Chapter 12

140 13 0
                                    

Chapter 12

Author's POV

Nababagot na si Shane na lagi na lang nakakulong sa kanilang bahay.

Wala siyang ganang lumabas at ienjoy ang bakasyon.

Kahit panay ang kulit ng pamilya niya at ni Lyca na mamasyal sila ay wala siyang sigla para sumama.

Boring, malungkot, laging luhaan at si Bryan lang ang hinahanap niya.

Laging tulala dahil di pa rin talaga nito makontak si Bryan.

Nakita ng ina nito na tulala nanaman ang anak nito.

Awang awa na siya sa anak niya at palagi naman nitong pinagsasabihan na lalaki lang iyon. Kung ayaw na niya sa kanya madami pa diyan. Haler sa ganda niyang iyon imposibleng di siya makahanap ng sampo.

"Shane! Ito, tignan mo nga ito." medyo galit na tinig ng ina niya, at kinuha pa sa ding ding ng bahay nila ang isang salamin saka iniharap ito sa dalaga.

"Whoaaaah, ang pangit!" sigaw sa gulat ni Shane ng makita ang itsura nito sa salamin.

"Buti alam mo! Ilang beses na ba kitang kinausap ha! Parang sakanya na lang umiikot ang mundo mo! Parang siya na lang ang mahalaga sayo! Kami?..hindi na ba kami mahalaga sayo. Nandito pa kaming pamilya mo Shane! Nandito pa kaming nagmamahal sayo! Ng dahil lang sa lalaki nagkakaganyan ka na? Ayus ayusin mo ang sarili mo ha! Kung mahal ka niya magpapakita siya at makikipag communicate sayo. Kung mahal ka niya babalik iyon!" mahabang sermon ng ina ni Shane sakanya.

"Di niyo po kasi ako maintindihan Ma, kasi... hindi kayo ang nasa kalagayan ko." sagot nito sa ina.

"Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan Shane! Ganyan na ganyan din ako noon sa Papa mo. At tulad nga ng sabi ko, kung mahal ka babalik siya!" sermon ulit ng ina niya.

Tumango na lamang si Shane at di na sumagot.

Dahil kung magsasalita pa siya, lalong hahaba ang usapan.

"Enough! I need to move on. Kung mahal niya ako babalik siya, tulad ng sabi ni Mama." sa isip isip ni Shane ng mag-isa na siya.

Napadaan siya sa may salamin. Nagulat ulit siya.

"Ang chaka ko nga talaga hahaha. Ok aayusin ko na nga ang sarili ko. Magpaparebond, footspa, make up at manicure pedicure ako sa bayan. Tapos ivi-video ko ang aking sarili, at ito ang aking sasabihin...

'Hoy Bryan iniwan mo ako noon pwes maglaway ka ngayon... bleeee' hahaha" kausap ni Shane ang sarili sa harap ng salamin at dumilat pa na parang bata.

Napagdesisyonan nga niyang pumunta ng bayan. 

---

Samantala sa kabilang banda ay pumunta si Bryan sa lugar nila Shane. 

Bukas na kasi ang alis nila. 

Kaya kahit sa huling sandali man lang ay masilayan niyang muli ang lugar nila Shane na naging pangalawang lugar na rin niya.

Ingat na ingat siya na sana ay di siya makita ng dalaga.

Ng nasa bayan na si Shane ay may nakita siyang kahawig ni Bryan.

Tinikip bukas pa nito ang mata niya baka namamalik mata lang siya. Pero siya talaga iyon, di siya maaaring magkamali. Nakaramdam ng pag-asa at saya si Shane.

"Bryan! Bryan! Bryan!" ang sunod sunod na tawag ni Shane kay Bryan.

Pinagtitinginan siya ng mga taong nakakarinig sa kanya. Wala siyang paki, ang mahalaga ay ang magkaayos sila ng kanyang kasintahan.

Hindi pinapansin ni Bryan ang tawag na iyon ni Shane habang naglalakad siya bitbit ang guitara.

Gustong gusto niyang magpaliwanag sa girlfriend nito kung bakit halos isang buwan niya itong hindi kinakausap, sa personal man o sa cellphone.

Ano sana ang sasabihin niya?

Natatakot siya sa maaari nitong isumbat sakanya. Mahal na mahal niya ang dalaga pero ito ang naisip niyang gawin para hindi lumala ang sitwasyon.

"Bryan!" malakas na tawag ulit ni Shane, buti at nahabol din niya ang lalaki at hinawakan ang braso nito para mapansin siya nito, at hindi na makaiwas pa.

"Ah..ahhh..Sh..Sh..Shane, ikaw pala" kunwaring gulat ni Bryan.

"Bakit di mo na ako tinetext? Bakit di mo na ako tinatawagan? Bakit parang ayaw mo na akong makita? Anong problema Bryan? May problema ba tayo?" sunod sunod na tanong ni Shane na naiiyak na.

"Wa-wala ako cp eh." pagsisinungaling ni Bryan.

"Huh? Wala? Eh ano yang hawak mo?" tanong ulit ni Shane, na tinignan pa ang cellphone na hawak hawak ni Bryan.

"Sira eh." pagdadahilan ulit ni Bryan.

"Ang dami mong dahilan Bryan! Ano na? Ganun ganun na lang ba sa iyo ang lahat?" naiinis sa galit ni Shane.

"Shane pwede bang..mamaya na lang tayo mag-usap?" pag-iiwas ni Bryan.

"Busit na lalaking to! Mamaya na lang daw kami mag-usap. Bakit mamaya pa? Bakit di na lang niya sabihin ngayon din na ayaw na niya sa akin para palayain ko na siya." sabi sa isip isip ni Shane.

Tinignan ni Shane ng matatalim si Bryan.

"No need! Sige goodbye at salamat na lang sa lahat lahat. GOOD BYE!" madiin na sabi nito saka niya tinalikuran si Bryan at iniwan sa ere.

"Shane! Di mo ako naiintindihan! Balang araw malalaman mo rin ang lahat! Shane I love you! Tandaan mo yan! Shaaaaaaane!" sigaw ni Bryan na tuluyan ng pumatak ang mga luha na kanina pa nagbabadya.

Narinig ito ni Shane pero di na niya muling liningon pa ang binata. Bagkus ay pinaspasan nito ang paglakad habang patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi niya.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon