga di ba! Nakuuuuu yiiiih ako ang naeexcite eh." sabi ni Lyca na parang nakakain ng mikerophone sa lakas ng boses niya.

Excited na ako para bukas. Para sa matagal ko ng hinihintay at pinapangarap na pagkakataon. Handa na akong sumabak sa susunod na kabanata ng relasyon namin ni Shane. At sana naman ay hindi nako mabibigo sa susunod kong gagawin. Sana mapa oo ko siya. Sana oo ang sagot niya.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon