The Big Wedding Part1
Author's POV
Araw ng Sabado at walang pasok si Shane.
Wala pa ring kaalam alam si Shane na may magaganap sa araw na iyon. Parang normal lang ang araw na iyon sakanya tulad ng dati kapag ganitong off niya. Kakain, matutulog, makikinig ng music at manood ng TV.
Maya maya tumawag si Lyca sakanya.
"I'm here at Manila fren, see yah!" sabi ni Lyca.
"Ah talaga? Maganda para makapagbonding naman tayo, namiss kaya kita. Dito ka na lang sa bahay tumuloy ah." ang anyaya ni Shane.
"Yeah sure." sabi ni Lyca.
Ng nasa bahay na nila Shane si Lyca ay may hiniling itong pabor.
"Fren, pwede bang pasama mamaya sa pupuntahan ko?" tanong ni Lyca.
"Kadarating mo pa lang, may pupuntahan ka na agad? Magpahinga ka kaya muna." ang sabi ni Shane.
"Hindi okay lang, di naman ako pagod. Importante lang kasi, may party kasi yung kaibigan ko na teacher, eh bring with you your boyfriend daw, alam mo namang NBFSB ako diba? Please please naman." pagmamakaawa ni Lyca.
Di na nga nakatanggi pa si Shane at pumayag na rin siya.
"ito, ito ang suutin mo ah, kunwari ako na lang yung boy tapos ikaw yung girl." saad ni Lyca at ibinigay pa kay Shane ang mga damit na dapat isuot nito.
"Huh! Ang brutal mo naman fren! Bakit kailangan pa ba yun? Para mapaniwala na magjuwawitz tayo. Yuck ka. May pagnanasa ka ba sakin? Yuck iw." arteng sabi ni Shane.
"Mas yuck ka, girl na girl ako noh! Sige na lang kasi pumayag ka na lang, ngayon lang naman to eh! Kailangan lang talaga. Gusto mo bang maop ako don? Ikaw din konsensiya mo iyon!" ganti ni Lyca.
"izzzzz! Sige na nga! Last na to ah!" reklamo ni Shane.
Ngumiti si Lyca pagkarinig iyon. At inayusan na niya ng mabuti si Shane na parang Cinderella ang dating.
"Fren tayo na, ang bagal mo, male-late na tayo sa party eh." sabi ni Lyca ng nasa labas na siya ng bahay nila Shane. Excited na kasi talaga siya kaya nasa labas na.
"Hoy, hindi pwedeng basta ko na lang iiwan tong bahay noh! Hintayin na lang natin saglit sila Mama." sabi ni Shane at nakaupo pang nakadalupisay sa sahig ng salas nila.
"Tayo na dali na! Oh ito nag text sila tito at tita. Tinext ko silang may pupuntahan tayo. Isarado mo na lang daw ng maayos ang bahay sabi. Ito basahin mo para maniwala ka. Tayo na kasiiiiii!" atat na sabi ni Lyca at hinagis pa ang cellphone nito kay Shane.
"Loka ka, kung maka aya ka diyan na pumunta na sa party, daig mo pa ang ikakasal ah! Yung totoo fren, baka naman ikakasal ka na ngang talaga?" kulit na tanong ni Shane.
"Ahy ang kulit! Tara na!"si Lyca.
"Oo na." ikling sagot ni Shane.
At tinahak na nga ng dalawang magkaibigan ang venue kung saan idadaos ang party na sinasabi ni Lyca.
"nandito na tayo, mauna ka na lang pumasok fren ha, ipapark ko lang ng maayos tong sasakyan ko." hiling ni Lyca.
"Nanaman! Sabay na kaya tayo! Wala ako kakilala doon eh!" mulagat na sabi ni Shane.
"Sige na ipark ko lang to. Sunod rin ako" sabi ulit ni Lyca.
At nauna na nga si Shane na pumasok sa Hotel and Restaurant na iyon.
Maliwanag sa labas ng Hotel and Restaurant pero ng tuluyan na siyang makapasok ay tila nasilaw siya sa sobrang dilim ng lugar na iyon. Biglang nagsarado ang pintuan ng nakapasok na siya.
Wala ni sino man ang nandoon. At ni ingay ay wala siyang naririnig. Napakatahimik at natatakot na siya, gusto niyang humingi ng tulong, pero sino sana ang tutulong sakanya? Wala ngang tao diba?
"anong klaseng party ito? Haloween party? Bryan my hero! Help me!" tawag ni Shane sa pangalan ni Bryan at nagpapasaklolo.
Ng biglang nagkaroon ng konting ilaw, at ang ilaw na iyon ay galing sa TV screen at may nakalagay sa screen na iyon.
"WILL" ang unang sabi sa screen.
"Ano to? WILL time bigtime?" sabi ni Shane.
"YOU." ang pangalawang sabi sa screen.
"Oh bakit ako? ako ang nanalo sa willtime bigtime ganon? Lyca nasaan ka na ba! Pahamak ka ah!" sabi ni Shane na naaasar na.
"MARRY" ang pangatlong sabi sa screen.
"Hoy kung sino ka mang nasa likod nito, SHANE po ang pangalan ko hindi MARRY!" iritang sabi ulit ni Shane at may kutob na siya kung ano talaga ito.
"ME?" ang pang-apat na sabi sa screen.
"eh ikaw pala si MARRY eh, nagsasayang ka lang ng oras. Makalayas na nga sa Haloween Party na toh! Lyca mauna na ako! Ang sigaw ni Shane na kahit alam niyang wala namang sasagot sa sigaw niyang iyon.
Ng akmang hahakbang na sana siya para umalis ay muntik na siyang natapilok. Dahil nakaluhod na si Bryan sa harap niya at sabay sabay na sumindi ang mga ilaw.
"Shane Hidalgo, WILL YOU MARRY ME?" ang propose ni Bryan.
Hindi agad nakasagot si Shane, dahil sa sobrang pagkagulat. Hindi niya lubos akalain na magpropropose na pala si Bryan.
"WILL YOU MARRY ME?" ang tanong muli ni Bryan na nakaluhod pa rin na may hawak na singsing at inaalay kay Shane.
Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Shane.
"Yes....yes Bryan yes na yes! Oo" ang paulit ulit na sagot ni Shane.
"Yehey! Sa wakas mabuhay ang bagong engage!" sabay sabay na sigaw ng pamilya nila at ni Lyca.
At pumalakpak silang lahat.

BINABASA MO ANG
One True Love
Novela JuvenilOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...