Chapter 9
Shane's POV
Makalipas ang ilang minuto nagtext rin si Bryan na...sorry daw kung nagtatampo siya. Gusto niya lang daw kasi talaga akong makita bukas. Pero kung yun daw ang gusto ko dahil busy ako ay ok lang sakanya. Ewan ko ba kasi sakanya kakakita lang namin ng saturday eh parang mamatay na ako kung makamiss ang taong yun.
Siya yung tipo ng lalaking hindi mahipride. Hindi tumatagal ang aming tampuhan ng ilang araw hindi katulad ng iba diyan na nagpapataasan ng pride. Marunong siyang mag effort, sweet siya, joker, maalaga, at mapagmahal siya. Hindi siya mahirap mahalin at talaga namang kikiligin ka tuwing kasama mo siya.
Lumipas pa ang apat na buwan bilang magkasintahan ay mas lalo pa namin minahal ang isa't isa.
Marami mang pagsubok ang dumating ay kapwa namin ito susuungin.
Dalawang beses na lang kami magkita sa isang buwan. Lalo pa at BSBA na ako at pareho kaming hectic ang schedule. But despite our hectic shedule, ay nagagawan parin namin ito ng paraan para makapagbonding.
Tuwing monthsary namin ay pumupunta kami sa lugar na parehong panatag ang loob namin, na parang sa amin ang mundo. Yung tipong kami lang ang taong nakatira dito. Walang sagabal at istorbo. Kinakantahan niya ako, gini-guitarahan at pinapatawa. Ang paborito at theme song namin ay yung "Oh Babe" ni Jolina Magdangal.
"Oh babe!
Isang ngiti mo lang
Pawi na ang aking uhaw.
Huwag ka lamang tatawa
Baka ako'y malunod na.
Oh babe!
Ako ay talagang patay na patay sayo
Sa true love mo ako'y mahihimlay
Babe ano nga bang tunay na sikreto mo
At ako ay nabihag mo ng husto
ohhhhhhhh ohhhh ohhhhh" yung awit na iyon.
Kinikilig ako kapag iyan na ang inaawit at gini-guitara niya. Minsan duet kami. Minsan naman kapag nasa chorus na bibirit ako tapos siya biglang titigil ng hindi ko alam. Oh di ako na yung biritera.
Pero may isang bagay akong napapansin sakanya....namamayat siya.
Isang araw buwan ng Pebrero, araw ng mga puso ay masaya uli kaming pareho.
We celebrate Valentines day sa isang restaurant.
Bago kami umuwi sa kanya kanya naming bahay ay tumambay muna kami sa sea side. Umupo kami at ihiniga niya ang ulo ko sa mga hita niya. Ang gandang pagmasdan ang mga bitwin at ang buwan.
At dito ko na rin sinamantala ang pagkakataon para sabihin sa kanya ang matagal ko ng napapansin sa kanya.
"Ahm babe, okay ka lang?" ang panimulang tanong ko.
"yup babe super okay ako. Ang saya saya ko. Ikaw masaya ka ba ngayong araw na ito babe?" balik tanong niya sa akin.
"super happy babe, at napakamemorable nanaman ang araw na ito para sa akin." ang magiliw na sagot ko.
"may napapansin ako sayo babe... kasi.... parang ang laki yata ng pinayat mo babe? Kumakain ka ba ng husto or talagang trip mo lang magpapayat? Yung abs mo ah, take care, papayat din sige ka." sabi ko sabay tapik ng tiyan niya, my abs kasi siya.
"wala to, ano ka ba babe kung anu-ano napapansin mo. Kung sakali man na papayat pa ako na parang kalansay, mahalin mo pa kaya ako?" tanong nito na hinaplos pa ang mga buhok ko.
"Ano ba naman klaseng tanong yan babe, ofcourse yes! Kahit pumangit ka pa, kahit maputi na ang buhok mo at magkawrinkles wrinkles pa ang mga balat mo, mamahalin pa rin kita hanggang sa dulo ng mundo." mahabang litanya ko sakanya at iniangat ko pa ang aking ulo para makita siya.
"Promise?" tanong niya.
"Promise babe" sagot ko naman.
"Cross your heart" tinig niya.
"Cross my heart and hope to die." sabi ko at nag X sign pa ako sa hangin.
"Naks hope to die ah. Salamat babe, sana walang magbago sayo. Walang magbabago sa atin. Dahil ako kailan man ay hinding hindi ako magbabago. Hinding hindi magbabago ang itinitibok at isinisigaw nito. Ikaw lang tandaan mo yan." sambit niya sabay turo sakanyang puso.
"makakaasa ka babe, at ikaw lang ang huling pag-ibig ko tandaan mo rin yan. I love you Bryan." mangi iyak iyak na sambit ko sakanya. Di ko alam bakit ganito yung feeling ko. Kinakabahan ako na ewan.
"I love you too Shane, you and me till death do us part" mangiyak iyak din na sambit niya sabay siil sa akin ng matatamis na halik.
Ilang minuto pa ay naghiwalay din iyon sa wakas. Yun ang first kiss namin at kailan man ay hinding hindi ko iyon makakalimutan.
Ilang sandali pa ay tuluyan na kaming nagpaalam para umuwi na sa kanya kanya naming tahanan.
Pagdating ko sa bahay isinulat ko ang mga pangyayaring iyon sa aking diary notebook. Nakaugalian ko na yun, simula pa noong nagkakilala kami hanggang sa sinagot ko siya at naging kami. Nakasulat lahat doon ang mga moments namin na hindi ko makakalimutan kahit kailan. At ang panyo niya na ginamit niya noon para pampunas sa pawis ko ay pinakatago tago ko kasama ng diary ko.
---
After ng Valentines day ay mas lalo pa naging busy ang isa't isa. Finals nanaman kasi. Ang bilis bilis talaga ng araw, parang kailan lang nung finals ng 1st sem ah.
Tapos eto finals nanaman uli ngayong 2nd sem.
Pero okay lang iyon ganun talaga hindi mo naman hawak ang oras para pabagalin iyon.
BINABASA MO ANG
One True Love
Подростковая литератураOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...